Ang Kaso

0 0 0
                                    

Lumipas na rin ang isang araw, hindi pa rin naman kami ganoon ka close ni Marie. Sinisiksik ko pa rin ang sarili ko para maging close kaming dalawa. Hindi ko na rin binalak pang sundan si Detective Rom dahil binantaan na niya ako. Ang tanging magagawa ko nalang ay kulitin siya na magsalita pero ayaw patinag.

Halos mapahiya na ako sa mga customers niya pero wala akong paki alam. Bakit ba ayaw niya sabihin ang tungkol sa kasong hawak niya noon!?

Umuwi nalang tuloy ako sa gabi na pagod at hindi ko maintindihan, nagugutom ako na ewan. Bigla ko namang naalala si Cave, siguro kung naandito siya ay may nakalatag ng pagkain sa mesa at kinukulit na niya ako. May naaamoy na siguro akong pagkain ngayon kaya hindi na ako mamroblema.

"Ano ba yan! Bakit ba iniisip ko ang lalaking iyon!? De bali na nga!"

Agad akong bumangon saka tumungo papuntang kusina para magluto ng itlog at ham. Ayun lang naman ang pagkain ko rito na mabilis lutuin maliban sa de lata. Habang nagluluto ako ay hindi ko maiwasang maisip si Cave dahil kung naandito nga naman talaga siya, ang daming putahe na rito sa mesa.

Matapos akong magluto ay kumain ay naghugas na ako ng pinggan pagkatapos. Bumuntong hininga ako saka nagsalita. "Lakas mo talaga, kweba ka. Sana lang talaga madapa ka kung saan ka man." Padabog akong pumunta sa aking kwarto pagkatapos kong maghugas ng pinggan. "Nakakainis!"

Umaga na at tinignan ko ang kalendaryo. Bukas kaya makakauwi na talaga siya? Or bukas ng umaga ba? ng tanghali? Baka sa hapon? Or baka kaya gabi? De bali na nga, nakakamiss kasi pagkaing niluluto niya. Ayun lang naman dahilan bakit gustong gusto kong umuwi ang mokong na iyon.

Nang magtanghali na ay sinimulan ko ng magsuot ng uniform para pumasok sa university. Nang makarating ako sa building namin ay nagulat naman ako nang makita ko ang dalawang unggoy na nakaupo sa may bandang dulo. Nang makita nila ako ay kumaway silang dalawa. Akmang aalis na sana ako sa kwarto ay biglang humarang si Marie.

"Saan ka pupunta? Isang minuto nalang start na ng klase." Nagsalubong ang mga kilay ko sa inis at tinignan ang orasan. Oo nga pala. Wala akong magawa kundi ang bumalik sa loob ng kwarto at umupo na sa tabi ni Marie habang ang dalawa naman ay nasa likuran namin.

"Oo nga pala, aabsent ako mamaya. Pakisabi nalang Rija, ha?" Napakurap naman ako. Saan kaya siya pupunta? Hindi kaya bibisitahin niya ang kanyang tatay? "Pupunta kasi ako sa hospital. Wala naman tayong quizzes and recitations ngayon dahil kakasimula lang ng midterm. Ikaw nalang ang bahala." Tama nga ako.

Tumango ako saka ngumiti. "Mag-iingat ka nalang, Marie."

Natapos na ang first class namin at nauna na nga si Marie na umuwi. Ako naman ay dire-diretso lang at ayaw pansinin ang dalawang unggoy na kaka transfer lang daw nila. Panigurado si Sir Lazaro ang may pakana nito e. Siya rin naman ang nagpasok sa akin dito kaya panigurado siya rin ang may pakana nito.

"Shul!"

Napapikit ako ng aking mga mata habang patuloy na naglalakad. Talagang binanggit nila yung pangalan ko rito!? May sayad ba utak nila!?

Huminto na ako sa paglalakad nang makarating ako sa isang lugar kung saan hindi matao. Narinig ko ang yapak nilang palapit sa akin at bago pa man sila makalapit sa akin ay inatake ko ang dalawa at gulat naman ako na mabilis ang kanilang response.

"Talagang aawayin mo kami?" tanong ng isa na naka semi bun at may hikaw pa talaga sa kanyang tenga.

"Bitawan mo na yang paa ko kundi masipa yan talaga sa leeg mo." Agad din naman niyang binitawan kaya nakatayo na ako ng maayos. "Si Sir Lazaro, tama ba?"

"We really need you, sir Lazaro told us na magaling ka raw sa lahat ng aspeto. Hindi lang naman ikaw kundi marami pa ang sinama niya. Kailangan namin yang skills and talents mo para mahuli sila. Sobrang daming mga bata ang na k-kidnap araw-araw because of them. Aside from that, selling of internal organs is rapidly growing which sobrang nakakabahala."

"Sinabihan ko na si sir Lazaro, kung gusto niya na mag focus ako sa misyon na iyan ay kailangan tanggalin niya ako sa misyon na unang binigay niya sa akin."

Nagkatinginan muna ang dalawa bago sila tumingin sa akin. Kambal ba sila? magkamukhang magkamukha e parehas pa mahahaba ang kanilang mga buhok, nagmumukha na silang mga babae.

"We have already asked about that, fortunately, nang na investigate namin iyan may similarities siya sa case about sa pagkidnap ng mga sanggol which is kagagawan ng grupong tina target namin ngayon. We have sources na makukuha mo sa amin. Ibibigay lang namin iyon kung papayag ka makipag join forces sa amin."

"Sino ba sa inyo si Ryu and Chico?" Itinaas ng naka semi bun ang kanyang kamay at nagsalita.

"Chico and this is my twin older brother, Ryu." Tumango lang ako habang naka krus ang aking mga kamay.

"Pag iispan ko yan. Puntahan niyo nalang ako sa bahay, panigurado akong alam niyo na kung nasaan ako kaya I don't need to give you guys my full address. Aalis ako and don't follow me, ayoko ng may buntot."

Pagkatapos kong sabihin iyon ay agad na akong umalis. Pumunta ako sa gate at nag cutting classes. Wala naman na akong ibang gagawin doon dahil wala si Marie. Hindi ko na rin siya masundan at mabantayan dahil inistorbo ako ng dalawang yun.

Nasa lugar na ako kung saan nagtitinda si Detective Rom ng mga paninda niya. "Hihingi pa ba ako sa kanya ng clues or something? Hindi rin naman ako sure kung talagang mahahanap ko ang sanggol na iyon sa sources na meron ang kambal. Ano ba? Ang gulo naman."

Nanatili lang akong nakatitig at inoobserbahan si Detective Rom at napansin ko namang hindi na pala niya tunay na paa ang meron siya ngayon. Gawa na ito sa bakal upang makatayo at makalakad siya ng maayos. Napansin naman niya akong kanina pa ako nakatitig hanggang sa maubusan na siya ng customer kaya nagbigay siya ng senyas sa akin na lumapit sa kanya.

Tumingin pa ako sa likuran ko kung ako ba talaga ang sini senyasan niya. "Oo, iha ikaw nga! Dalian mo, bagal bagal mo naman!"

Malay ko ba na ako pala ang tinatawag niya!? Napailing iling nalang ako at lumapit sa kanya. "Oh ano? Magsasabi ka na ba?"

"Oo, bago muna yon bumili ka muna ng mantika. Naubusan na kasi ako." Parang pumutok ugat ko sa ulo ko dahil sa ginawa niya.

Kalma lang self, kalma lang. Hindi naman kasi talaga mainitin ulo ko pero dahil sa Detective na to, umiinit talaga ulo ko!

Love or BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon