Thank You!

14.1K 201 30
                                    

Hi Agents!

Una sa lahat, gusto ko munang magpasalamat sa inyong lahat para sa pagsubaybay at pagsuporta sa Dangerous Kiss. Naappreciate ko po ang bawat votes, comments, messages at pag-add ng story nina Joseph at Samantha sa reading list nyo.

Maraming maraming maraming salamat po.

Sa totoo lang, nung unang pumasok sa isip ko ang story na'to, hindi ako.sigurado kung kakayanin ko. Bago kasi para sakin ang genre ng story. Alam nyo namang mas komportable akong magsulat ng romance.

Nung una, purong action lang talaga ang balak ko, tipong si Samantha lang ang bida at siguro slight na romance, pero habang sinisimulan ko na... naisip kong gawing mas malalim yung kwento. Kaya ipinasok ko yung love story nila ni Marco. Na feeling ko eh okay naman. Diba?

Naging smooth ang pagpaplano ko, hanggang sa hinihingi na nung kwento yung mga action scenes na talagang nagpahirap sakin. Haha. Hindi lang iilang beses akong nag-edit, nagbura, at nagrevise ng isang chapter. Seryoso, na-stress ang bangs ko. Hahaha! Pero at the same time, eh nag-enjoy naman ako. Lalo na nung nagsisimula ng mapansin ng mga readers yung story.

Hindi ko akalain na magiging okay naman yung feedback nyo kasi feeling ko talaga ang lame nung mga action scenes. Lol. Pero ayun, nairaos naman at mukhang okay pa sa okay ang kinalabasan.

Alam ko din na marami sa inyo, or at least merong ilan, na disapppointed sa story. At hindi ko naman po kayo masisisi. Aware naman ako na hindi lahat ng readers kaya kong i-please. Pero ang mahalaga para sakin, eh naisulat ko ang story na 'to at nai-share ko sa inyo. So worth it ba para sakin? Hell to the big yes!

Sobrang worth it na yung story--na hindi ako sigurado nung simula--eh natapos ko na, with or without flying colors.

At kayo po ang isa sa nga dahilan kung bakit. Nah! Kayo po ang pinakamalaking dahilan kung bakit natapos ko.

Kaya naman, mula po sa akin, kay Joseph Marco at Samantha, ay maraming-maraming-maraming salamat po sa lahat ng readers, rereaders, followers at silent readers dyan sa tabi-tabi. I love you guys! Big hugs!

Sana po hindi kayo magsawa na suportahan ako. Kahit na medyo matagal ako bago mag-update at kahit na marami pa kong on-going stories na hindi ko alam kung kailan ko matatapos.

Hahaha! So, cheers sa lahat ng mga mahal kong AGENTS!

Love,
fattie.

P.S.

Gusto nyo rin ba ng Epilogue? Kasi sa totoo lang wala yun sa plano ko. Pero syempre kapag gusto nyo eh di gagawa ako. Ganun kayo kalakas sakin ehh! ;)

P.P.S

At gusto nyo bang malaman kung nasaan si Elisa? Yes? Up na po ang prologue. Hanapin nyo na lang sa wall ko ang  "DANGEROUS PAST"

Dangerous KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon