Chapter Eight
"You want a drink?" Tanong ni Elisa nang makapasok sila sa penthouse ng SEC Hotel. Dumaretso si Elisa sa maliit na bar sa kaliwang bahagi nang malawak na kusina kung saan naka-display ang mga mamahaling alak at nagsalin ng scotch sa dalawang baso.
Naglakad palapit si Savannah sa floor to ceiling na glass wall at sinipat ang paligid mula sa anggulong kinatatayuan. Mula roon ay kitang-kita nya ang parking lot ng hotel at bagamat nasa tuktok sya ng gusali ay kita pa rin nya ang mga lalaking naka-suot ng formal suit na umaaligid sa hotel. "Nandito na ba ang tauhan ng FBISA?" Tanong nya.
"Uh-huh." Sagot ni Elisa, naglakad ito palapit sa kinatatayuan nya at iniabot sa kanya ang baso ng scotch. "Bukas na ang auction kaya malamang na naghihigpit sila."
Sinimsim nya ang laman ng basong iniabot sa kanya ni Elisa bago ito inilapag sa lamesang malapit sa kanya. "Do you think he's here?"
Tumingin sa kanya si Elisa. "I think he is."
Kinailangan ni Savannah na humawak sa dulo ng lamesa para pigilan ang sarili na matumba. Ang isipin na nasa iisang lugar sila ni Joseph ay sapat na para kapusin muli sya ng hininga.
"Sav, you need to get a grip of yourself." Sabi ni Elisa.
Hinawakan nya ang tapat ng kanyang puso at humugot ng malalim na hininga. "I know." Bulong nya.
Bumuntong-hininga si Elisa at tinapik sya sa likod. "Mas maganda siguro kung ihanda mo ang sarili mo sa posibilidad na muli kayong magkikita kaysa paulit-ulit mong sabihin sa sarili mo na hindi kayo magkikita."
Tumango sya at muling humugot ng malalim na hininga. Tama si Elisa. Mas maiging ihanda nya an posibilidad na muli silang magkikita ni Joseph. Dinampot nyang muli ang baso ng scotch at inubos ang laman sa isang lagok. Halos mapapikit sya ng gumuhit sa kanyang lalamunan ang ininom.
Nang makalma nya ang sarili ay tumayo sya ng ayos at naglakad palapit sa pintuan.
"Saan ka pupunta?" Tanong ni Elisa.
Dinampot nya ang cellphone na ipinatong nya kanina sa center table at nilingon ang kaibigan. "Anong floor ang control room ng hotel?" Tanong nya.
Tumaas ang kilay ni Elisa at sinalubong ang tingin nya. "Bakit?"
"Kung bukas na ang auction at may posibilidad na nandun si--" Lumunok sya. "Gusto kong masigurado kung gaano karami ang kalaban ko bukas."
Tumango si Elisa. "One floor down to us."
Muli syang tumalikod pero bago pa sya makalabas ay muli syang tinawag ni Elisa at inihagis sa kanya ang isang maliit na USB na agad nyang nasalo.
"Para saan to?" Tanong nya.
"Ikabit mo yan sa isa sa mga computer sa control room." Sagot nito.
Tiningnan nya ang hawak at ngumiti. "Piece of cake."
"Sigurado ka bang-- I mean, paano kung nandun sya." Tanong ni Elisa.
Tumawa sya. "Akala ko ba ang sabi mo ihanda ko ang sarili ko sa posibilidad na magkita muli kami."
"I know what I said. Pero hindi ko pa rin maiwasang mag-alala." Sagot ni Elisa.
Ngumiti sya. "Then don't worry about me. Okay lang ako." Aniya at humakbang na papasok sa elevator.
Nang magsara ang pinto ng elevator ay agad na humugot sya ng sunod-sunod na hininga at mahigpit na humawak sa bakal na hawakan ng elevator.
Hindi naman siguro sila magkikita ni Joseph ngayon. Sigurado syang nasa ibaba ngayon ang binata kasama ang nga kapwa agent nito. Alam nyang hindi ugali ni Joseph na maupo lang sa isang tabi habang ang mga kasama nito ang gumagawa ng lahat.
BINABASA MO ANG
Dangerous Kiss
ActionPUBLISHED UNDER PRECIOUS HEARTS ROMANCES Isa sa pinakamagaling na miyembro ng Federal Bureau of Investigation Secret Alliance si Joseph, dahilan upang sa kanya ipahawak ang kaso ng most wanted na magnanakaw na si Lupin. Ang auction ng first lady ng...