Chapter Five
Umuusok ang ilong na binuksan ni Joseph ang pinto ng opisina ng limampung taong gulang na chief commander nila na si Marcus. Mabibilis ang hakbang na lumapit sya sa lamesa nito at padabog na inilapag ang puting folder na dala nya.
"Jesus!" Sinapo ng matandang lalaki ang kanyang puso at tiningnan si Joseph. "Hindi ka ba marunong kumatok, Agent Felizardo? Muntik nang tumalon paalis ang puso ko."
Hindi nya pinansin ang sinabi nito, sa halip ay galit na dinuro nya ang folder na ipinatong nya sa mesa. "A-anong ibig sabihin nito?"
Nagsalubong ang kilay ni Marcus at kinuha ang folder na tinutukoy nito. "Oh. I see." Kaswal na sabi nito.
"Tinatanggal nyo ko sa Black Bag Case? Pwede mo bang ipaliwanag sakin ang nakalagay d'yan?" Galit na aniya.
Walong buwan na nyang hinahawakan ang kaso ng drug cartel na pinangalanan nilang 'Black Bag' case, dahil sa mga itim na plastic nila nakukuha ang droga sa tuwing nagkakaroon sila ng buy bust operation. At kung kailan malapit na nilang mahuli ang drug lord nang grupo ay tsaka sya aalisin ng mga ito sa kaso.
"Bakit hindi ka muna maupo, Joseph?" Isinenyas nito ang itim na sofa sa tapat ng lamesa at tumayo.
Ikinuyom nya ang kamao at tiim ang bagang na sinunod ang utos ng matanda. Kung hindi lang ito kapatid ng kanyang ina at kung hindi lang ito ang nagpalaki sa kanya, hindi sya mangingimi na sapakin ito kahit pa mataas ang katungkulan nito sa FBISA.
"Kape?" Alok ni Marcus habang nagsasalin ito ng sariling kape.
"No!" Pinagkis-kis nya ang ngipin at pumikit.
Nagkibit-balikat ang matanda at naupo sa katapat na silya, hawak ang tasa ng mainit nitong kape.
"Hindi ka namin tinatanggal sa kaso. We're just merely transferring you to another case, son." Sabi nito.
Muli syang humugot ng malalim na hininga at tiningnan sa mata ang kanyang tiyuhin. "Bakit? Kung kailan malapit ko nang mahuli ang..."Tumigil sya sa pagsasalita nang itaas ni Marcus ang isang daliri para senyasan sya na tumahimik muna at makinig.
"Alam kong malapit nang mahuli ang drug lord nang hawak mong kaso, kaya nga hindi ka na kailangan doon. Hayaan mo nang ang team ni Agent Blake ang magpatuloy ng kaso."
"What? Pagkatapos naming paghirapan ng team ko ang tungkol sa black bag, ililipat nyo lang sa kanila. No way I'm agreeing to this." Tiim ang bagang na aniya.
"Look, Joseph. You're team is still the one taking all the credits to that case. Alam kong importante ang kaso na'to, lalo pa't panay ang hingi ng update sa kaso ng mga nakakataas. Pero may mas importante pang kaso na gusto nilang unahin natin. At gusto nilang ang team mo ang humawak nito." Paliwanag ng kanyang tiyuhin.
"What case?" Tanong niya matapos nyang pag-isipan ang mga sinabi nito.
Tumayo ang kanyang tiyuhin at umiikot sa malaking lamesang inuokupa. Binuksan nito ang drawer at mula roon ay kinuha ang isang makapal na blue folder. Bumalik ito sa harap nya at iniabot ang hawak.
Binuklat nya ang ibinigay nito at awtomatikong nagsalubong ang kanyang kilay. Pinasadahan nya ng tingin ang unang pahina at ikinuyo ang kamao.
"Lupin's Case? Ililipat nyo ko sa kaso nang pagnanakaw ng mga dyamante? From a drug's case to this?" Hindi makapaniwalang sabi nya.
Iniling ni Marcus ang ulo at naupo. "Hindi ordinaryong magnanakaw ang pinag-uusapan natin dito, Agent Joseph." Sabi nito.
"Wala akong paki-alam kung ano ang ginagawa ng grupong 'to. Pero hindi ako mauupo na lang at hihintayin na alisin nyo ko sa drug case na hawak ko para lang ilipat sa pipitsuging magnanakaw na'to. " Tumayo sya at inilapag sa lamesa ang asul na folder bago sya humakbang paalis.
BINABASA MO ANG
Dangerous Kiss
ActionPUBLISHED UNDER PRECIOUS HEARTS ROMANCES Isa sa pinakamagaling na miyembro ng Federal Bureau of Investigation Secret Alliance si Joseph, dahilan upang sa kanya ipahawak ang kaso ng most wanted na magnanakaw na si Lupin. Ang auction ng first lady ng...