Chapter Eleven
"Iz, nasaan na kayo?" Nakangiting inilipat ni Joseph ang hawak na cellphone sa kabila nyang tenga at sinenyasan si Joker na mauna nang lumabas. "Susunod na lang ako." Bulong niya kay Joker.
Nang makalabas ang kaibigan ay tsaka lamang niya muling ibinalik ang atensyon sa kausap.
"On the way na kami nina Mommy. Nandyan na ba si Andrew? Hindi ko pa sya nakikita. Ang sabi ni Manong Arthur, nakauwi na sya galing sa Amerika. Hello, kuya, nakikinig ka ba?" Sunod-sunod na sabi ni Ysabelle sa kabilang linya.
Natatawang naupo sya. "Iz, hayaaan mo munang magpahinga si Andrew. Baka may jet lag pa 'yun. Magkikita rin naman kayo dito mamaya." Aniya.
Narinig nyang bumuntong-hininga ang kapatid bago ito nagsalita. "Okay. I guess you're right." Sagot ni Ysabelle bago ito bumulong. "Totoo bang ang auction ni Mom ang sunod na target nang Lupin?"
Lumunok siya. "Paano mo nalaman yan?" Muli nyang inilipat ang cellphone sa kabilang tenga at tumayo.
"Relax, kuya. Alam kong top secret ang bagay na yan. Narinig ko lang si Dad at si Mom." Suminghot si Ysabelle. "Nag-aalala ako kuya, paano kung--"
Bumuntong-hininga siya at isinuklay ang daliri sa buhok. "Don't worry Iz, walang mangyayaring masama kay Mom, o sayo. I promise."
Narinig nyang nagpakawala nang hininga si Ysabelle bago ito nagsalita. "I know. Alam kong gagawin mo ang lahat to keep me and mom safe, ang ipinag-aalala ko, eh ikaw. Kilala kita... at ayokong mawala ka rin--"
Pinilit nyang tumawa para pakalmahin ang nag-aalalang kapatid. "Malabong mangyari yang sinasabi mo Iz, aattend pa ko sa graduation mo, remember? Kaya naman--"
Natigilan siya nang maramdamang tila may tao sa paligid na sinundan nang mahinang kaluskos. Sa halip na magpahalata ay kalmadong tumikhim siya.
"Iz, I need to go. Mag-ingat kayo ha. I-text mo ko kapag nandito na kayo. I love you." Aniya.
"Okay. I love you too, kuya." Sabi ni Ysabelle bago nito pinutol ang tawag.
Dahan-dahan nyang inilapag ang cellphone sa lamesa at pasimpleng sinulyapan ang screen ng CCTV Camera na nakatutok sa labas ng control room. Naningkit ang kanyang mga mata nang makita ang babaeng nakatayo sa harap ng pinto, at dahil nakatalikod ang babae sa camera ay hindi niya makita kung sino ito.
Nang pumihit ang babae na para bang nagdadalawang-isip itong pumasok ay tsaka lamang siya kumilos. Dahan-dahang naglakad sya hanggang sa makalapit siya sa pinto. Inilabas niya ang kanyang baril at huminga nang malalim bago niya binuksan ang pinto.
Mabilis ang mga sunod na nangyari. Hinawakan nya ang braso ng babae, pinilipit papunta sa likod bago niya inilapat ang mukha nito sa pader.
"Sino ka?" Aniya bago niya itinutok ang hawak na baril sa tagiliran nito.
Naramdaman nya kung paano nanigas ang katawan ng babaeng hawak nya na sinundan nang mabilis na paghinga nito.
Natigilan sya. Pamilyar ang pabango ng babae at--Shit! Ibinalik niya ang baril sa lagayan nito sa kanyang likod at ipinihit ang babae paharap sa kanya.
"Savannah?" Napamura siya nang makita ang takot na takot na mukha ng dalaga at ang umaagos nitong luha."Fûck! Savannah, I'm sorry." Aniya.
Pinahid niya ang luha ng dalaga at hinila ito para yakapin. "Shh! Don't cry. I'm sorry."
Ilang minuto silang nanatili sa ganoon posisyon bago kumalma ang paghinga ni Savannah. Hinawakan nya ang balikat nito at dahan-dahang inilayo sa kanya.
BINABASA MO ANG
Dangerous Kiss
AcciónPUBLISHED UNDER PRECIOUS HEARTS ROMANCES Isa sa pinakamagaling na miyembro ng Federal Bureau of Investigation Secret Alliance si Joseph, dahilan upang sa kanya ipahawak ang kaso ng most wanted na magnanakaw na si Lupin. Ang auction ng first lady ng...