Chapter Twenty-One

15.1K 353 38
                                    

Chapter Twenty One

Inihinto ni Joseph ang sasakyan sa likod ng bahay bakasyunan na binili niya noong nakaraang taon.

Pagmamay-ari ito ng pamilya ni Samantha noon. Nang ma-elit ng bangko bilang kolateral sa pagkaka-utang ng nga Fontanilla, ay ipinangako niyang bibilhin niyang muli ang bahay. Dito kasi madalas na magbakasyon ang mga Fontanilla at alam niya kung gaano kahalaga ang bahay na yun para kay Samantha. Walang nakakaalam na pagmamay-ari na niya ang bahay, maging ang kanyang pamilya ay wala ring ideya. Kinumpleto rin niya ang gamit kahit na dadalawang beses pa lang siyang nagpunta rito.

Mabilis ang naging kilos nila nang makababa ng sasakyan. Ni hindi na nagtanong si Wison nang ihagis niya sa kamay nito ang susi ng bahay, sa halip ay tumango at tumalikod para buksan ang bahay. Samantalang siya naman ay binuhat si Samantha at nagtatakbo papasok sa loob.

Kinailangan nilang mangapa sa dilim dahil makakatawag pa ng atensyon kung magbubukas sila ng ilaw. Inihiga niya si Samantha sa mesa sa kusina at agad na hinawi ang kurtina para papasukin ang liwanag ng buwan. Sabay silang napamura ni Wilson nang makita ang tama sa balikat ni Samantha.

"Kailangan natin siyang dalhin sa ospital." Hindi mapakaling nagpalakad-lakad si Wilson, sa tindig at sa boses nito ay mababakas ang pag-aalala.

Umiling siya. Gustuhin man niyang dalhin si Samantha sa ospital ay alam niyang hindi pwede. Wanted si Lupin at hindi lang ang FBI ang naghahanap dito. May iba pang mga grupo ng mga sindikato ang naghahangad na makuha si Lupin--patay man o buhay--dahil sa laki ng reward money na nasa ulo nito.

"We can't." Aniya, kahit na gustong-gusto na niyang buhatin si Samantha papunta sa pinakamalapit na ospital.

Muling nagmura si Wilson at walang kibo na umalis ng kusina. Nang bumalik ito ay may dala na itong iba't ibang size ng tuwalya, mga damit at bedside lamp na nahagilap sa kwarto. Inilapag nito sa mesa ang mga bitbit at itinapat ang bedside lamp sa tama ni Samantha. Nagsalubong ang kilay nito nang tumingin sa kanya.

"Ano pang ginagawa mo Joseph? Kung gusto mo siyang iligtas, kailangan nating kumilos."

Para siyang natauhan at agad na kumilos. Nagmamadaling binuksan niya ang malaking cabinet sa isang sulok. Doon nakatago ang iba niyang baril, pero hindi yun ang kailangan niya ngayon. Lumuhod siya at hinigit ang drawer na nasa loob. Inilabas niya ang isang military bag at binibitbit iyun.
Hinila niya ang isang silya at doon inilapag ang bag. Nang mabuksan niya ay kapwa sila nakahinga nang maluwag nang makita ang mga medical equipments na itabi niya. Binili niya ang mga iyun nang maka-graduate siya bilang pulis. Inisip kasi niya na baka balang araw ay kailanganin niya ang mga yun at hindi nga siya nagkamali.
Nang makuntentong sapat na ang gamit nila ay agad silang nagsimula. Itinagilid nila si Samantha at ginupit ang suot nitong damit. Nahirapan silang tastasin ang suot ni Samantha dahil hapit iyon sa katawan. Mayamaya ay agad nang ineksamina ni Wilson ang tama nito sa balikat. Kapwa sila may lisensya bilang medic pero mas maraming karanasan si Wilson pagdating sa mga battle wounds. Military doctor ito at sumabak na sa giyera noon.

"She's lucky. Hindi malala ang tama niya." Anito habang sinisipat ang tama ninSamantha. "Palagay ko walang tinamaang buto, pero kailangan nating kunin ang bala. Tsaka natin isasara ang sugat. Kailangan rin niyang masalinan ng dugo pagkatapos." Obserbasyon nito at sinulyapan ang kanilang pasyente. "It's good that she's unconscious, because it'll hurt like hell."

Ginagap niya ang kamay ni Samantha at hinalikan ang palad nito. Tinapik naman siya ni Wilson sa balikat.

"Magiging ayos din siya." Anito.
Inilagay ni Wilson sa isang palanggana ang lahat ng mga gagamitin niya para sa sugat ni Samantha at binuhusan ng alcohol. Sunod ay pareho silang nagsuot ng latex gloves.

"Let's do this." Nagtanguan sila at tsaka nagsimula.

* * * * * *

Hindi mapakali na muling hinawi ni Joseph ang kurtina at sumilip sa bintana. Tahimik pa rin ang paligid at wala namang kahina-hinala.

"Bok, tigilan mo nga yan. Kanina ka pa silip ng silip dyan."

Mula sa pagmamatiyag sa labas ay nilingon niya si Wilson, nakahiga ito sa sofa at nakapikit. Bumuntong-hininga siya at isinuklay ang daliri sa buhok. Dalawang araw na sila dito at alam naman niyang ligtas sila. Pero hindi pa rin niya maiwasang mag-alala lalo na nang makita nila ang isa pang tama ng bala sa tagiliran ni Samantha. Sariwa pa ang sugat at halatang katatahi pa lang.

Naglakad siya palayo sa bintana at sinulyapan si Samantha. Inilipat na nila ito sa kwarto matapos ang operasyon. Kinapa niya ang braso kung saan siya tinusok ni Wilson para sa blood transfusion para kay Samantha. Kahit papaano ay masaya siya na may naitulong siya. Kung pwede lang niyang isalin ang lahat ng dugo para maging maayos na ang lagay ng dating kasintahan ay gagawin niya.
Naupo siya sa tabi ni Samantha at hinalikan ang palad nito. Humupa na ang lagnat at bumalik na rin sa normal ang kulay nito . Ang tanging ipinag-aalala lang niya hanggang ngayon ay hindi pa ito nagkakamalay.

Hinawi niya ang buhok nito at pinag-aralan ang mukha ng kasintahan. Hindi niya maiwasang isipin kung bakit o kung paano ito nasangkot sa pagnanakaw. Maraming tanong ang naglalaro sa isip niya. Ano-ano ang kinailangan nitong gawin para mabuhay? Bakit kailangan nitong gawin ang ginagawa nito ngayon? Bakit hindi ito bumalik sa kanya noon? Bakit binago nito ang pangalan at nagtago sa loob ng labing limang taon?

Parang sumasakit ang puso niya kapag iniisip niya kung paano ginugol ni Samantha ang labing limang taon? Umiiyak ba itong mag-isa tuwing naaalala ang lahat ng nangyari? Naiisip rin ba siya nito kagaya nang ginagawa niya? Mahal pa ba siya ni Samantha?

"Dad! Mom!" Ungol ni Samantha na humila sa kanya mula sa nakaraan pabalik sa kasalukuyan. Tumutulo ang luha ni Samantha at nagkakawag ang mga braso.

"Shh! It's okay." Dahan-dahan siyang sumampa sa kama at maingat na niyakap si Samantha. "I'm here! I'm here." Paulit-ulit na bulong niya habang hinahaplos ang buhok ng dalaga.

"Marc-ko." Impit na iyak ni Samantha. Pumikit siya. Parang alam na niya kung ano ang napapanaginipan nito. Hindi rin tuloy niya maiwasang balikan ang pangyayaring iyon sa isip.

At parang gusto rin niyang umiyak nang maalala ang mga huling sandali na yun. Ang tanging pinanghahawakan na lang niya para hindi sumuko ay ang babaeng yakap niya ngayon.

"Thank you, Samantha." Bulong niya. "Thank you for coming back." Hinalikan niya sa noo si Samantha at hinaplos ang buhok nito para patahanin. Nanatili siyang yakap ang kasintahan hanggang sa lamunin na rin siya ng antok.

* * * * * *

"Kamusta na siya?" Tanong ni Wilson nang pumasok siya sa kusina at maabutan itong nagluluto ng hapunan.

"Hindi pa rin siya nagkakamalay." Sagot niya.

Tumango si Wilson. "That's expected! Maraming dugo ang nawala sa kanya. Bumabawi lang ang katawan niya pero magiginh maayos din siya. Wag ka nang mag-alala."

Nilapitan niya ang kaibigan at tinapik ito sa balikat. "Bok, salamat! Hindi ko alam kung paano ka pasasalamatan." Aniya.

"Pwede kang magsimula sa pamamagitan ng pag-kwento sakin kung bakit natin 'to ginagawa." Tumingin ito sa direksyon ng silid kung nasaan si Samantha. "Sino ba siya, Bok?"

Sumandal siya at sa kabila ng pinagdadaanan nila ngayon ay nakuha niyang ngumiti sa unang pagkakataon simula ng itakas niya si Samantha. "She's that girl."

"Alin?" Nagsalubong ang kilay ni Wilson at mayamaya ay pumalatak ito. "That girl? Yung imaginary girlfriend mo? Yung may-ari ng rubiks cube at tatlong gumamela? That one?"

Tumango siya. "Yes." Aniya.

"So, totoo pala siya. Akala ko idinadahilan mo lang siya para tumakas sa mga blind dates mo." Nakangising anito bago naging seryoso. "Siya rin si Lupin? Paano? Hindi ko maintindihan." Anito.

Bumuntong-hininga siya. Hindi rin niya alam kung paanong ang Samantha niya ay naging si Lupin. Ang alam lang niya ay kung paano sila nagkahiwalay. Nang ikuwento niya kay Wilson ang nangyari labing limang taon na ang nakararaan ay nakanganga na ito nang matapos siya.

"Woah! That was--Christ! Hindi ko alam na may nangyari pa lang ganyan." Anito at inihilamos ang palad sa mukha. "You still love her?" Tanong pa nito.

"Wala tayo dito ngayon kung hindi ko na siya mahal." Aniya.

Tumango si Wilson at tumawa. "Tama ka dyan. Damn! Baka wanted na rin tayo ngayon."

Pumikit siya. "I'm sorry. Nadamay ka nang dahil sakin. Hindi ko alam kung paano ako makakabawi sayo, Bok!"

Ngumisi si Wilson. "Hindi ako humihingi ng kapalit, Bok! Pero pagbalik natin sa headquarters, ikaw ang gumawa ng report papers ko. Alam mo ba kung gaano karaming report papers ang gagawin ko dahil binaril ko si Gun?" Umiling ito at tumawa. "Alam mo naman na ayokong magsulat ng mga ganyan."

Ngumiti siya at tinapik sa balikat ang kaibigan. "Consider it done."

Sabay silang tumawa at--

Natigilan nang makarinig nang lagabog sa loob ng kwarto ni Samantha. Nagkatinginan muna sila bago sila sabay na tumakbo papunta roon. Naabutan nila sa sahig si Samantha. Natumba ito matapos na subukang tumayo.

"Don't!" Bulong nito nang subukang lumapit ni Joseph. Bakas pa sa boses nito ang pagod at panghihina. "Where am I?" Tanong nito.

Nilingon niya si Wilson at sinenyasan na siya na ang bahala. Tumango naman si Wilson at tahimik na isinara ang pinto para bigyan sila ng pagkakataon na makapag-usap.

Ang hindi alam ni Joseph, habang nag-uusap sila sa loob ng silid ay may kausap na rin pala si Wilson.

"Kuya Wilson, tulungan mo ko!"

Nanlamig ang kamay ni Wilson nang marinig ang boses ng labing-limang taong gulang na kapatid sa kabilang linya.

"Wendy? Nasaan ka?" Halos sakalin na niya ang hawak na cellphone sa pag-aalala.

"Kuuu---"

"Wendy? Anong nangyari? Nasaan ka? Wend--"

"Kung gusto mo pang makitang buhay ang kapatid mo, sasabihin mo sakin kung nasaan kayo."

Huminto ang ikot ng mundo ni Wilson. Ito ang pinaka-kinatatakutan niyang mangyari, ang mamili sa pagitan ng kaibigan at pamilya.

Dahil kung pipili siya, hindi siya magdadalawang-isip na piliin ang kanyang pamilya.

Dangerous KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon