Chapter Twenty-Nine

12.9K 316 33
                                    

Chapter Twenty-Nine

Isang bala ang lumampas sa gilid ng tenga ni Joseph at agad siyang napamura. Muntik na. Mabilis siyang tumungo, gumulong at nagtago sa pader. Nagawa na nilang mapasok ang unang tatlong gate ng Belial at hindi yon naging madali. Dalawa na sa hanay nila ang sugatan at bagama't mas maraming bilang ang naitumba na nila sa kalaban ay tila hindi pa rin nauubos ang mga ito.

"Damn it!" Galit na aniya. Idinikit niya ang likod sa pader at mahigpit na hinawakan ang baril tsaka siya huminga ng malalim. "Snipe? This is Captain. Do you copy?"

Ilang segundo ang lumipas bago niya narinig ang boses ng kasama.

"Copy. Loud and clear." Anito.

Tumango siya. "Papasukin ko na 'to. Ikaw ng bahala." Aniya.

"Roger."

Muli siyang huminga ng malalim at sinenyasan ang ilang CIA na kasama. Tumango si Zach nang maintindihan ang gusto niyang mangyari. Hinintay nilang humupa ang pagpapaputok ng kalaban bago sila kumilos.

Lumabas siya sa pinagtataguan at mabilis na tumakbo, binabaril ang sinumang makita habang si Snipe na ang bahala sa iba.
Mabilis ang mga pangyayari. Sunod-sunod ang palitan ng putukan at isa ang tumama sa sikmura niya. Napahigop siya ng hangin sa lakas ng impact non sa suot niyang bulletproof vest. Gumulong siya para dumapa habang patuloy pa rin siyang binaback-up-an ng mga sniper nila.

Ramdam na niya ang pagod.

Pero hindi pa rin siya sumuko.

Hanggang sa tuluyan nilang napasok ang huling gate sa hideout ng Belial, na sinabayan ng nakakabinging tunog na nangibabaw sa buong lugar.

Biglang tumigil ang lahat. Para bang biglang nabahag ang buntot ng mga miyembro ng Belial at nagtatakbo paatras habang sumisigaw ng, Pull out! Pull out. Kung hindi lang umaagos sa buong katawan niya ang adrenalin ay matatawa siya sa reaksyon ng mga ito.

"What the hell happened?" Naguguluhang aniya.

Si Elisa ang bumasag sa tanong nilang lahat.

"Bomb! There's a fucking bomb!" Kumpirma nito sa suot nilang earpiece. "Crap, crap, crap! Naactivate ang bomba. Thirty minutes. We have thirty minutes. We need to pull out!"

Nagkatinginan silang lahat.

"We need to move." Sigaw niya. "NOW!" Pagkasabi ay agad siyang tumakbo patungo sa direksyon ng masyon ng Belial na ang tanging nasa isip ay ang mailigtas si Samantha.


* * * * * *


Hindi nagawang itago ni Savannah ang pagkabigla sa narinig. Seryoso ba ito? Saglit niyang pinag-aralan ang mukha nito at nang makitang walang anumang bakas na nagbibiro ito ay agad siyang naalerto.

May bomba?

Napalunok siya. Kailangan na nilang umalis. Ngayon na. Sinulyapan niya ang tauhan ni Henry, pilit na hinalukay sa isip kung ano ang pangalan nito. Knight? Black. That's it.

"Black." Sinenyasan niya ito, pero nang subukan nitong kumilos  ay lalong tumaas ang tensyon sa paligid. Muling dumiin ang mga baril na nakatutok sa ulo ng bawat isa.
Shit! Ilang segundo na ang sinasayang nila dito, damn it!

"Lahat tayo mamatay dito." Tiim-bagang na sabi niya kay Apollyon.

"Tama ka. Lahat tayo mamatay dito at walang makakalabas ng buhay." Pagkasabi nun ay lalo pang tumaas ang tensyon, bawat isa ay handa ng kalabitin ang gatilyo ng baril nila.

Muli siyang napamura sa isip.

Humakbang si Apollyon palapit sa kanya hanggang sa ang hawak niyang baril ay dumikit na sa dibdib nito at kung kanina ay mataas na ang tensyong nakabalot sa kanila ay lalo pang sumagad yon.

Idiin ng todo ni Black ang baril sa likod ng ulo ng lider ng Belial at sa unang pagkakataon ay nagsalita ito.

"Move another inch and you'll die."
Pero hindi yon pinansin ng lider ng Belial at sa halip ay ipinatong nito ang kamay sa kamay niya at idiniin pang lalo ang hawak niyang baril sa sarili nitong dibdib.

"Mamatay tayong lahat kung wala sana ang anak ko dito." Simula nito sa boses na para bang bibigay na ito anumang oras. "Pero nandito si Joseph. Nandito ang anak ko at hindi ako papayag na mamatay siya dito. Mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa makita kung paano niya ko titingnan kapag nalaman niya kung sino ako."

Umawang ang bibig niya at hindi makapaniwalang sinalubong ang tingin nito. Nang makabawi siya sa pagkabigla ay nagtagis ang bagang niya.

"You're really selfish." Asik niya dito. "Hanggang sa huli sarili mo pa din iniisip mo. No! Hindi kita papatayin dito. Hindi ko dudumihan ng dugo mo ang mga kamay ko. Mas gusto kong mabulok ka sa kulungan habang pinapanood ka ng asawa't anak mo." Umiling siya at inagaw ang kamay niyang hawak nito. "I won't give you the luxury of dying here." Aniya.

Umiling ito at sinabi ang salitang hindi niya inaasahang marinig mula sa bibig ng lalaking nasa harap.

"You have to kill me." Hinampas nito ang dibdib. "They planted it inside my heart. Ang tanging bagay na makakapagpatigil sa bomba." Anunsyo nito.

Muling kinuha nito ang kamay niyang may hawak na baril at itinapat sa puso nito.

Dangerous KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon