Chapter Four

21.7K 510 2
                                    

Chapter Four

Savannah Elizabeth Collins

SEC Hotel New York, USA

Sinindihan ni Savannah ang hawak na insenso at inilagay sa isang mamahaling vase. Dinampot nya ang picture frame na nakapatong sa lamesa at hinaplos ang mga mukha ng magulang at kapatid na labing limang taon na nyang hindi nakikita.

Pumikit sya at huminga ng malalim. Fifteen-bloody-years at hanggang ngayon ay hindi pa nya nakukuha ang hustisya para sa pamilya.

Beep

Binitawan nya ang hawak na litrato at naglakad palapit sa floor-to-ceiling na dingding nang kanyang pent house. Mula sa ika-apatnapung palapag ay tanaw nya ang maliwanag na gabi sa New York dulot ng ilaw sa mga malalaking establisyemento ng syudad.

Beep

Binuhay nya ang bluetooth earpiece device na nakakabit sa kanyang tenga na kunektado sa kanyang cellphone at napangiwi nang salubungin sya nang malakas na ugong mula roon.

"Damn it, Elisa..." bulong nya.

"Oops sorry. My bad. Bad service reception." Sagot ng kanyang kaibigan at partner-in-crime na si Elisa. "Ready ka na ba, Savannah?" Tanong nito.

Tiningnan nya ang repleksyon sa dingding at tumango. "Yeah. I guess." Aniya. Naka-suot sya ng red halter, floor-length dress na tinernuhan nya ng bagong biling kulay pulang takong. Dumako ang tingin nya sa kanyang mukha na puno ng kolorete ngunit elegante pa ring tingnan.

"Good." Tipid na sagot ni Elisa. "Nasa limo ang green pouch. Alam mo na ang gagawin." Dugtong nito.

Nagsalubong ang kanyang kilay. "Green? I'm wearing a bloody red dress, Elisa." Hindi makapaniwalang aniya.

"Oops... again, my bad." Sagot nito. Wala syang nagawa kundi ang tawanan ito. Hindi na bago sa kanya ang ganitong aberya kapag ipinabahala nya kay Elisa ang lahat.

"Whatever..." nakangiting sagot nya.

"Isipin mo na lang, isa kang malaking pulang rosas at dahon mo ang dala mong pouch." Sabi nito.

"Oh geez, thank you so much for boosting my confidence." Sarkastikang sagot nya.

Narinig nyang tumawa ang kaibigan pero agad din itong tumigil. Tumikhim ito at muli nyang narinig ang seryoso nitong boses.

"Nah. Don't mention it."

Nakangising hinawakan nya ang earpiece. Isa lang naman ang rason kung bakit nagiging seryoso kausap ang kikay at makulit nyang kaibigan at mukhang alam na nya kung bakit.

"Don't tell me malapit sayo si Mr. Nice Guy kaya ka nagkaka-ganyan." Obserba nya.

Narinig nya ang kaluskos ng plastic, kasunod ang dahan-dahang pag-nguya ng kaibigan.

"Pfft! What are you talking about? FYI..." Ipinagdiininan pa nito ang sinabi at parang alam na ni Savannah na lalagyan pa ni Elisa ng air quote ang sunod na sasabihin gamit ang daliri. "Wala akong kilalang Mr. Nice Guy."

Tumawa sya at tumango. "Whatever you say, best friend!" Aniya.

"Argh. I'm telling the truth. Wala akong kilalang lalaki na maganda ang katawan, sexy, macho at gwapo na may isang dimples sa kaliwang pisngi at... holy cow... tumingin sya sakin.. oh my God!" Bulong ni Elisa.

Muli syang tumawa at iniling ang ulo. "I knew it."

"Tigilan mo nga ako, Sav." Natatawang sagot ng kaibigan. "You need to go. Hinihintay ka na ng limo. Wag mong kalimutang dalhin yung dahon mo, nandun ang mga gagamitin mo kasama ang invitation para makapasok ka sa charity auction. Nandun din sa loob ang mga ID's na gagamitin mo, in case magka-aberya. Pero tandaan mo, ikaw si Amelia Robinsons ngayong araw. Asawa ng may-ari ng Robinsons Oil. Tatawag ulit ako sayo kapag nakapasok ka na sa loob. But until then, wait for further notice, okay?" Seryosong sabi nito.

Dangerous KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon