Chico and Ryu

0 0 0
                                    

Natapos na rin ang lahat ng ginagawa niya kaya napatingin na siya sa akin habang ako naman ay nag aantay lang na magsalita siya. "Sila ba ang nag utos sayo? Yung mga magulang ng bata?" Tumango ako bilang sagot.

"Yes, nanghingi na sila ng tulong sa inyo, right? Bakit po ba kayo naghinto sa paghahanap ng anak nila? Uhm, may other sources po ba kayo na which could lead me to find that baby?"

"Wala, tago lahat ng documents niya but one thing for sure nung hinire nila ako personally ay nalaman ko na possible sindikato ang kumuha sa batang iyan. Mahirap kuhanan ng datos, tagong tago ang identity niya after niya mawala. Kaya ayaw ko sabihin sa iyo dahil ayaw ko namang magsayang ng oras kakahanap diyan. Ilang taon na ang kasong iyan, wala pa ring nakakahanap sa kanya."

Loko rin to e. Ayaw daw sabihin para hindi masayang oras ko e nagsayang lang pala ako ng oras kakagawa ng paraan para makausap ko siya para lang sabihin niya sa akin na wala siyang source na nakuha!? "Alam mo Detective Rom, sayo ako nagsayang ng oras. Wala ka rin palang mabibigay sa akin magandang clue para sa kaso ko."

Padabog akong umalis sa harapan niya pero bago pa man ako tuluyang maka alis sa kanya ay nagsalita siya. May binanggit siyang pangalan dahilan para mapatingin ako sa kanya. Magsasalita rin sana akong muli pero may dumating na bagong customer kaya umalis nalang ako at pinabayaan siya.

Nakauwi na ako sa bahay at pagkarating ko ay nakita ko na naman ang dalawang unggoy na talagang naghintay sa akin sa labas. "Saglit, bubuksan ko lang."

"Ang sungit mo naman, totoo nga na mag iingat kami sayo. Napakasama ng ugali mo e." Inayos ko ang aking salamin bago ko buksan ang pintuan. Hindi na ako nagsalita pa at hinayaan sila na umupo sa couch.

Nang makapag bihis ako ay agad akong pumunta sa kanila at inalis ang mga make ups. "Oh, ano sasabihin niyo? Makikinig ako."

Nauna nang magsalita si Chico at inexplain sa akin ng maayos ang lahat tungkol sa misyon nila. Nakikinig lang ako habang nagsasalita sila at inaalis ang make ups. "So, you are saying na ang Ice Tigers ang pinaka malaking grupo sa bansang Pilipinas kung saan sila ang dahilan ng pagtaas ng crime rates dito? Kung ganoon, sila pala ang dahilan ng mga bali-balita na mga nawawalang bata at pinapadala ang organs nila sa ibang bansa?"

"Yes, ayan nga."

"Oh tapos? Paano yung misyon ko? Cancel na raw ba?"

"Tungkol diyan, kaka receive lang namin ng text ni Sir Lazaro. Ang sabi ng mag asawa ay hindi raw sila papayag. Lahat na raw kasi sumuko at ikaw na ang last shot nila para rito," sagot sa akin ni Chico. Siya kasu ang kausap ko.

Nang matapos akong tanggalin ang make ups ko ay huminga ako ng malalim at bumuga. Hindi naman lalayo pala talaga ang misyon ko sa misyon nila. Buti nalang pala at nasabi sa akin ni Detective Rom ang Ice Tigers.

"Alright, papayag na ako. Tayong tatlo lang ba?" Tumango sila sa akin.

"Yes, for main investigation but we have a lot of staff and people helping us. Sa ngayon, ang tanging hahanapin muna natin ay ang location nila. Ang boss kasi nila ay walang permanentang tahanan, unlike sa iba na nagtatago as business man but this guy, kung saan saan nalang siya napapadpad," si Ryu naman ang sumagot.

Tumango tango ako at pinakita sa akin ang boss na tinutukoy nila. Takip ang mukha nito pero malaki ang katawan. Ayon sa picture ay mukhang nasa 50s na ang Mafia Boss na ito pero halatang malakas at hindi basta-basta. Kung makakalaban namin to paniguradong yupi kaming tatlo.

"Alright, location and his identity, tama ba?" Tumango silang dalawa. "Hindi muna ako aalis as a student dahil ang tatay ni Marie ay isa sa witness. Baka kilala niya rin ang lalaking ito or kahit dating location man lang nila." Tumango si Chico.

"Sure, maghahanap nalang din kami sa iba ng clues. Everyday kaming dadaan dito to give you reports and maybe para sunduin ka." Tumango ako nang si Ryu na ang nagsalita.

Tinititigan ko lang ang kambal at tunay nga namang napaka gwapo nila. Mapuputi at parehas mahahaba ang kanilang buhok. Si Chico nga lang ang naka mini bun habang si Ryu ay hindi naka ipit. Both of them were good in terms of clothes. Alam na alam nila kung ano ang babagay sa kanila. They look so expensive and elegant which is nakakadagdag sa kagwapuhan nila.

"Hmm, okay. If may pupuntahan tayo just call me." At binigay ko na nga sa kanila ang number ko.

"Okay, i save nalang namin ito," saad ni Ryu.

Tumango ako ngumiti nang kaunti. Bago pa man sila tumayo para umalis ay tumingin muna si Chico sa akin. "Oo nga pala, may pupuntahan kami ngayon. Gusto mo bang sumama? For a mini investigation tungkol sa isang place na possible na pinupuntahan ng mga members niya."

Wala namang problema sa akin since wala rin naman akong gagawin sa bahay. "Alright, bibihis lang ako."

After ng ilang minuto ay lumabas na kami ng bahay ay ni lock ang pinto. Naka motor pala ang dalawa at nag iisip kung saan ba ako aangkas. "Dito ka na umangkas." Wala akong magawa kundi ang umupo sa likuran ni Chico. Nakaayos na ang helmet at nagsimula na ngang paandarin ang kay Ryu.

"Gusto mo bang mamatay?" Hindi kasi ako nakahawak sa kahit saan.

"Ayos lang, hindi ako malalaglag." Agad niyang kinuha ang kamay ko saka niya ipinatong sa kanyang tiyan. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Kagay ni Cave ay matigas din ang pangangatawan niya na halatang palaging nag g-gym. Ramdam na ramdam mo ang abs niya.

"Ayokong mapagalitan ako ni sir Lazaro. Alaga ka pa naman nun." At sinimulan na nga niyang paandarin ang motor niya at malakas niyang pinaandar ito nang makarating kami sa highway. Talaga naman! May mas lalakas pa palang magpaandar ng motor kesa kay Cave! Teka, ba't ba ako Cave nang Cave!?

Love or BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon