CHAPTER EIGHTEEN
HINDI hindi pa man naimumulat ang mga mata, alam na ni Joseph na wala na sa tabi niya si Samantha. Ramdam niya ang malamig na espasyo na kanina lang ay inokupa ng dalaga. Gayunman, iniangat pa rin niya ang kamay at hinaplos ang dapat sana ay puwesto ni Samantha sa tabi niya.
Wala.
Wala maliban sa isang malamig na kumot at unan na kaamoy ni Samantha.
Bumuntong-hininga siya at tuluyan nang nagmulat ng mga mata. Iginala niya ang tingin sa paligid at tahimik na napamura sa isip.
Fifteen bloody years at ang tanging naibigay lang niya kay Samantha sa unang pagniniig nila ay isang hindi kumportableng kama sa isang maliit na lugar. Kung bakit doon sa maliit na makeshift bed sa loob ng control room niya dinala si Samantha ay wala siyang ideya.
Naiinis na sinuklay niya ng mga daliri ang buhok at naupo. Para siyang naubusan ng dugo sa katawan nang dumako ang mga mata sa digital clock na nakapatong sa maliit na mesa sa gilid ng kama.
Nine thirty AM.
Thirty minutes na lang at magsisimula na ang auction. Fucking hell.
Bumalikwas siya at dali-daling hinagilap ang mga damit na nagkalat sa sahig. Damn it! Ano ba ang pumasok sa kukote niya at nagawa niyang matulog sa ganoon kakritikal na sitwasyon?
Nang maging disente ay agad niyang dinampot ang cell phone at idinayal ang numero ni Wilson. Itinulak niya pabukas ang pinto at natigilan nang makitang seryoso nang nag-uusap ang buong team niya sa pamumuno ni Marcus. Ibinaba niya ang hawak na telepono.
“Great! He’s awake,” anunsiyo ni Marcus sa boses na hindi naman galit pero halatang hindi rin masaya.
Pinaglapat niya nang mariin ang mga ngipin nang maalala ang huling pag-uusap nila ng tiyuhin at pigilan siya nitong sumama sa lugar na pinaghihinalaan ni Hack na pinagtataguan ng team ni Lupin. Tama naman ang tiyuhin nang sabihin nitong hindi sila nakasisiguro kung tama nga ba ang lugar na nakalap nila. Hindi nila puwedeng iasa sa bahala na at haka-haka ang misyon. Ang ayaw lang niya ay ang maiwan na walang ginagawa habang ang team niya ay sumusuong sa delikadong sitwasyon.
“Let’s get down to business,” anunsiyo niya at itinukod ang mga kamay sa gilid ng mesa. “Ano’ng balita sa Team B?”
“Na-secure na nila ang lugar. Naka-standby na ang grupo natin,” sagot ni Chop.
Tumango siya. “Good. Now, listen. Ngayon na ang araw na hinihintay natin and there’s no room for mistakes,” sabi niya at lahat ay naging seryoso habang pinaplantsa nila ang pinal na plano sa paghuli kay Lupin.
Nang matapos at isa-isang makalabas ang bawat agent ay agad siyang humarap sa tiyuhin. Bago pa man siya makapagsalita ay nauna na ito.
“May nakita kaming bakas ng dugo sa hallway kanina,” bungad nito.
Nagsalubong ang mga kilay niya. “What?”
“Naipadala na namin ang dugo para makuhanan ng DNA. Tsinek ng team mo ang mga surveillance camera pero walang kuha kung ano talaga ang nangyari.”
Biglang rumagasa sa katawan ni Joseph ang pag-aalala. Si Samantha… Sina Ysabelle at ang mommy niya…
Pero bago pa man siya makatakbo palabas ay hinawakan siya ni Marcus sa balikat. “Your mom is safe and so is your sister. Don’t worry about them and just focus on this mission,” sabi nito.
Humugot siya ng malalim na hininga at tumango. Hindi niya maiwasang mag-alala para kay Samantha pero tama ang tiyuhin—may misyon siyang kailangang pagtuunan ng pansin.
At iyon ang gagawin niya dahil ngayong gabi ay huhulihin niya si Lupin.
IGINALA ni Joseph ang tingin sa malaking function hall ng SEC Hotel kung saan ginaganap ang auction ng First Lady ng Pilipinas. Lahat ay nasa ayos at wala siyang nakikitang kahina-hinala maliban sa isang babae na kanina pa umiinom ng wine at parang hindi mapakali. Blond ang buhok nito at halatang hindi Pilipina.
Pasimpleng sinenyasan niya ang isa sa mga sibilyang FBI Special Agent na bantayan ang kilos ng babae at agad naman itong tumalima.
Hinawakan niya ang suot na necktie at hindi mapakaling inayos iyon. Hindi niya maiwasang kabahan sa gagawin nila.
“There you are, son.”
Agad na nabaling ang atensiyon ni Joseph sa pinanggalingan ng boses ng ina at halos mapaungol siya nang makita ang babaeng kasama nito.
Here we go again, sabi niya sa sarili.
“Mom,” bati niya sa ina habang pinipilit na iwasan ang tingin ng kasama nitong babae.
“I’m glad you could make it, son,” sabi ng mommy niya at agad siyang hinalikan sa pisngi.
Ngumiti siya. “Technically, Mom, I’m still on the clock,” bulong niya.
Tinapik siya ng ina sa braso. “I know and I thank you for that. Alam kong hindi mo kami pababayaan,” bulong nito bago nagniningning ang mga matang binalingan ang kasamang babae. “Oh and by the way, I want you to meet Jessica. She’s Senator Gutierrez’ only daughter. Jessica, meet my son Joseph.”
Naiilang man ay pinilit pa rin niyang ngumiti. “It’s a pleasure to meet you,” sabi niya at inilahad ang kamay.
Halos mailang siya nang hindi tanggapin ni Jessica ang pakikipagkamay niya at sa halip ay inilapat ang pisngi sa kanyang pisngi. Kinailangan niyang pigilan ang sarili na huwag pagkiskisin ang mga ngipin.
Tinapik siya ng ina sa braso at ngumiti. “Maiwan muna kita dito. I need to entertain our guest. Jessica, excuse me.”
Bago pa man siya makaangal ay nakalayo na ang ina at naiwan siya kasama si Jessica.
Tumikhim siya at naiilang na nginitian ito. “Sorry about that.”
“It’s okay. Actually, gusto naman talaga kitang makilala.”
Sa halip na matuwa siya sa sinabi ng babae ay lalo siyang hindi naging kumportable. Sabihin nang ipokrito siya pero alam niya kapag interesado sa kanya ang isang babae.
Nang dumaan ang isang waiter na may dalang tray ng cocktails ay agad siyang kumuha ng dalawang wineglasses at nakangiting iniabot kay Jessica ang isa.
“It’s nice to meet you, Jessica, but I have to go. Excuse me.” Bago pa man makasagot ang babae ay tumalikod na siya at naglakad palayo.
Hinawakan niya ang earpiece na suot at nagsalita. “Report,” sabi niya.
“Wala namang kahina-hinala dito sa entrance. Mahigpit kami sa pagpapasok,” sagot ng kausap.
Tumango siya at sunod-sunod na kinumusta ang bawat grupo na nakaposisyon sa iba’t ibang parte ng hotel. Lahat ay maayos at naaayon sa plano.
“Si Joker? May nakakita na ba kay Joker?” tanong niya. Kanina pa wala si Wilson. Ayon sa mga kasamahan nila, may kasama raw itong babae at huling nakita na pumasok sa isang suite.
Damn it! Kung kailan sila may misyon ay ngayon pa nawala ang isa sa pinakamagaling nilang agents.
Muli niyang iginala ang tingin sa paligid at natigilan.
There.
Sa gilid ng function hall ay nakatayo ang babaeng kanina lang ay katabi niya sa kama. Nakasuot ito ng green na bestida na lapat na lapat sa katawan nito. Nakapusod sa gilid ang buhok na may ilang buhok na nalaglag o sinadyang hindi isama sa pagkakatali. Lumipat ang tingin niya sa pulang-pula nitong mga labi.
Beautiful.
Napakaganda ng kanyang Samantha. Parang gusto niyang lumuhod at magpasalamat sa Diyos dahil nabigyan siya ng pangalawang pagkakataon para mahalin si Samantha.
Napansin niyang mag-isa lang ang dalaga habang pinapaikot-ikot ang kulay-pulang likidong sa loob ng wineglass na hawak nito. Mayamaya ay bumaba ang isang kamay nito at hinaplos ang tagiliran na naging dahilan para mapangiwi ito.
Damn. Masyado ba siyang naging mapusok sa pagniniig nila na nagawa niyang saktan si Samantha?
Pero agad din siyang natigilan nang maalala ang sinabi ng tiyuhin na may nakitang dugo sa hallway. Muling nabuhay ang pag-aalala niya para kay Samantha.
Hahakbang na sana siya para lapitan ito nang mamatay ang ilaw.
Damn it! Mabilis na hinawakan niya ang earpiece. “Ano’ng nangyari?” tanong niya.
“Massive brownout. May sumabog na transformer dahil sa overheat. But don’t worry, we’re on it. In five seconds ay mabubuhay na ang emergency light,” sagot ng isa sa mga agent nila at saktong nabuhay nga ang mga ilaw. Napuno ng kulay green ang loob ng function room. “You need to calm everyone and tell them that in five minutes ay gagana na ang generator. No need to worry, Kap.”
“Five minutes? Wala na bang ibibilis pa?”
“Give me two.”
Mabilis na umakyat siya sa podium at nagsalita. “Everyone, stay where you are!” sigaw niya. “Nagkaroon ng brownout pero maayos din agad,” sabi niya kahit na siya mismo ay nag-aalala. Hindi niya puwedeng isipin na nagkataon lang ang pagkamatay ng ilaw.
Nang makalma ang lahat ay agad niyang hinawakan uli ang earpiece. “Team, stay alert. Let’s proceed to Plan C. Move,” utos niya. Bumaba siya ng podium at saktong bumaha ang liwanag sa loob.
Iginala niya ang tingin sa paligid at nakahinga nang maluwag nang makitang maayos ang lahat. Ang First Family ay napapalibutan ng PSG at ang bawat bisita ay kalmado lang.
Nilingon niya ang kinaroroonan ni Samantha kanina at nanlamig nang makitang wala na ito roon. Iginala pa niya ang tingin sa paghahanap sa dalaga at para siyang tinakasan ng dugo sa katawan.
Wala si Samantha.
At masama ang kutob niya.
BINABASA MO ANG
Dangerous Kiss
AkcjaPUBLISHED UNDER PRECIOUS HEARTS ROMANCES Isa sa pinakamagaling na miyembro ng Federal Bureau of Investigation Secret Alliance si Joseph, dahilan upang sa kanya ipahawak ang kaso ng most wanted na magnanakaw na si Lupin. Ang auction ng first lady ng...