Natapos na rin ang paghahanda ng pagkain then bumili na kami ngayon ni Cave ng maiinom. Umiinom ako pero dahil sa nasanay ako ay sobrang taas na ng alcohol tolerance ko. You know, agent things.
Pinili nalang namin ang Alfonso, dalawang bote lang ang binili namin. Sabi ko nga dahil wala ako sa mood na uminom, kahit siya nalang ang umubos. Pagkatapos namin bumili ay siya na pinabitbit ko ng alak. "Talagang sigurado ka rito sa celebration na to, ano?"
Bigla niya namang ipinatong ang kanyang kanang kamay sa ulo ko habang naglalakad kami. Ganito siya dahil mas matangkad siya sa akin! "Bakit? Hindi ka ba masaya na makakasama mo ang poging katulad sa bahay mo?"
Binigyan ko lang siya ng masamang tingin pero tumawa lang ang loko. Tinanggal na niya ang kanyang kamay sa aking ulo at siya na raw ang mag drive. "Kumapit ka sa bewang ko, baka mamaya magulat nalang ako nahulog ka n— sa'kin." Sinapok ko na naman siya.
"Banat ka nang banat, baka mamaya babanatin kita diyan! Dito nalang ako sa motor humawak, ayoko sayo." Pero kahit ganoon ang sinabi ko ay makulit siya. Kinuha niya ang mga kamay ko saka niya ipinatong sa kanyang bewang kaya namula ako lalo na at naramdaman ko ang abs niya. Ang tigas ng katawan niya, halatang palaging nag g-gym.
"Kumapit ka, huwag ka ng maarte." Sinunod ko nalang ang gusto niya at saka niya pinaandar ang motor hanggang sa makauwi na kaming dalawa. Bumaba na ako at dumiretso na kaming dalawa sa loob. Buti nalang talaga at kinulong ko si Timmy kundi ay kanina na naman nagkalat ang pusang ito.
"Oras na para mag celebrate!" Bigla niya nalang inilagay sa mesa ang alak maging lahat nang pagkain na niluto namin pang pulutan. Nagsaing nalang din siya in case raw kasi na kakain ako ng kanin. In fairness, napangiti niya ako nang maisip niya ang bagay na iyon. Kakain naman talaga ako ng kanin dahil wala pa akong kain mula kanina.
Nagsimula nang uminom si Cave habang ako ay kumakain lang muna. Tahimik lang kaming dalawa nung umpisa nang bigla nalang siyang nagsalita. Tinignan ko siya at nakita ko siyang nakatitig sa akin saka nakangiti. "Ikaw lang na mag-isa rito?"
"Yeah, my parents died when I was in high school." Patuloy lang ako sa pagkain at tumingin muli sa kanya. "How about you? Wala ka na rin bang mga magulang?"
"May tatay lang but my Dad doesn't care about me. I'm trying my best to find my mom but I can't find her, ilang taon ko na rin siyang hinahanap." Feeling ko tuloy lasing na to dahil nag drama nalang bigla. Naka limang ahot palang naman siya.
"It seems your Dad is a wealthy man, bakit hindi ka nalang manghingi sa kanya ng condo para may matirhan ka?" Tumawa siya saka uminom at kumain ng pulutan.
Kahit puno pa ang bibig nito ay nagsasalita na agad kaya hindi ko maintindihan pinagsasabi niya. Kaya pinalunok ko muna sa kanya ang kanyang kinakain at nagsalita muli. "Mas pabor kong tumira sa isang lugar na hindi niya alam. Kaya if ever man na malaman niya ang about dito, baka lalayas na rin ako. Pero dahil sayang binayad ko sayo, dapat makaya kong manatili rito ng dalawang buwan."
"Pwede ka namang lumayas tapos ibalik ko sayo pera mo. Walang problema sa akin yon." Kaya ko namang kumita ng malaking pera saka isa pa, malaki na rin yung naipon ko sa bangko kaya hindi ko na need tong pera niya.
"Napakasama talaga ng ugali mo."
"That's a compliment, thank you." Napatawa naman ako when I suddenly heard him scoff. Tinignan ko siya at uminom muli, naka sampung shot na kaagad siya.
Agad niya namang nilagyan ang baso ko saka binigay sa akin. "Panay ka kain, uminom ka naman." Kinuha ko nalang ang ang basong binigay niya saka ininom ito. Tagal na rin nang hindi ako umiinom kaya medyo namiss ko rin ang lasa ng alak.
"So, how old are you, Cave? Gusto ko lang makilala ka habang naandito ka sa puder ko." Tumingin siya sa akin at ganoon din ako sa kanya.
"I'm already in my 20s, ayokong sabihin ang exact age. What about you?"
"I guess we're the same age naman, hindi rin lalagpas sa 26." Tumawa siya at nag shot na naman.
"May bf ka na ba?" Tinaasan ko siya nang kilay sa tanong niyang iyon.
"Wala, problema ang lalaki sa buhay." Tumawa siyang muli at kumain ng pulutan. "I don't need a man in my life, kaya ko ang sarili ko."
Right, isa pa doon galit talaga ako sa mga lalaki dahil ang pumatay sa mga magulang ko ay lalaki rin. Kung pwede nga isa-isahin kong patayin ang mga lalaki para lang makasiguro na napatay ko na ang pumatay kina nanay at tatay ay ginawa ko pero syempre alam ko namang hindi pwedeng mangyari yun. At saka napaka imposible nun.
Umabot kaming dalawa ni Cave ng alad dose ng madaling araw sa kakainom. Kita ko naman sa kanya na lasing na lasing na ang loko kaya napairap ako, naka ilang shot na rin kasi siya kanina. Pakiramdam ko tuloy ay malaki ang problema ng lalaking ito kaya nag aya ng inuman.
"Tama ka na, Cave. Matulog ka na." Nilinis ko na ang kalat namin habang siya ay nakahiga na sa couch. Pagkatapos kong linisin ang mga kalat ay naisip ko nalang na patulugin siya sa kwarto ko dahil kung dito siya matutulog ay baka kung ano pa ang mangyari sa kanya.
Niligpit ko muna ang loob at saka tinago lahat ng mga mahahalagang gamit ko at isinilid sa mga drawers ko sabay lock. Nang matapos na ako ay agad ko na siyang inalalayan papunta sa aking kwarto at napakabigat niya!
"Ang bigat mo naman!" reklamo ko habang inalalayan parin siya papunta sa aking kama at nang maihiga ko siya doon ay napabuntong hininga nalang ako.
Tinignan ko siya nang mabuti, nakapikit na ang kanyang mga mata at halatang tulog na siya. Ngayon ko lang napansin na mahaba pala ang mga pilikmata niya at sobrang tangos ng kanyang ilong. Mapula at manipis ang kanyang mga labi. "Gwapo nga naman talaga," bulong ko sa aking sarili.
Akmang aalis na sana ako para matulog na sa couch nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. "Don't leave. Dito ka lang."
Tumaas ang kilay ko doon. "I need to sleep, Cave."
"Then sleep with me."
"Lasing ka lang."
"No, I'm not." Napatahimik lang ako sa sagutan naming dalawa. "Don't try leaving me here, Shul." Hinigpitan niya ang kanyang pagkakahawak sa aking kamay kaya wala akong magawa kundi ang bumuntong hininga at umupo nalang sa tabi niya. Aalis nalang siguro kapag nakatulog na ang lalaking ito.
Maya-maya naman ay bigla nalang niyang niyakap ang aking katawan at siniksik ang kanyang mukha sa aking likod kaya namumula akong napatingin sa kanya. "Dito ka lang."
Kita ko ang pagtulo ng isang luha sa kanyang isang mata kaya hinayaan ko siya sa kanyang ginagawa. Siguro ay nangungulila lang tong si Cave sa isang tao, siguro nangungulila siya sa kanyang pamilya? sa kanyang mga magulang.
I comb his hair with my fingers and speaks. " Alright, dito lang ako." I saw him smile a bit kaya napangiti ako. Parang bata palang ito si Cave kapag lasing.
BINABASA MO ANG
Love or Blood
RomanceKaya mo bang pigilan ang iyong damdamin para masunod ang plano mong patayin ang lalaking pumatay sa magulang mo o hahayaang kontrolin ka ng iyong puso? Alin nga ba ang mananaig? Ang utak o ang puso? Kahit alin sa kanila ang ating pipiliin, isa pa r...