Chapter Thirty
Isang linggo na ang lumipas mula ng maganap ang pagsabog at marami nang nangyari pagkatapos non.
Pinutakte ng media,mula sa iba't ibang bansa,ang balita tungkol sa presidente ng Pilipinas. Parang apoy ding kumalat ang tungkol sa Belial Triangle at sa balitang mayroong iba't-ibang lider ang grupo sa bawat bansa.
Awtomatikong nasibak sa pwesto ang tatay ni Joseph at ngayon ay nakaupo na ang bise presidente nito bilang kapalit.Nabigyan na rin ni Samantha ng hustisya ang nangyari sa magulang at nabawi na niya ang tunay na pangalan.
Akala niya ay maayos na ang lahat pero hindi.
Isang linggo na rin kasing nawawala si Elisa at wala silang makuhang kahit anong lead na magsasabi kung nasaan ang kaibigan niya. Ilang araw nilang sinuyod ang isla pero hindi nila nakita ni anino ng dalaga.
Isa lang ang alam ng lahat, naglockdown ang KIRA satellite at ang security system na ginawa ng magulang ni Elisa kasabay ng pagkawala nito at walang sinuman ang makapagsabi kung buhay pa ba ang kaibigan niya.
But she knew better.
Kilala niya si Elisa. Hindi ito basta mawawala ng ganun na lang. Eighteen minutes bago naganap ang pagsabog ay nakausap pa ng buong team si Elisa. She was freaking barking at them to move their asses out of Belial's premises. Kaya paano ito biglang nawala?
Masakit para kay Samantha ang nangyari. Elisa was like a younger sister to her at pagkatapos ng lahat ng nangyari, ang biglang pagkawala ni Elisa ay parang isang premonition para kay Samantha. Na hindi na siya mabubuhay pa ng normal kagaya ng gusto niya. Na hindi na sila magiging ayos ni Ysabelle dito at mukhang imposible na rin para sa kanila ni Joseph na bumuo ng sarili nilang pamilya.
Isang ligo na rin silang hindi nag-uusap ni Joseph. Nakikita na lang niya ito araw-araw sa balita. At hindi man sabihin ni Joseph ay alam ni Samantha na lumalayo ito sa kanya.
She knew it right there and then. Na kung kaya niyang kalimutan ang lahat, hindi naman kayang gawin yon ni Joseph. Hindi nito kayang kalimutan ang ginawa ng sariling ama.
Nakita niya yon sa mata ni Joseph nung nasa isla sila at natakot siya.Gusto niyang itanggi ang nakita at paniwalain ang sarili na magiging ayos lang ang lahat, na kakayanin nilang dalawa na kalimutan ang lahat basta magkasama sila.
Pero niloloko lang niya ang sarili dahil hindi na nila maibabalik ang dati at napatunayan niya 'yon ng samahan niya si Ysabelle para dalawin ang lalaking kinamumuhian niya pero itinuring namang ama ng kapatid niya.
Kumirot ang puso niya nang maalala kung paano humagulgol ng iyak si Ysabelle nang makita nito sa kulungan si Joseph Marco Felizardo Jr.
Hindi niya makakalimutan ang eksenang yon buong buhay niya.
"Dad." Hinawakan ni Ysabelle ang kamay nito, hinalikan at umiyak na parang bata.
Nagtagis ang bagang niya at para siyang nasaksak sa sikmura. How ironic was that? Nakaposas sa kulungan ang lalaking pumatay sa magulang nila habang iniiyakan ito ng kapatid niya. Funny, kung paano sila pinaglalaruan ng tadhana.
Tumingin sa kanya si Joe na para bang nagtatanong kung bakit hindi nagagalit sa kanya si Ysabelle sa kabila ng lahat.
Tinatanong din niya yon sa sarili. Bakit nga ba hindi niya sinabi sa kapatid kung ano ang naging papel ng lalaking 'to sa pagkamatay ng totoo nilang magulang?
Isa lang ang sagot.
Hindi niya gustong lumaki si Ysabelle na kagaya niya. Hindi niya gustong mabuhay ito na puno ng poot at galit ang puso.
Hindi niya alam kung tama ba ang naging desisyon niyang ilihim ang totoo. But Ysabelle deserve a better life at kung ang pagiging inosente nito sa lahat ng nangyari ang magbibigay nun kay Ysabelle, then so be it.
Sooner or later ay malalaman din naman ni Ysabelle ang totoo. Pero sa ngayon, she likes to keep her little sister in the dark. As far as Ysabelle knows, si Marcus lang ang pumatay sa magulang nila.
"I love you, Daddy!"
Nang sabihin yon ni Ysabelle ay hindi na niya kinaya. Agad siyang tumayo at lumabas ng visitation room, dire-diretso siyang lumabas at nang alam niyang hindi na siya makikita ni Ysabelle ay doon kumawala ang hagulgol na pinipigilan niya.
Isa yon sa mga pinakamasakit na naranasan niya bukod sa masaksihan ang pagkamatay ng magulang. And the funny thing is, iisang tao pa rin ang dahilan ng lahat.
"Ate Sam?"
Mula sa pag-alala sa eksenang iyon sa kulungan ay hinigit siya ni Ysabelle pabalik sa ngayon. Iniling niya ang ulo at pilit na binura sa isip ang imahe ng kapatid habang hawak ang kamay ng lalaking iyon.
Kinagat ni Samantha ang labi at pasimpleng pinunasan ang luha. "Hmm?" Tanong niya.
Kasalukuyan silang nasa puntod ng magulang para magtirik ng kandila at mag-alay ng bulaklak para iparating ang balitang nakuha na nila ang hustisya sa pagkamatay ng mga ito.
Ito ang unang beses na nadalaw ni Samantha ang Daddy at Mommy niya kaya pinilit niyang maging masaya sa kabila ng pinagdadaanan.
Nang manatiling hindi nagsasalita ang kapatid ay sinulyapan niya ito. Nakapikit ito at nagdadasal sa harap ng puntod ng Daddy nila.
"Ysabelle?" Untag niya dito mayamaya.
Nakita niyang kinagat ni Ysabelle ang labi bago nagsalita.
"I lied." Simula nito.
Naguguluhang humarap siya sa kapatid. "About what?"
Nagmulat ng mata si Ysabelle at tumingin sa kanya. "Ginawa ko kung anong sinabi mo, ate Sam. Hindi ako nanonood ng news, I also stayed away from social medias but I'm not a five year old kid. I'm fifteen. Naiintindihan ko na kung anong naririnig ko sa sinasabi ng mga tao sa paligid ko."
Napalunok siya.
"Alam ko kung sino ang totoong nagpapatay sa magulang natin. Alam ko yon." Muli itong nag-iwas ng tingin bago tuluyang umagos ang pinipigilang luha. "Alam ko na ang tungkol dun bago pa man tayo bumisita sa kulungan."
Nabikig siya at nag-unahan ding pumatak ang luha niya habang nakatingin sa kapatid.
"I'm so sorry, ate Sam." Humikbi si Ysabelle. "I-I know I should hate him. Siya ang dahilan kung bakit nasira ang pamilya natin. Pero kahit anong gawin ko... hindi ko kayang magalit sa kanya. I can't."Pumikit siya.
"Siguro sa mata mo, ate Sam, isa lang siyang wala kwentang tao na hindi dapat mabuhay sa mundo. Pero..." Humugot ito ng malalim na hininga bago nagpatuloy. "I don't see him that way. Kapag pumipikit ako, ang nakikita ko lang eh kung paano siya naging mabuting ama sakin. I'm stupid, right?"
Hinigit niya ang kapatid at niyakap. "Oh, Ysabelle."Kapwa sila umiyak hangang sa wala na silang mapigang luha sa mata.
"Do you hate me now?"
Umiling siya. "No. I don't hate you, Ysabelle. I love you." Aniya at hinalikan ang buhok ng kapatid.
Hindi niya inaasahan ang inamin ng kapatid pero hindi niya magawang magalit sa sinabi nito. Ngayon lang narealize ni Samantha na all along ay sarili lang niya ang ang iniisip niya. Hindi niya inisip kung gaano napamahal sa taong yon ang kapatid. Gusto niyang magalit din si Ysabelle sa ginawa nito sa pamilya nila, pero lahat pala yon para lang sa sarili niyang kaligayahan.
Kung may isa mang bagay na ginawang matino ang taong 'yon? Iyon ay ang kung paano nito pinalaki ang kapatid niya. Na sa sobrang pagmamahal ni Ysabelle ay hindi nito magawang magalit kahit pa nalaman na nito ang totoo.
"I'm so sorry, ate Samantha."Umiling siya at hinagod ang likod ng kapatid. "It's okay. I'm sorry. Hindi ko alam."
Nanatili silang tahimik habang magkayakap sa puntod ng magulang hanggang sa muling magsalita si Ysabelle.
"Ate Sam?"
"Hmm?"
"Alam kong nawawala pa rin si ate Elisa at napaka-selfish ng gusto kong mangyari pero..."
"Pero?" Aniya ng manatiling tahimik ang kapatid.
"Gusto ko nang umalis dito. Malayo sa Pilipinas. I want to start a new life with you." Anito.
Tumango siya. "Okay."
Inilayo ni Ysabelle ang mukha para tingnan siya. "Is it really okay to leave?"Ngumiti siya at pinunasan ang pisngi ng kapatid. "Yeah."
"How about... how about ate Elisa?"
Tumingin siya sa malayo. Hindi niya rin alam kung anong gagawin. Nawawala pa rin si Elisa at kung aalis sila ng bansa para na rin niyang isinuko ang paghahanap sa kaibigan.
Pero hindi na rin niya kayang mabuhay dito. Not after all those things that happened. Hindi niya kayang mamuhay sa iisang bansa kung nasaan ang lalaking gusto niyang mahalin pero hindi niya magawa. Hindi niya rin kayang manatili dito pagkatapos ng ipinagtapat ni Ysabelle.
Hindi na dito sa Pilipinas ang buhay niya.
Siguro nga nabawi na niya ang pangalan at ang kapatid, but that's it. Wala na siyang ibang babalikan dito.
Huminga siya ng malalim at pilit na nginitian ang kapatid. "Si Kuya Zach na ang bahala kay Ate Elisa mo at kahit naman wala tayo dito hindi ibig sabihin hindi ko na siya hahanapin. She's like a sister to me."
At pinapangako niya na hahanapin niya ang kung sinuman ang taong nasa likod ng pagkawala ni Elisa.
"... kuya Joseph?"
Natigilan siya sa narinig at tiningnan ang kapatid. Nung una, akala niya ay may itinatanong ito tungkol sa kanila ni Joseph, pero nang makita niyang kung saan nakatingin ang kapatid ay para bang tumigil ang pag-hinga niya.
Wag mong sabihing...
Para bang naalerto ang buong katawan niya. Bumilis ang tibok ng puso, namawis ang kamay at hindi alam kung saan titingin.
Hindi pa man niya nakikita kung talaga bang nandito si Joseph ay naramdaman na niya ang prisensya nito sa kanyang likuran.
Kumawala sa kanya si Ysabelle at pilya ang ngiting humakbang palayo. Lumunok siya, gusto niyang higiting pabalik ang kapatid at yugyugin ito hanggang sa sabihin nitong wala naman talaga si Joseph sa likod niya.
Damn!
Anong gagawin niya? Bakit ba nandito si Joseph? Akala ba niya wala na silang pag-asa? Diba isang linggo itong hindi nagparamdam? Isa lang naman ang ibig sabihin 'nun diba? Na wala na silang pag-asa?
Napasinghap siya. Nandito ba to para tuldukan na talaga ang kung anumang meron sila? Kaya ba niya? Damn! What to do?
Eh kung mag-tumbling siya para makaalis dito.
Ayaw niyang kausapin si Joseph. Natatakot siya sa maririnig, natatakot siyang kukumpirmahin nito ang bagay na ayaw niyang marinig.
Kaya nga napakapagdesisyon na siya.
Hindi niya kayang kausapin si Joseph.
Huminga siya nang malalim pero bago pa man niya magawa ang binabalak na takasan ito ay naramdaman na niyang direkta na iting nakatayo sa likod niya.
At hindi na siya makagalaw.
"Samantha." Anito.
Kinagat niya ang labi at inunahan na ito bago pa man makapagsalita."Will you marry me, Marc-ko?"
BINABASA MO ANG
Dangerous Kiss
AcciónPUBLISHED UNDER PRECIOUS HEARTS ROMANCES Isa sa pinakamagaling na miyembro ng Federal Bureau of Investigation Secret Alliance si Joseph, dahilan upang sa kanya ipahawak ang kaso ng most wanted na magnanakaw na si Lupin. Ang auction ng first lady ng...