Sinusundan ko lang ang mga yapak ng lalaking nasa harapan ko at maya maya ay pumasok na kami sa isang munting tahanan. Pagkapasok ay hindi ko mapigilang takpan ang aking ilong sa sobrang baho pero ang lalaking ito ay mukhang sanay na sanay.
Tinanong ko ang pangalan niya at tinignan ang mukha niya. Siya nga si Magus na tinutukoy ni sir Lazaro, isa kasi sa palatandaan na binigay sa akin ni sir ay may sugat ito sa kanyang ibabang kanang mata dahil nasugatan daw siya ng kutsilyo dahil sa kanyang tatay.
Pagkatapos nun ay tumungo kami sa CR kaya napahinto ako. "Are you we're going there? Are you out of your mind?" Unti-unti siyang lumingon sa akin.
"Gusto mo ba ng impormasyon o hindi? Sumunod ka. Hindi kita gagahasain dito, sa lakas palang na pinakita mo kanina baka kung ano na rin gawin mo sa akin." Binuksan na niya ang pinto ng CR at sunod nito ang munting pintuan papunta sa isang underground room.
I see, may underground place pala siya. Siguro ginamit niya lang ang mabahong lugar na ito for security purposes. May nakikita rin akong mga gumaganag CCTV dito. Not bad, huh?
Sinundan ko na ulit siya papunta sa kanya underground place at dito namangha ako sa mga nakita ko. Napakaganda ng bahay niya, mala moderno siguro naipagawa niya ito sa laking pera na sinisingil niya sa kanyang mga customer.
Agad kaming umupong dalawa sa magkabilaang couch pero bago muna yun ay may binigay siya sa aking mga cookies at juice. Inamoy ko muna ang mga ito dahil baka may lason or sleeping pills pero wala naman akong naaamoy. Agad siyang kumuha sa mga cookies at ininom din ang juice na nakalagay sa baso niya.
"Walang lason yan or kung ano, bahala ka kung ayaw mong kumain." I decided na huwag nalang kumain at inilapag ang baby picture na binigay sa akin ni sir Lazaro.
"Do you have any clues or a bit of information regarding this child?" Bigla niya namang binuksam ang kanyang palad. It is indicating that he wants money first at dahil trusted naman daw siya sabi nga ni sir Lazaro ay agad kong binigay sa kanya ang 20k. Binulsa niya rin iyon kaagad at pumunta sa isang kwarto na punong puno ng mga lockers.
Matapos nun ay may inilapag siyang mga newspaper pati na rin iba pang mga printed articles at mga pictures na nakita niya sa internet. "Hindi ba't siya ang batang iyan? Siya ang nawawalang anak ng bilyonaryong asawa. Nawala siya habang nasa biyahe sila at nagkaroon ng aksidente, swerte nila at nakaligtas sila pero nagulat nalang sila dahil biglang nawala ang bata na months old palang."
Agad kong tinignan ang newspaper pati ang mga articles. Imposible nga na namatay ang bata dahil according sa mga articles ay nawala ang bata, wala ring witnesses na magpapatunay kung sino at saan ang bata. This is a good source but not a good quality na masusulit ang 20k ko rito. This is just an open source, kailangan ko ng sources aside from newspaper and articles.
"Eto lang?" Ngumisi siya at pumunta muli sa room ng mga lockers saka niya binigay sa akin ang cap ng bata na nakalagay sa malaking zip lock. Ano to?
"That case, wala akong makuhang mga sources diyan kundi ayan lang. Sinave ko ang mga newspapers and articles kasama ang cap na yan dahil may pumunta na rin sa akin a few years ago para hanapin ang batang yan pero walang nakahanap. Masyadong tago ang identity ng batang iyan.
"Also, kung gusto mo pwede mong kausapin ang isang private detective, eto ang address niya at ang mukha niya. Pwede mo siyang tanungin baka marami na siyang sources na nakuha pero sumuko lang."
That made me think tuloy kung anong nangyari sa batang ito at bakit ganito katago ang kanyang identity para hindi malaman kung nasaan na siya at sino siya. Siguro mahahalata rin naman ito kung maipagkumpara ko ang mukha ng magulang pati ang mukha ng bata ngayon. Kung nangyari ito 25 years ago, baka nasa ganoong edad na rin ang bata.
Tumayo ako at saka tumingin kay Magus. "Thanks for this." Agad na akong naglakad papunta sa hagdanan nang bigla niya akong tawagin kaya napahinto ako at tinignan siya.
"Sa susunod na pupunta ka rito, call me or text me." Agad niyang tinapon sa akin ang card na agad ko rin namang sinalo. Nakaipit ito sa isang hair pin. "Hindi mo alam kung gaano ka delikado ang mga tao sa lugar na ito kaya sabihan mo ako kung pupunta ka."
Ngumisi ako saka inilagya sa bulsa ang papel at inayos na rin ang aking salamin. "Thanks but kaya ko ang sarili ko." Hindi na niya ako pinansin at nanigarilyo lang siya habang nakatingin sa kawalan.
Agad nalang akong lumabas at tinakpan muli ang aking ilong nang maamoy na naman ang napakabahong amoy sa bahay na ito. Bakit ba ito ang pinili niya? Hindi niya rin ba naaamoy sa baba ang mabahong amoy na ito!?
......
Nakauwi na ako at nakapark na ang aking motor sa harap ng bahay. Ang tanging nakuha ko lang source ay itong nga newspapers, printed articles, cap ng bata, at ang address ng private detective na nag investigate sa pagkawala ng batang ito ten years ago. Siguro need ko pang mag deep research sa internet about this case at puntahan ang detective na ito. Sana lang ay buhay pa siya dahil kung hindi ay mahihirapan talaga ako ng sobra na matapos ang misyon na ito.
Naisip ko rin na bumisita sa mansyo ng mag asawa para makita sa personal ang kanilang mga mukha. Napabuntong hininga nalang ako at saka binuksan ang pinto ng bahay. Dito ay nabulaga ako sa sobrang linis ng bahay, sobrang kintab at walang kakalat kalat kaya namangha ako.
Napatingin ako kay Cave na natutulog sa couch habang nasa tiyan niya si Timmy. "Siya kaya ang naglinis nito? Ang sipag naman ng lalaking ito?" Tumungo na rin ako sa kusina at gulat akong nakapag saing na rin siya. Seryoso? Napahanga ako sa kasipagan niya.
Napalingon ako nang marinig kong nagising siya. "Nakauwi ka na pala, kakatapos ko lang ligpitin mga kalat ni Timmy." Napatawa ako nang bahagya, kaya naman pala napalinis dahil nagkalat na naman si Timmy. "Hindi pa ako nakakaluto ng ulam."
"Ako na ang magluluto, magpahinga ka nalang." Agad kong inilagay sa kwarto ang mga gamit na dala-dala ko at ni lock ang pinto.
"Mag oorder na rin pala ako ng maiinom namin or gusto mo tayong dalawa nalang ang bibili?"
"Tayo nalang ang bibili." Nagsimula na akong mag hiwa ng mga ingredients at tinignan ang freezer kung may karne pa ng baboy. I heard him scoff kaya napatingin ako sa kanya.
"Bagay pala sayo maging asawa ko, ano?" Agad ko nalang siyang tinapunan ng kamatis at sakto namang tumama ito sa mukha niya kaya napatingin siya nang masama sa akin at ngumisi ako.
"Baka kapag maging asawa mo ako hindi lang kamatis ang tatapon sa mukha mo, kweba."
BINABASA MO ANG
Love or Blood
RomanceKaya mo bang pigilan ang iyong damdamin para masunod ang plano mong patayin ang lalaking pumatay sa magulang mo o hahayaang kontrolin ka ng iyong puso? Alin nga ba ang mananaig? Ang utak o ang puso? Kahit alin sa kanila ang ating pipiliin, isa pa r...