Graduate na ako sa kolehiyo at may maayos na trabaho pero hindi ito isang normal na trabaho. Nakapag decide ako na maging isang private detective na kumukuha ng mga impormasyon na paminsan din ay nagiging special agent sa isang organisasyon kung saan ako nagt-trabaho. Maliban dito ay ginagamit ko ang trabahong ito para makakuha rin ng impormasyon tungkol sa mga taong pumatay sa mga magulang ko. Nag-aaral palang ako ay ito na ang trabaho ko para matulungan ang sarili na makapag tapos ng pag-aaral.
Mataas din ang sinasahod ko rito kaya nakapagpatayo rin ako ng maayos at magandang bahay. Ako lang mag-isa kasama ang pusa ko na naipulot ko lang sa kalsada. Basta't naandito lang si Timmy ay ayos na ako, hindi ko na kailangan pang maghanap ng kasama sa bahay.
Sinimulan ko nang magbihis ng aking damit, uniform namin at sinuot ko na rin ang aking salamin sa mata. "Bye Timmy, mag t-trabaho na muna ako," ngiting sambit ko saka hinalikan sa noo ang aking pusa. Agad kong ni lock ang pinto ng bahay. Napag-iwanan ko naman na ng pagkain si Timmy kaya magiging okay lang siya sa loob.
Nagsimula na akong maglakad at tumungo sa isang lalaking nagtitinda ng kung ano ano malapit sa terminal. Binigay niya sa akin ang isang newspaper at dito may nakita akong isang pangalan ng isang lokasyon. Lokasyon ito ng bago kong customer.
Nang makarating ako ay nagulat ako sa sobrang laki ng bahay, sobrang yaman ng customer ko ngayon. Agad na akong nag doorbell at agad din naman may lumitaw na isang magandang babae na agad din akong pinapasok.
"Siguro ay napaalam naman sayo kung ano ang magiging trabaho mo, hindi ba?" Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa at sa tingin niya palang ay mukhang jinudge na ata niya ang buong pagkatao ko.
"Yes po, napagsabihan naman po ako maam." Lahat ng detalye ay nasa newspaper at kanina lang ay sinunog ko na ito. Mukhang nag aalinlangan pa siya na tanggapin ako bilang tagapagbantay niya pero kalaunan din naman ay tinanggap niya nalang din. Parang ayaw pa niya ata na bantayan siya?
"Aalis kami mamayang gabi at kailangan namin ng tagabantay, magagawa mo ba kaming bantayan? Hindi basta-basta ang makakalaban mo iha, mga magagaling ang mga iyon at baka konting maling galaw mo lang ay mamamatay ka."
Nginitian ko nalang siya at saka inayos ang aking salamin. "Maasahan mo po ako sa bagay na iyan maam."
"Sigurado ka? Aalis kami at tutungo sa ibang bansa. Dadaan sa mapunong lugar para makasakay ng yacht. Doon na kami maninirahan dahil binenta na namin ang bahay na ito," sambit niya habang binubuksan ang pinto at tinignan ang kanyang anak na natutulog.
"Kailangan mo kaming maka alis sa bahay na ito ng ligtas." Nakakuyom ang kanyang mga kamay habang nakatitig sa kanyang anak na babae. Napaisip tuloy ako, nasaan kaya ang kanyang ama? At kung mawawala man ang kanyang ina ngayon ay magiging ulila rin ang bata kagaya sa naranasan ko. Syempre, hindi ko hahayaan na mangyari rin sa kanya yun.
Dumating na ang gabi ay sinuot ko na ang face mask na tinatakpan lang ang aking bibig. Ready na si maam habang dala-dala ang kanyang pitong taong gulang na anak kasama pa ang isang babae, mukhang nanny ata ng bata.
Tumungo na kami sa sasakyan habang ako naman ay naka pwesto lang sa likod. Sinimulan na ni maam ang pagmamaneho hanggang sa maka alis kami ng mansyon, ilang minuto lang ay bigla na lamang may mga nagpaputok dahilan para kabahan sila. Agad na binilisan ni maam ang takbo niya sa sasakyan hanggang sa patuloy lang ang pagpapaulan nila ng bala sa amin.
Binuksan ko ang bintana saka tinutok ang baril sa kanila, mabuti na lamang ay asintado ko at natamaan ko sa ulo ang driver. Tatlong sasakyan ang sumusunod sa amin ngayon at nawala na ang isa.
Sa kasamaang palad, ay natamaan ng bala ang gulong ng sasakyan nang magpaputok ang isang tao sa kabilang sasakyan kaya biglang tumama ang sasakyan sa puno pero mabuti na lamang ay ayos lang kaming lahat.
Agad kong tinulungan ang bata at ang nanny nito sa paglabas sa kanila, kasunod ay si Maam Marty. "Tara na po, sundan niyo ako." Kasabay naman ang pagtakbo namin palayo sa sasakyan na mukhang ilang minuto lang ay sasabog na.
Hindi ko akalain na agad nila kaming masusundan ng ganito kabilis. Hawak-hawak ko ang aking dalawang punyal habang mabilis na tumatakbo at tinitignan lang sila na nasa harapan ko. Nang maramdaman kong maraming tao na ang nakasunod sa amin ay huminto ako.
"Mula rito at takbo pa ng ilan pang metro ay mararating niyo ang isang maliit na bahay kubo, sabihin niyo lang ang code 010 at alam na niya ang kung ano ang pahiwatig nun." Agad ko ring binigay ang brooch ko kay maam Marty. "Ibigay mo rin ito sa kanya." Kumusot ang noo ni maam sa sinabi ko.
"Ha? Teka lang! Kung iiwan mo kami paano kami—"
"Walang susunod sa inyo, pipigilan ko sila. Ako po ang bahala, magtiwala kayo sa kakayahan ko. Mukha lang akong mahina pero makakaasa kayo sa akin na makaka alis kayo rito ng maayos at buhay."
Walang magawa si maam kundi ang tumango nalang at agad na silang tumakbo palayo. Nang hindi ko na sila matanaw ay agad akong tumakbo papunta palapit sa mga lalaking humahabol sa amin. May sampung kalalakihan ang tumatakbo palapit sa akin.
Nang makalapit na ako ng husto ay agad ko silang inisa isang pinagpapatay gamit ang aking punyal. Hindi nila ako makikita dahil sa sobrang dilim ng paligid at kasabay pa nito ang bilis kong pagkilos. Walang sinuman ang makakapantay sa kung gaano ako kabilis pagdating sa ganitong labanan.
"Siyam na tao ang napatay pero bakit siyam? Nasaan ang isa?" bulong ko sa aking sarili at mabilis na tumingin sa aking paligid nang bigla akong nakaramdam na kakaiba sa aking likuran kaya agad akong lumingon at bago pa man ako makalingon ng tuluyan ay may kutsilyo nang nakatutok sa akin kaya napahinto ako habang ang aking mga mata ay nanlaki sa gulat.
Napatitig ako sa kanya. Hindi ko rin siya makita dahil sa dilim ng paligid pero kita nito ang kanyang mga matang kumikinang sa gabi. Agad akong tumalon at nag tumbling palayo sa kanya. Inayos ko ang pagkakahawak sa aking punyal. Magaling ang lalaking ito, nagawa niyang makalapit sa akin bago ko pa man siya maramdaman.
Umayos siya ng tayo at tinititigan lamang ako. "Sino ka? Sino kayo?" tanong ko sa kanya pero hindi niya ako kinikibo. Ayaw niyang magsalita.
Agad nalang akong sumugod sa kanya at nagtama ang aming mga armas. Tanging pagtama lang ng aming armas ang aming naririnig sa munting kagubatang ito. Nais ko sanang ipulupot ang aking mga paa sa kanyang leeg pero nagagawa niyang ma detect iyon kaya hindi ko na naituloy.
Akmang tatakbo pa sana ako papunta sa kanya pero laking gulat ko nalang ng nasa likuran ko na pala siya dahilan para manlaki ang aking mga mata.
"Magaling ka."
Ang boses niya. Pamilyar.
BINABASA MO ANG
Love or Blood
RomantikKaya mo bang pigilan ang iyong damdamin para masunod ang plano mong patayin ang lalaking pumatay sa magulang mo o hahayaang kontrolin ka ng iyong puso? Alin nga ba ang mananaig? Ang utak o ang puso? Kahit alin sa kanila ang ating pipiliin, isa pa r...