Chapter Seven

19K 475 19
                                    

Chapter Seven

"Sav, okay ka lang ba?"

Mula sa pagkakatulala ni Savannah sa bintana ng sinasakyan nilang eroplano, ay nilingon nya si Elisa. "Yeah. I'm fine." Aniya na sinundan nya ng ngiti.

Ilang sandaling pinag-aralan ni Elisa ang kanyang mukha bago ito nakumbinsi sa kanyang sinabi.

"Okay. Sabihin mo lang sakin kapag may problema ha." Pinisil pa ni Elisa ang kanyang kamay bago ito muling nagsalita. "I meant what I said, Sav. Alam ko kung gaano kahirap sayo ang pagpunta natin sa Pilipinas, kaya kapag may problema ka, please Savannah, magsabi ka sakin." Dugtong pa ni Elise.

Tumango sya at pinisil rin ang kamay ng kaibigan. "Fine. Kapag may problema, sasabihin ko kaagad sayo." Sagot nya at muling ibinalik ang tingin sa bintana.

Napakunot-noo si Savannah nang maramdaman nyang tila may nagmamasid sa kanya. Lumipad ang tingin nya sa ikaapat na upuan sa kabilang pasilyo ng eroplano at agad na nahuli ang dahilan kung bakit kanina pa sya hindi mapakali. Isang lalaking nakasumbrero ang kanina pa tumitingin sa kanya. Mabilis namang tumalikod ang binata at nag-iwas ng tingin.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Elisa nang tumayo sya.

"Sa comfort room." Tipid nyang sagot at kaswal na naglakad. Nilampasan nya ang binata at nagtungo sa pasilyo kung nasaan ang banyo. Pero sa halip na pumasok sya sa loob ng banyo ay lumiko sya sa maliit na pantry na nahaharangan ng kurtina.

"Excuse me, ma'am. I'm sorry but you're not allowed here." Ang sabi ng Pilipinang flight attendant na nag-aayos ng mga pagkain na dadalhin sa mga pasahero.

Sumilip sya sa kurtina at nang makitang tumayo ang lalaki at naglakad papunta sa direksyon ng banyo ay nilingon nya ang babae.

"I'm sorry. Nandito kasi ang boyfriend ko pero," kunwa'y naiiyak na pumikit sya kahit na ang totoo ay gusto nyang ngumiwi sa sinabi, masyado pang bata ang itsura ng lalaki para maging nobyo nya, sana lang ay maniwala sa kanya ang babaeng kaharap. "May kasama syang ibang babae. Pwede ba kaming mag-usap dito kahit saglit lang." Dugtong pa nya.

Naaawang tinapik sya ng flight attendant sa balikat at tumango. Kung napansin man nito na masyado pang bagito ang lalaki para maging nobyo nya ay hindi nito ipinahalata."Oh, I'm so sorry. Sige lang, mag-usap muna kayo dito. Ilalabas ko lang ang mga pagkain." Sabi nito at agad na itinulak ang push cart ng mga pagkain at lumabas na.

Nang makalabas ang babae ay muli nyang sinilip ang binatilyo. Nakatayo ito sa tapat ng pinto ng banyo. Pinag-aralan muna nya ang galaw ng binata. Tila hindi mapakaling nagpapalakad-lakad iti habang hinihintay na bumukas ang pinto ng banyo. Hindi ito mukhang spy, hindi rin naman mukhang awtoridad ng batas, at sa tindig pa lang ng binata ay sigurado syang isa lang itong atleta.

Pero bakit kanina pa ito nakatingin sa kanya ?

Nang bumukas ang pinto ng banyo at makita ni Savannah na nagulat ang binata nang hindi sya ang lumabas mula roon ay agad na hinila nya ito papasok sa pantry. Ipinilipit nya papunta sa likod ang kamay nito at itinulak hanggang tumama ang pisngi nito sa pinto ng malaking ref. Mabilis na dumampot sya ng kutsara at itinapat iyon sa leeg ng binata.

"Anong kailangan mo sakin?" Bulong nya.

Lalo nyang idiniin ang mukha ng binata sa pinto ng ref at inulit ang tanong nya. "Anong kailangan mo sakin? Bibigyan kita ng tatlong segundo para sumagot. Kapag hindi ka sumagot, pipilipitin ko 'tong kamay mo hanggang sa hindi mo na ulit ito pwedeng magamit." Banta nya
Bumilis ang paghinga ng binata pero hindi ito sumagot. Naningkit ang mata nya, "Isa..." Hinigpitan nya ang hawak sa kamay nito na naging dahilan para magsalita ang lalaki.

Dangerous KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon