Takbo, takbo, takbo!
Kasama ko ang aking ina sa pagtakbo at hapong hapo na ako kakatakbo. Ang aking ina ay may sugat sa kanyang binti at maging sa kanyang mga kamay. Ako ay high school palang pero ito na ang nangyayari sa buhay ko, namatay na ang aking ama kanina lang dahil sa mga lalaking nais patayin ang aking pamilya ganun din ang aking mga kapatid dahil raw sa hindi pa namin nababayaran ang utang ng aking mga magulang sa kanila.
"Nay!" sigaw ko nang matagpuan ang aking ina na pagod na pagod at hindi maka kilos ng maayos. Bumagsak na ang kanyang katawan sa sahig.
Agad akong tumungo sa kanya at pilit na buhatin siya pero hindi ko na kaya. Pagod na rin ang aking katawan kaya mangiyak ngiyak na ako. Kung hindi kami kikilos agad ay maabutan kami ng mga lalaking hinahabol kami."Nay, tara na! Samahan mo akong tumakbo, hindi ako papayag na iwan kita rito! Hindi ako mabubuhay kapag wala kayo, wala na nga po si tatay at ang aking mga kapatid oh, pati ba maman kayo! Huwag niyo naman akong iwan, nay! Huwag niyo naman akong pabayaan!"
Pilit na inaalis ni nanay ang kanyang mga kamay sa aking braso hanggang sa lalo na siyang bumagsak sahig. Naririnig ko na ang mga pagputok maging ang mga sigawan ng mga kalalakihan na mas lalong nagpapakabog ng dibdib ko.
"Nay, andiyan na sila! Tara na!"
Ayaw umimik ni Nanay at parang hindi na ito gumagalaw kaya mas lalo akong kinakabahan. Niyuyogyog ko siya pero ayaw niya pa rin niyang magising hanggang sa pinilit kong ayusin ang pagkahiga ni nanay at gulat ako na makitang may butas na pala ang tiyan niya na mas lalong nagpaiyak sa akin.
"Nay, hindi! Nay!" sigaw ko habang umiiyak at niyayakap siya.
"Yung bata, naandito!" Nilapitan nila ako saka ang isa naman ay tinutok ang kanyang baril sa akin. Nakatingin ako sa kanya habang umiiyak at niyayakap ang aking ina.
"Ano? Iputok mo na! Kung hindi ay malalagot ka sa boss natin!" Nanatiling nakatitig sa akin ang lalaki, halos ka edaran ko lang ito pero magaling ng humawak ng baril.
Matapos ang ilang segundo ay binaba niya ang kanyang baril saka umalis sa harap namin. "Hayaan niyo na ang babae, wala ng lakas yan. Umalis na tayo, ang mahalaga napatay na natin ang dalawa."
"Ano!? Patayin natin siya hindi natin alam baka isumbong tayo!"
"Boss ako at ako ang masusunod. Nag utos lang ay patayin ang mag-asawa. Ako man ang pinakabata sa inyo pero hindi niyo makakaila na mas magaling ako sa inyo sa kahit anong larangan. Ngayon, kung ayaw niyo akong sundin para niyo na rin sinusuway ang utos ng boss natin. Kahit pa magsumbong ang babae na iyan ay walang magawa yan, wala siyang makukuhang proweba at wala rin siyang pera. Hindi nga natin alam kung mabubuhay pa ba yan na wala na ang kanyang mga magulang."
Matapos niyang sabihin ang mga salitang iyon ay hindi ko mapigilang mainis. Isa-isa na silang umalis habang ako rito ay naiwang mag-isa kasama ang patay kong ina. Nakatitig ako sa katawan ng aking ina habang ang aking mga kamay ay nakakuyom na sa sobrang galit.
"Humanda kayo, hindi ko palalampasin ang mga ginawa niyo sa pamilya ko. Maghihiganti ako."
......
Mag uupdate lang po ako rito once a day, please plagiarism is a crime!
For more updates please follow or add me on facebook, Lavender Arous. Salamat po!
BINABASA MO ANG
Love or Blood
RomanceKaya mo bang pigilan ang iyong damdamin para masunod ang plano mong patayin ang lalaking pumatay sa magulang mo o hahayaang kontrolin ka ng iyong puso? Alin nga ba ang mananaig? Ang utak o ang puso? Kahit alin sa kanila ang ating pipiliin, isa pa r...