Agad ko siyang pinapasok sa bahay nang matapos naming iligaw ang apat na kalalakihan na hinahabol siya. Ghad, sana lang talaga hindi nila kami nasundan papunta rito kundi ay baka m*patay ko tong lalaking niligtas ko lang ngayon!
"Maupo ka sa couch, gamutin natin yang sugat mo. Huwag kang magkakamaling gumawa ng mali, ha? No touching just seeing!" Binantaan ko talaga siya dahil baka mamaya e magnaka, nako talaga p*tol sa akin yang kamay niya.
"Don't worry, I am not a thief."
Hindi na ako nag reply at tumungo nalang papunta sa kung saan ko inilagay ang firsy aid kit. Matapos nito ay ginamot ko na agad ang braso niya. Habang ginagamutan ko siya ay napansin kong nakatitig siya sa akin kaya agad akong tumingin sa kanya.
"What?"
"Nothing, you had the same glasses with the woman I met. Baka kambal mo yun?"
"Dummy, wala akong kambal. Umayos ka, inaasikaso ko pa braso mo. Buti nalang nagasgasan lang ng bala to kaya hindi siya malala." Patuloy lang ako sa paggamot sa kanya.
"Thank you for letting me in here and for saving me. How can I repay you anyway?" Sinamaan ko siya ng tingin dahil tanda ko pa rin yung mga pang aaway niya sa akin kanina. Look at him now, nagpapamot na sa stalker niya raw kuno.
"Bayaran mo lang gas ko, okay na yon kung wala ka namang pera pwede namang hindi—" bago ko pa man ituloy ang aking sasabihin ay bigla nalang siyang naglapag ng sampung libong piso na siyang dahilan nang paglaki ng mga mata ko.
"Take it, keep the change. Again, salamat sa tulong alis na ako."
"H-ha? Aalis ka na agad? Yun na yon?" Kumunot ang kanyang noo at humarap sa akin. Kung kumilos ang lalaking ito akala mo hindi natamaan ng bala e.
"Why? May dapat pa ba akong gawin dito? Or gusto mong may gagawin tayo rito, miss?" Ngumisi siya dahilan para mainis ako ng tuluyan sa kanya. Bw*sit. Agad ko siyang tinulak papunta sa pintuan. "Hoy, teka lang! Dahan-dahan kita mong mag sugat ako!"
"Wala akong paki alam, lumayas ka sa bahay ko!" Agad ko siyang ni lock ng pintuan nang tuluyan na siyang makalabas. Kinuha ko rin ang sampung libo, kumuha ako ng isang libo at tinapon sa labas ang kanyang natitirang pera. "Akin na tong isang libo, pang gas."
Narinig ko naman siyang nag reklamo at kung ano ano pa tungkol sa akin. E kung sip*in ko kaya to sa panga para manahimik, nakakairita siya e.
Matapos ang ilang minuto ay nakapag linis na naman ulit ako at nagluto ng mabilis lution na pagkain. Nasa sala lang ako at busy kakanood ng palabas sa TV. Nakalamutan ko, dapat pala ipapaliwanag ko siya tungkol sa nangyari kaso ang ending pala ay pinalayas ko lang siya matapos ko siyang gamutin.
"De bali na nga, hindi ko naman ata siya makikita na."
Bigla akong napatayo nang may maramdaman akong kakaibang sensasyon sa likuran ko. Nakita ko ang lalaki na patakbo papunta rito sa bahay habang pawis na pawis. Agad niyang binuksan ang pintuan at huminga ng maluwag. Sh*t, I forgot to close the door!
"Hoy, anong ginagawa mo rito!?" Agad niya akong pinatahimik at nagtago. Ako naman ay tumingin sa labas at nakita ang maraming kalalakihan na parang may mga hinahanap. Siguro ay hinahanap nila ang lalaking ito. Bw*set, dinala niya rito ang mga yun sa bahay ko!? T*ngina naman talaga, pahihirapan niya pa buhay ko.
Buti nalang ay nakatakip ang motor ko ng pantakip kaya hindi nila makikita ang plate number. Nanatili lang nakatago ang lalaki habang ako ay nagkukunwaring may inaasikaso malapit sa bintana. Naramdaman ko ng pinagmamasdan nila ako kaya mas pinag igihan ko ang sarili na talagang may ginagawa hanggang sa tuluyan na silang umalis. Pero kahit na ganoon, ramdam ko pa rin na may dalawang taong nagmamasid sa bahay ko.
Agad akong tumungo sa kung nasaan nagtatago ang lalaki at nagkunwaring may nalaglag sa ibaba. "Huwag ka munang lumabas, may mga nagmamasid pa. Sabihan kita kung kailan ka na pwede lumabas." Tumango naman siya at bumuntong hininga ako.
Jusko, tumulong lang naman ako pero bakit pakiramdam ko e gugulo na buhay ko simula ngayon?
Matapos ang ilang oras ay sa wakas wala na talagang taong nagmamasid sa bahay ko. Pakiramdam ko rin ay natanggalan ako ng tinik sa aking puso. Nung may nagmamasid kasi pakiramdam ko ay may aatake sa amin sa oras na lalabas tong lalaking ito e.
"Wala na sila, lumabas ka na." Agad naman siyang lumabas nang sabihin ko iyon pero agad ko ring hinampas ng baseball bat ang kanyang braso kaya napaiyak siya sa sakit.
"Ano yan!?"
"Natural! Sa panggugulo mo sa buhay ko, lakas mo rin talaga matapos kang habulin ng mga yon didiretso ka sa bahay ko akala mo close tayong dalawa!"
"Tinulungan mo naman ako, kasalanan mo yun." Ay, wow? Kasalanan na pala ang tumulong ngayon? Kung hindi ko rin naman kasi siya tulungan ay malamang sa malamang, dawit ako sa kag*gahan niya!
"Bw*set ka." Ngumisi siya at tumawa ng bahagya habang nakatingin sa akin. Akala mo talaga nakakatuwa e.
"Anyway, thank you ulit. Don't worry, ibabalik ko rin lahat nang tinulong mo sa akin ngayon. And since alam ko namang tutulungan mo ako, baka pwedeng mag stay muna ako rito ng isang gabi? Babayaran nalang kita." Pinakita ko ulit sa kanya ang baseball bat at handa sana siyang ipalo. "Easy ka lang, bakit ba namamalo ka kaagad!?"
"Tanungin mo sarili mo, Mr!"
"It's Cave miss." Tinaasan ko siya ng kilay.
"Paki alam ko, kweba."
"Paki alam ko rin sa'yo apat na mata."
"Ah, edi lumayas ka na sa bahay ko!"
"Biro lang!"
Matapos ang asaran naming dalawa ay pina upo ko na siya sa upuan at naghanda ng makakain. Hindi ko na siya pina trabaho pa kahit gusto niya kanina, inaalala ko kasi ang sugat niya. Ako lang ata ang taong nag aalaga ng taong hindi niya kilala at ngayon lang nakilala.
"Bakit ka ba hinahabol ng mga iyon?"
Napatingin muna siya sa akin at bumuntong hininga. "May utang ako sa kanila kaya nila ako hinahabol."
Utang? Napaka labo naman, ganyan ba kalaki ang utang niya para habulin siya ng mga taong mukhang mga sindikato?
"Anong utang?" Napatahimik siya nung una at seryosong nakatingin sa akin.
"Buhay."
BINABASA MO ANG
Love or Blood
RomanceKaya mo bang pigilan ang iyong damdamin para masunod ang plano mong patayin ang lalaking pumatay sa magulang mo o hahayaang kontrolin ka ng iyong puso? Alin nga ba ang mananaig? Ang utak o ang puso? Kahit alin sa kanila ang ating pipiliin, isa pa r...