Bagong Misyon

0 0 0
                                    

Paano niya kaya nasabing ako to? Tanga ko, dapat pala hindi ako sumang ayon na kilala niya ako. Minsan talaga tong utak ko nagbabakasyon nalang e. "Parang nung nakaraan hindi ka naman nakasuot ng mask?"

I rolled my eyes. "Ikaw din naman."

"Just fvcking fight him, will you!? Don't let give him time, S.L.!" bigla namang sumigaw si Sheila dahilan para parehas kaming napatingin sa kanya.

"S.L. huh? So that's your nickname or something?" Before I could defend his attack nasugatan na ako sa aking braso dahilan para mapadaing ako sa sakit.

Kaagad ko ring dinepensahan ang aking sarili sa kanyang sunod sunod na pag atake at binigyan din siya ng sugat sa kanyang braso. "Kapal ng mukha mo para sugatan ang katawan ko, hindi naman tayo close!" sigaw ko at umatakeng muli.

Hindi rin siya nagpatalo dahil sunod sunod din ang kanyang pagdepensa sa sunod sunod kong pag atake sa kanya. "Not bad, Esel." He said what!? Esel!? "Wait, hindi ba't may salamin ka? Nawala ata?"

Yung mask ko ay naka disenyo rin ito para sa aking mata kaya kahit wala akong salamin ay nakakakita pa rin ako ng maayos. "Wala kang paki alam doon. Chismoso ka." Kaagad ko siyang binigyan ng malakas na sipa sa kanyang likod dahilan para muntikan siyang matumba at sunod muli akong umatake gamit ang aking punyal sa kanyang braso sana muli pero nakaiwas kaagad siya.

"I see, masyadong pangit kung mismong letter ang gagamitin natin sa pagtawag sa'yo. Ayos naman sayo ang Esel, hindi ba?" Ang baduy niya magbigay ng nickname, kasing baduy niya!

"Ngayon lang ata ako nakakita ng kalaban na may gana pang makipag chikahan sa kalaban niya?" Ngumisi ako saka agad na umatake sa kanya para sana gil*tan siya pero nagawa niya itong depensahan gamit din ang hawak niyang punyal.

Agad niyang inilapit ang kanyang mukha sa akin kaya nagtitigan na kaming dalawa. Kita ko sa kanyang mga mata na napangisi ito at nagsalita. "I love your eyes, sweetie especially if it is staring at me." Agad kong itinaas ang aking paa para sipain muli siya pero nahawakan niya ito at agad akong tinapon palayo.

Mabuti nalang at naibalanse ko ang aking katawan kaya hindi ako nagasgasan or natamo ng anumang sugat sa aking katawan. Sakto namang narinig namin ang tunog ng sasakyan ng mga pulis hudyat na palapit na sila sa amin. "Bw*set, nakarating agad."

Narinig ko siyang tumawa saka inilagay ang kanyang punyal sa kanyang tagiliran. "It's my win in this fight, sweetie. Paano ba yan? Nagawa kita itapon pero hindi mo man lang nagawa sa akin pabalik iyon. Until next time, kabilang ka pala sa organisasyon na pinapatumba ng boss ko. Harang kasi kayo sa mga plano namin. Mukhang magkikita na naman tayo, sana masilayan ko muli ang iyong mga mata."

Siraulo ba siya? Halatang nananadya na asarin ako e. Gustohin ko man siyang sundan nang makita ko siyang tumalikod na at tumakbo palayo sa amin. Kinuyom ko ang aking kamao at sumigaw. "Malandi!"

Matapos ang ilang minuto ay nagawa kong kargahin si Sheila papunta sa headquarters. Ang bigat bigat pa naman ng babaeng ito, nakakaloka. Siya na nga rin itong niligtas siya pa itong nagrereklamo na kesyo pinakawalan ko raw ang kalaban.

"Manahimik ka nga diyan Sheila, halos mamatay matay ka nga dahil sa lalaking yon."

Nakita ko siyang napasinghap at ipinatong ang kanyang kamay sa kanyang bewang. "For your information, halos isang oras kaming naglaban niyan! Kaya ka nga pinadala e para tulungan akong matalo iyon!"

"Pardon? May ginawa ka ba nung nandoon na ako? Nakaupo ka nga lang sa sahig, kung hindi kita buhatin hindi ka pa makapunta sa headquarters para pagalingin ka."

Kita ko ng nakakuyom na ang kanyang mga kamay at umaapoy ang kanyang mga matang nakatingin sa akin. Nais na niya akong saktan pero hindi niya magawa dahil kahit siya alam niyang mas malakas talaga ako sa kanya kung sakaling makikipag away siya sa akin. Dinilaan ko lang siya para mas lalo pa siyang asarin kaya hindi na niya kinaya. Nag alburoto na siya sa galit kaya napatawa ako at umalis na sa kwartong iyon. Sakit sa tenga yang bibig niya.

Sinuot ko na ang aking salamin na bigay ni Allan. Nabasag kasi ang kaninang dala ko kaya nagpagawa ulit ako sa kanya. Papunta na ako sa office ni Boss dahil pinapatawag niya nga ako. Siguro dahil na rin sa kilala ko ang lalaking iyon. Malay ko ba na may misyon din palang pinapagawa si Boss na pigila ang grupo nila sa kung ano man yon.

Nang makarating ako sa kanyang office ay bumungad sa akin ang dalawa pang kalalakihan na siya namang kausap ni Boss. "Shul, naandito ka na pala. Ipapakilala ko sa iyo ang dalawang ito, baguhan lang sila. Meet Chico and Ryu. Sila ang makakasama mo sa isang misyon."

Napakurap naman ako sa aking narinig at nakatitig kay Boss. "P-po? Isa panh misyon? Ano naman iyon?"

"Ang misyon an binigay ko kay Sheila. Hindi ko naman akalain na isang malaking grupo pala ang makakalaban niya, muntikan pa tuloy siyang mamatay. Isa itong mahalagang misyon, Shul. Alam ko na kaya mo ito dahil isa ka sa pinaka malakas kong mga tauhan. Ipinadala ang dalawang ito galing sa international agency para kalabanin ang grupong iyon. Ang grupo ng isang malaking mafia organization kung saan sila ang may pinaka malalang kaso na mga human traficking, transaction ng mga illegal drugs, at iba pa. Ngayon, naandito sila para manghingi ng tulong sa atin upang mahuli ang boss ng organisasyon na ito."

"T-teka lang boss, isang mafia organization? May isa pa akong misyon, hindi naman ata ako robot, hindi ba?"

"This mission could help you find the people who killed your parents, Shul." Napakuyom ako ng aking mga kamao saka huminga ng malalim.

"Alam ko, Boss. Pero, hindi naman ata tama to. T*nginang yan, puro nalang excuse niyo na baka dito ko makilala ang pum*tay sa mga magulang ko. Kaya ko naman po e, pero hindi ako robot. Marami pang mga tao mo diyan na mas malakas sa akin at kasing lakas ko rin. Ngayon, kung gusto mo talaga akong pumasok sa misyon na iyan, kailangan kong tanggihan ang customer na binigay mo sa akin pero alam mong nakakahiya iyon sa agency natin."

Bumuntong hininga ako at nagsalitang muli. "Ikaw ang mamili, Boss. Pasensiya na sa asal ko ngayon, nakakasabog na kasi ng ulo ang ginagawa niyo. Tao ako, hindi ako robot para makayanan nang sabay-sabay ang lahat ng pinapagawa niyo."

Matapos kong sabihin iyon ay kaagad akong tumalikod at sinara ang pintuan. Iniwan ko sila doon kahit hindi ko pa man binati ang dalawang bisita niya. Misyon? Halos wala na ngang pahinga ang tao aabusuhin pa ang kakayahan mo. Pahingahin niyo naman ako, t*nginang yan.

Love or BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon