Agad akong umatake sa kanya, balak na saksakin siya sa kanyang leeg pero agad siyang nakaiwas. Tumalon siya sa akin palayo at agad naman siyang naglabas ng limang throwing weapon na agad ko ring naiwasan pero mabilis siyang kumilos, bago pa man ako makapag simulang umatake sa kanya ay nasa likuran ko na siya na balak akong saksakin ng kanyang punyal.
Napahawak ako sa aking armas ng mabuti at agad na lumayo sa kanya pero hindi ako nakaiwas sa kanyang atake, may sugat ang aking balikat. Ngayon, feeling ko pa tuloy magkaka marka na ako sa balikat ko.
"Pamilyar ka, sino ka ba!?" Hindi pa rin umimik ang lalaki at nanatili lang itong nakatayo sa harapan ko. Naiinis na ako dahil kahit ilang beses pa ata akong magtanong ay walang epekto sa kanya.
"Fvck, wala na rin akong mapala rito. Patay na lahat ng tauhan, nakatakas pa ang target." Iyon ang mga salitang narinig ko sa kanya. "Gusto mo pa bang maglaban tayo rito? Baka aabutin tayo ng ilang oras, baka nga hanggang mag umaga."
"Pinagsasabi mo diyan?"
"Didn't you get it, I am complimenting you because of your skills. Ikaw palang ang nakakatagal sa akin pagdating sa pakikipaglaban. Kung mahina ka lang, kanina ka pa namatay." Napataas ang aking kilay sa sinabi niyang iyon. Dapat ba akong magpasalamat kasi ganoon?
"Likewise, Mr. Hindi ko akalain na may tatapat din pala sa akin." Tumapat siya sa ilaw ng buwan kung kaya't nakikita ko na ang pagngisi niya. Inayos ko muli ang aking salamin.
"I see, you four eyed woman. Gusto ko man makipag tapatan sayo pero may hinahabol akong oras ngayon. Maybe we can reschedule this naman. What do you think?" Is he fvcking serious!?
"Nasisiraan ka ba ng bait?" Narinig ko siyang tumawa pero mas lalo ko lang tinaas ang aking kilay. Nasisiraan na nga talaga siya ng bait.
"I am, palagi naman."
"Seryoso ka talaga diyan?" At agad kong tinapon sa kanya ang isang throwing weapon na meron sa hips ko pero agad siyang nakaiwas. Magaling nga talaga siya.
"Sabi ko naman sa iyo, hindi ba? Wala akong panahon ngayon para makipag tapatan sayo. Paalam, mukhang magkikita pa naman tayo ulit. Malay mo? Ituloy nalang natin doon ang laban natin." Matapos niyang sabihin iyon ay bigla nalang siyang naglaho na parang bula kaya agad akong napalingon sa aking paligid para hanapin siya pero wala na akong makita kahit anino niya man lang. Wala na nga talaga siya.
Tinignan ko ang mga patay na tao sa paligid ko at napailing-iling nalang. Iniwan ba naman dito ang mga kasamahan niya, walang pusong lalaki.
Agad na lamang akong tumakbo papunta sa kung saan ko dinala sina Maam Marty para i check kung nakarating nga sila doon kung sila na ay nakarating ng ligtas at naka alis na. Matapos ang ilang minuto ay napangiti ako dahil nakita ko ang brooch kay Lolo Berto na ngayon ay hawak-hawak niya. Pinakita niya ito sa akin.
"Mabuti nalang talaga ay sakto rin na dito kami napunta sa lugar na ito. Nakahingi pa po ako ng tulong sa inyo. Salamat Lolo." Tumawa si Lolo saka binalik na sa akin ang brooch.
"Ikaw bata ka, ingatan mo yan pinagmanahan mo pa yan sa tatay mo. Kung iniisip mo ang mag ina saka ang isang babae, huwag kang mag-alala ligtas na sila. Malapit din naman ang dagat dito at agad ko silang tinulungan at sinamahan papunta sa isang yate na naka park sa di kalayuan. Yayamanin din pala sila."
Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa brooch na ito at saka naman nilagay ito sa aking bulsa. "Maraming salamat, Lolo. Aalis na ako, kailangan ko ng makauwi anong oras na rin po e alam mo naman, naghihintay na po ang aking anak doon," natatawa kong sambit.
"Oh sige, mag-iingat ka." Tumango ako sa kanya saka tumakbo na palayo sa bahay kubo ni Lolo Berto. Hindi ko naman talaga siya kamag-anak or talagang Lolo ko. Siya lang ang tumulong sa akin para mabuhay noong time na nadepress ako dahil sa pagkamatay ng aking mga magulang at ang brooch na hawak ko ay ang natitirang gamit ko na galing sa aking mga magulang.
Inampon ako ni Lolo Bertp at pinalaki hanggang sa makarating ako ng kolehiyo. Tama nga, dito rin ang lugar saan pinatay ang aking mga magulang kaya malaking palaisipan sa akin ang lalaking nakausap ko kanina lalo na at pamilyar ang kanyang boses. Nasa isip ko, sana hindi siya kasapi sa mga taong pumatay sa aking mga magulang kasi kung oo, hindi ako mag aatubiling patayin din siya hanggang sa makakaya ko.
Hindi ko hahayaan na isa sa kanila ay mabuhay matapos nilang patayin ng ganoon ang aking mga magulang. Tanging paghihiganti nalang ang nasa utak ko, wala ng iba. Nagsisikap ako para maghiganti, hindi para magkaroon ng magandang buhay para sa aking sarili.
......
Umaga na rin at naka uwi na ako sa aking bahay. Madaling araw na, alas tres ng madaling araw. Agad akong sinalubong ng aking pusang itin na si Timmy. Kinuha ko siya saka niyakap ng mahigpit. "Nakauwi na ako Timmy, sana wala kang ginawang masamang bagay habang wala ako."
At pagbukas ko ng ilaw ay lantaran sa akin ang magulong sala. Naglaro na naman siya at siguro ay may kung ano ano na naman ang hinabol niya. "Talaga lang ha, Timmy?"
Wala akong magawa kundi ang ligpitin nalang ang kalat niya. Ano bang magagawa ko? Pusa ito e tao ako, alangan namang utusan ko siyang magligpit. Pero bakit ganito? Kung kailan pagod ako!

BINABASA MO ANG
Love or Blood
RomanceKaya mo bang pigilan ang iyong damdamin para masunod ang plano mong patayin ang lalaking pumatay sa magulang mo o hahayaang kontrolin ka ng iyong puso? Alin nga ba ang mananaig? Ang utak o ang puso? Kahit alin sa kanila ang ating pipiliin, isa pa r...