Chapter Fourteen

16.8K 416 30
                                    

Chapter Fourteen

“SEE YOU tomorrow night, Officer!”

Ikinuyom ni Joseph ang kamay at nakatiim-bagang na muling itinuon ang atensiyon sa sinasabi ni Marcus. Iniisa-isa ng tiyuhin ang lahat ng mga bagay na dapat nilang tandaan sa gagawing paghuli kay Lupin.

Alam ni Joseph na bilang lider ng grupo at commanding officer, dapat na pagtuunan niya ng pansin ang bawat detalye. Hindi biro ang gagawin nila. Isa si Lupin sa mga pinakakilalang magnanakaw sa buong mundo at patunay roon ang malaking halagang nakapatong sa ulo nito. Kagabi, nalaman nilang posibleng may mga iba pang grupo na galing sa iba’t ibang panig ng mundo ang pumuslit sa gagawing charity auction, hindi para nakawin ang Half Moon Diamond kundi para hulihin si Lupin dahil sa malaking halagang nakapatong sa ulo nito.

Alam niyang hindi lang basta misyon ang gagawin nila. Isa iyong malaking responsibilidad para sa bayan. Misyon na kailangan niyang pagtuunan ng buong atensiyon. Pero sa halip na mag-focus ay paulit-ulit niyang naririnig ang boses ni Savannah.

“See you tomorrow night, Officer!”

Hindi ang nakatagong pangako sa binitiwang salita ng babae ang naririnig niya. O ang mga bagay na puwede nilang gawin bukas ng gabi at lalong hindi ang imahen nila sa iisang kuwarto habang magkayakap at pawisang isinisigaw ang pangalan ng isa’t isa.

Isa lang ang naririnig niya sa sinabi nito na patuloy na gumugulo sa kanya.

Officer!

Iyon ang madalas na tawag sa kanya ni Samantha nang malaman nitong gusto niyang maging sundalo. Officer Joseph Marco Felizardo III. Pakiramdam niya ay si Samantha ang narinig niya kanina at walang kinalaman doon ang pagiging magkahawig ng dalawang babae. Dahil alam niyang mawalan man siya ng paningin, makikilala at makikilala pa rin niya si Samantha.

“... kill order authorized—”

Natigilan si Joseph sa narinig mula sa tiyuhin at padabog na inihampas ang kamay sa mesa.

“What?” hindi makapaniwalang sabi niya. “Authorized by whom?”

Seryosong ang tinging ipinukol sa kanya ni Marcus. “Iyon ang order na ibinigay sa atin. We are authorized to kill Lupin on sight.”

Ibinuka niya ang bibig para muling magsalita pero natigilan siya nang makita ang tinging ipinupukol sa kanya ng tiyuhin. Para bang sinasabi nitong, “'Wag ngayon, Joseph.”

Ikinuyom niya ang kamay at pinilit na lunukin ang nararamdamang galit. Hindi niya gusto ang naging utos ng nakatataas sa kanila. Isang malaking asset si Lupin kung mahuhuli nila nang buhay. Marami silang impormasyong mapipiga rito kung sakali. At isa pa, alam ba ng gobyerno ng Amerika ang tungkol sa utos na iyon?
Pinaglapat niya ang mga ngipin at bago matapos ang tactical meeting ay halos hindi na niya maramdaman ang mga panga. Hinintay muna niyang makalabas ang buong team at nang maiwan silang dalawa ng tiyuhin ay saka ito kinompronta.

“What the hell was that? Bakit hindi ko alam ang tungkol sa bagong order?”

Tumayo si Marcus at tinapik siya sa balikat. “Hindi  ko rin alam kung bakit inilabas ang order na 'yan, Joseph. Pero wala tayong magagawa kundi ang sumunod.” Tinapik uli siya ng tiyuhin sa balikat bago ito naglakad palabas ng kuwarto.
Ilang sandali pang naiwang tulala si Joseph bago natauhan. Mabilis na hinabol niya si Marcus. Naabutan niya ito bago tuluyang sumara ang sinasakyang elevator. Humihingal na iniharang niya ang kamay para pigilan ang pagsasara ng pinto at serysong tiningnan ang tiyuhin.

“Who gave that order?” tanong niya kahit alam na ang sagot sa sariling tanong.

“It’s an order from our President,” sagot nito.
Umatras siya at nang tuluyang nang sumara ang elevator ay nanghihinang napahawak sa pader. Galing sa daddy niya ang utos? Pero bakit? Inihilamos niya ang mga kamay sa mukha. Bakit naglabas ito ng shoot to kill order? Limang taon na siyang miyembro ng FBISA at sa loob ng mga panahong iyon ay hindi pa sila nagkaroon ng OP na naglabas ng shoot-to-kill order. Wala maliban ngayon. Hindi niya alam kung bakit nagbaba ng ganoong utos ang kanyang ama. Pakiramdam niya ay may iba itong agenda.

Dangerous KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon