Nasa Iisang Bubong

2 1 0
                                    

Kumunot ang aking noo sa aking narinig. Ano ang ibig niyang sabihin na buhau? May utang siyang buhay? Ha, ano?

"Hindi kita ma gets."

"Wala, biro lang. Natural ano ba ang common na may utang sa isang tao? Hindi ba't, pera?"

"Ewan ko sayo, kumain ka na nga lang diyan. Dito ka matulog sa couch, bigyan nalang kita ng unan saka kumot." Narinig ko siyang tumawa ng bahagya pero agad ding sumubo ng pagkain. Hayaan ko nalang muna siyang mag stay dito kesa naman sa makita siya ng mga taong humahabol sa kanya mamaya na naandito pala siya sa bahay ko.

Matapos ang ilang oras ay natapos na rin, alas otso palang gabi ay nag decide akong manood nalang ng movies sa loob ng kwarto ko habang siya naman ay nasa sala nanonood ng TV. Bigla namang may kumatok sa pinto ko kaya agad ko siyang pinapasok.

"Pwede ba ako kumuha ng makakain sa ref mo?"

"Do what you want, kweba."

"Oke, apat na mata."

Nakakairita talaga na marinig ang boses niya, sarap niyang hamb*lusin e. Talagang nagsisisi ako na niligtas ko ang mokong ito at ako naman tong si t*nga, hindi siya magawang palabasin. Nakakairita!

Alas diyes na ng gabi ay nag decide na akong patayin ang ipad ko para sana matulog pero bigla nalang akong nauhaw. Naisipan kong lumabas ng kwarto at pinatay na pala niya ang ilaw pero patuloy pa rin siya kakanood at kumakain ng chichirya na nasa pantry ko.

"Hoy, pati pagkain bayaran mo yan!" Lumingon siya sa akin saka kinuha muli ang siyam na libong piso at inilagay sa mesa.

"Sabi sayo kuhanin mo na yan, ang kulit mo kasi." Aba, tong lalaking to. "Tapos ka na manood ng b*ld sa kwarto mo? Nood naman tayo ng horror."

"G*go ka ba? Anong b*ld tinutukoy mo!" Tumawa siya sa reaksyon ko kaya mas lalo akong nairita. "Baka kapag hindi ako makapag pigil, ilalabas kita sa pamamahay ko!" Patuloy lang siya sa pagtawa kaya mas lalo akong naasar sa kanya.

"Biro lang, lika rito manood tayong dalawa. Swerte mo na nga may gwapong kweba ang tatabi sayo." Ay, dapat pa ba akong magpasalamat?

Tinignan ko kung ano ang pinapanood niya. Napanood ko na ito noon pa, galing naman niya kaya niyang panoorin yan sa gabi at mukhang tuwang-tuwa pa siya. "Feeling may-ari ka talaga ng bahay, ano? Matutulog na ako, bahala ka kung magdamag kang manood diyan!" Nagkibit balikat lang siya nang paalis ako ay nagsimulang manood ulit.

.....

Umaga na at sa wakas! Wala na rin ang asuhol na yun, aalis na rin siya! Pinakiramdaman ko muna ang paligid at hundred percent naman ako na wala na talagang mga nag aabang sa labas ng bahay. Sinuot ko muna ang aking salamin bago ako bumangon sa higaan.

Paglabas ko ng kwarto ay tumambad sa akin ang amoy ng pagkain. Tumungo ako sa kusina at nakita ko si Cave na nagluluto ng itlog, ham, at hotdog. Mukhang katatapos niya lang ding magluto ng fried rice.

"Uy, goodmorning apat na mata. Nagluto na ako, kumain ka na." Ako naman ay napa upo nalang sa upuan at nakita si Timmy na nilalambing ang paa ni Cave meaning, magpagkakatiwalaan siya ni Timmy. Hindi naman kasi lalapit ang pusa ko sa kahit sino if alam niya na hindi mapagkakatiwalaan ang tao.

"Umamin ka nga, may kailangan ka ba kaya ka nagluto niyan?" Hindi niya ako sinagot kaya mariin akong tumingin sa kanya. "Sumagot ka nga."

Lumingon na siya sa akin at inilagay na sa mesa ang mga pagkaing niluto niya. Ngumiti siya saka nagsalita. "Kain na, mamaya mag uusap tayo." Ay wow, bakit parang kung magsalita ang lalaking to e siya may-ari ng bahay dito?

Nagsimula na kaming kumain ay puro pang aasar lang ang ginagawa ng kwebang to sa akin. Tahimik naman buhay ko kahapon ah, bakit nung dumating to sobrang gulo na!?

Pagkatapos naming kumaing dalawa ay naligo na muna ako dahil hindi ko kaya na hindi maligo sa umaga. Pagkatapos niyon ay nakatanggap na naman ako ng text mula sa boss ko at sinasabi na kailangan niya akong makausap mamayang hapon para sa bago kong misyon.

Nasa sala na kaming dalawa at seryoso ang mga tinginan niya. "You see, naisip ko lang kagabi."

"Ano yun?"

"Baka pwede dito na muna ako manirahan?" Napanganga ako sa sinabi niyang iyon. Gusto niya ba guluhin ang buhay ko ng matagal na panahon!?

"No, ayoko. Bawal, no, no, no!" Bigla namang ngumiyaw si Timmy at umupo sa lap ni Cave na siyang dahilan ng pagtatama ko.

"See? Kahit si Blacky ay ayaw akong umalis."

"Blacky? Si Timmy yan! Huwag mo nga ibahin pangalan ng alaga ko." Niyakap niya si Timmy at tumingin siya sa akin na para bang nagmamakaawa.

"Please? Babayaran kita ng anim na libo kada buwan, ayos lang sa akin kung sa sala ako matutulog hindi naman ako maarte. Wala rin talaga akong matirhan kaya naisip ko na dito muna ako since mapagkakatiwalaan ka naman. Ako na bahala sa sarili kong pagkain, hati pa tayo sa bills. Ano, game ka ba?"

Tinignan ko siya ng mariin pero nanantili lang siyang nakatingin sa akin. "Paano mga humahabol sayo? Kung matunton nila itong bahay ko ay madadamay ako sa’yo, hindi mo man lang ba maisip yun?"

"Hindi naman ako palaging naandito sa bahay, madalas palagi akong wala. Kailangan ko lang may matirhan sa oras na gusto kong may uuwian kahit paminsan minsan." Tinaasan ko siya ng kilay. Ano naman kaya ang ginagawa ng lalaking ito at masabi niyang bihira lang siya uuwi sa bahay ko?

"Bigyan mo pa ako ng rason kung bakit hahayaan kitang tumira rito."

"Dahil gwapo ako, hindi ka na lugi sa akin." Agad ko siyang binatukan ng napakalakas dahil sa sobrang hangin ng lalaking ito! Akala mo naman kasi talaga gwapo e! "Dalawang buwan lang, apat na mata. Dalawang buwan lang, aalis din naman ako rito sa bansa. Hindi ako magtatagal dito, dalawang buwan mo lang makikita tong pagmukukhang to."

Napabuntong hininga ako habang nakatitig sa kanya at nag krus ng braso. Tinignan ko si Timmy na nanatiling nakaupo at natutulog sa lap ni Cave. "Sige, hahayaan kitang tumura rito pero marami akong rules sa bahay na ito, handa ka bang sumunod?" Tumango naman siya bilang pagsang-ayon.

"Ano ang unang rule?"

"Una, kapag natutulog si Timmy sa paa mo ay antayin mo siyang matulog hanggang sa magising siya. Huwag na huwag mo siyang gigisingin kundi lagot ka sa akin." Ngumiti ako sa kanya.

Love or BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon