Informant

2 1 0
                                    

Napag usapan na namin ni kweba yung tungkol sa rules and regulations sa bahay. Tinanong ko rin siya kung ano ang mga araw na naandito siya at wala siya pero ang sabi sa akin ay depende raw. Pero, matic na naandito siya during weekends.

"Okay na ba? Lahat ng rules mo?" Tumango ako bilang sagot.

"Aalis ka ba ngayon?" Umiling siya. "Kung ganoon ikaw lang mag-isa rito sa bahay?"

"Aalis ka ba?"

"Ay hindi."

"Seryosong nagtatanong e."

"Natural, kaya nga sabi ko ikaw lang mag-isa sa bahay e. Common sense naman." Agad niyang hinawakan ang leeg ko sa likod kaya nakiliti ako. Agad ko siyang sinipa at natamaan ang paa niya pero tinatawanan lang ako ng loko, bw*sit talaga. Ang tanda na pero parang high school kung kumilos.

"Kidding aside, let us celebrate tomorrow kung hindi ka na busy." Ano naman kaya ang i c-celebrate naming dalawa? "Sure naman ako na naandito ako, ikaw, pwede naman mamayang gabi. Ipagluluto kita ng pagkain."

Kung maaga ko rin matapos ang misyon ko mamaya, baka pwede. "I'll text you if makakauwi ako ng maaga." Agad niyang binigay sa akin ang kanyang phone.

"Get my number." Kinuha ko nalang ang phone niya at binigay ko rin sa kanya ang phone ko saka kami nagpalitan ng number. "Umuwi ka ng maaga, honey." I rolled my eyes and slammed the door pagkalabas ko. Honey my ass. Dinig ko pa na tumawa ang g*go. Halatang sanay mang asar e!

.....

Nasa headquarters na ako ngayon, sa office ni Sir Lazaro. Siya ang boss ko at ang nag recruit sa akin na sumali sa organization nila. Nag p-phone lang ako nang bigla siyang lumitaw sa harapan ko kaya agad din akong tumayo at tinago ang phone sa aking bulsa.

"Ang aga mo naman, Shul. Usually, lagi kang late pagdating sa meeting or kapag tinatawag kita." Napakamot nalang ako sa aking ulo at inayos muli ang aking salamin sa mata.

"Ano po na ang bago kong misyon?" Umupo siya saka may kinuha siya sa kanyang drawer.

"Oh eto, medyo mahirap hirap pero alam kong kaya mo ito. Magaling ka pagdating sa paghahanap ng mga impormasyon ng mga tao, hindi ba? Isang bilyonaryo ang customer mo babayaran ka ng malaki sa oras na mahanap mo ang nawawala niyang anak."

Tinignan ko ang mga dokumento at gulat ako na wala itong laman liban sa picture ng bagong silang na sanggol. Tumawa ako habang nakatingin kay sir Lazaro. "Sir? Ito lang ang dokumento? Napaka labo po ata na mahanap ko anak nila na ito lang ang dala ko? May posibilidad pero matatagalan po ako rito, hindi ito madali."

"Walang problema sa customer yan basta raw mahanap mo ang anak nila. Nung una nga ayaw ko sanang tanggapin pero nagpupumilit sila. Babayaran ka nila ng tatlong bilyong piso at madadagdagan pa sa oras na ma kumpleto mo ang misyon. Lahat ng kakailanganin mo ay i p-provide nila kung kailangan mo pa ng tulong."

Napatingin muli ako sa papel at napasampal ako sa aking noo. "Mahaba-habang trabaho po ito sir pero sige, gagawin ko ang makakaya ko." Ngumiti si sir Lazaro saka may binigay siya sa aking calling card.

"Ito ang number ng customer mo, baka may mahanap kang clues kung sakaling makausap mo sila sa personal. Ikaw na bahala diyan, alam kong magaling. Isa ka sa pinakamagaling na agent dito sa organization natin. I trust you, Shul." Tinapik tapik niya ang aking braso at saka ko naman hinigpitan ang paghawak ng folder na may lamang picture ng bata.

"May magagawa pa po ba ako?" Tumawa lang siya.

"By the way, kamusta na ang paghahanap mo ng clues about sa pagkamatay ng mga magulang mo?"

"Wala pa po, nahihirapan akong u track sila lalo na at matagal nang nangyari yun. Wala akong mahanap." Ngumiti lang siya sa akin.

"E sa lugar na sinasabi ko sayo? Hindi mo pa na napupuntahan? Marami siyang alam na mga impormasyon pagdating tungkol sa mga sindikato or kung ano man. Ayon nga lang kailangan mong magbayad ng malaki but I can assure you naman na credible ang mga sources niya. Most of our agents here sa kanya kumukuha ng mga information. You can trust that guy."

Tumango ako bilang sagot at ngumiti. "Sige po, pupunta ako roon ngayon. Maaga pa naman."

"Mag iingat ka."

Pagkatapos ng pag-uusap namin ni sir Lazaro ay agad akong tumungo sa motor ko at nagmaneho na. Binigay niya sa akin ang address ng informant na yun at sinundan ko lang sa G-map ang address. Naka pin location na rin ito.

Nang marating ko ang lugar ay napahinto ako dahil kilala ang lugar na ito sa pinaka delikadong lugar. Hindi ko akalain na mapupunta ulit ako rito. Halos mam*tay ako rito dahil sa mga t*rantadong mga tao. Dito kasi naka destino noon ang una kong misyon.

Naka park nalang ang aking motor sa isang malapit na store at ni lock ito ng kadena. Pinayagan naman ako ng may-ari of course kapalit ng pera, ayaw ko rin namang iwan ang motor ko rito na walang lock or kung ano.

Habang naglalakad ay siya namang pagtingin sa akin ng mga taong naririto pero dedma lang ako. Wala akong balak na makipag away sa kanila dahil ayaw ko rin namang sayangin ang oras at lakas ko sa kanila kaso nakn*mputcha may dalawang lalaki agad ang humarang sa aking harapan.

"Are you lost baby girl?" T*ngina, mukhang dito palang makakapatay na agad ako.

"Huwag mo namang takutin pre, baka mamaya iiyak yan." I just rolled my eyes at umalis na sa harap nila pero iyong isang lalaki ay bigla nalang hinawakan ang kamay ko kaya agad ko siyang sinuntok sa mukha kaya nagdugo ang ilong nito.

"Huwag mo akong hahawakan dahil hindi kita pinahihintulutan."

"Aba'y g*go kang babae ka ah!" Agad niya akong sinugod at balak na suntukin pero sinipa ko siya sa kanyang leeg dahilan ng pagtumba niya. Matapos nun ay isa isa namang nagsidatingan ang mga lalaking kasama niya at pinagtulungan ako.

Isa isa ko rin silang inaatake habang dini depensahan ang aking sarili sa kanila pero habang tumatagal ay dumadami sila. Sh*t, papagurin ata nila ako rito! May isang biglang may dalang kutsilyo kaya agad akong umiwas at kinuha ang kanyang kamay para kuhanin ang kutsilyo na hawak niya saka ito sinaksak sa kanyang tuhod para mapaiyak siya sa sakit.

Dumadami muli ang kalaban pero patuloy lang ako sa pakikipag laban sa kanila pero pakiramdam ko ay hindi sila nauubusan. Isa, dalawa, sampu, labing tatlo na ang natumba ko pero dumadami pa rin sila! Sh*t, kailangan ko ng tumakas dito dahil pakiramdam ko ay sobrang dami talaga nila.

"Hoy! Umalis kayo diyan t*ngina niyo ha, isang sigaw lang!"

Napatingin ako sa aking kanang bahagi at ganoon din ang mga lalaking nakikipag away sa akin. Binigyan nila ng daan ang lalaking may hikaw sa isang tenga at may hawak na sigarilyo. Nakatingin siya sa akin mula ulo hanggang paa. Inayos ko ang aking salamin para tignan siya ng maigi. Maganda ang katawan at gwapo.

"Hoy babae, halika rito, sumama ka." Agad siyang tumingin sa mga lalaking nasa paligid. "Kapag pumunta ang babaeng to sa lugar ko, huwag niyong gagalawin mga p*tarages kayo! Babae pinapatulan niyo!"

Napahanga ako sa tapang niya. Paano niya napapasunod ang lahat ng naandito? Siya ba ang boss sa lugar na ito?

Love or BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon