"I dare you, Mr." My eyes widened when he really did it! He kissed me right in front of the crowd, what the fvck! However, pakiramdam ko ay naka stuck ako.
Pang sayawan ang tugtugan but when he kissed my lips everything just slowed down...tunog ng paghalik niya sa aking labi ang tanging naririnig ko habang ang mga mata niya's nakapikit pa rin. N-no. No. No.
I slapped his face causing him to stop, his eyes were still closing hanggang sa unti-unti niya na rin itong binuksan at tumawa. Muling bumalik sa normal ang aking paligid nang marinig ko ang boses niyang tumatawa habang hawak hawak ang kanyang panga.
"Do it again, Mr. I won't hesitate to kill you even though I am alone."
"That is why I can say that you are different from other women. Ang bilis ko naman kasi talaga makuha ang kagustuhan nila, if katulad ka sa iba, tinanggap mo na siguro iyon." I scoffed when he said that.
"Well, I am sorry. I am not like other women lile you stated, Mr."
"It is Kiv." Tumaas ang kilay ko sa sinabi niyang iyon. "It's my name, dummy."
"I didn't ask to know your name, dimwit." And after that, tinalikuran ko siya at mabilis na umalis sa lugar kung nasaan siya hanggang sa may nakabungguan ako. Nakatalikod siya kaya hindi ko siya makita.
"God, we thought you're gone, Shul," biglaang sambit ni Chico na agad ko namang tinakpan ang kanyang bibig.
"Shh, is he still following me?" Napatingin si Chico sa aking likuran. Napabuntong hininga naman ako nang marinig ko ang boses niya. Umikot ako para harapin siya. I saw him smirking looking at Chico na nakatayo sa aking likuran.
"Is that your boyfriend?" Nanatiling nakatayo si Kiv habang nakatitig pa rin kay Chico. Naramdaman ko namang bigla akong inakbayan ni Chico na siyang dahilan ng pagtingin ko sa kanya.
"And what if I am?" Ay wow, galing din talaga ng mga lalaki para angkinin nalang ako nang hindi ko alam, ano? But I let him. I get it naman kung bakit sinabi ni Chico yan. He saw his blue Tiger's fang tattoo indicating na kasama sa Ice Tigers ito.
"Nothing man, we're just enjoying the night. Right, baby?" Tarantado to, sinabi na nga ni Chico na gf niya ako pero nagawa pa rin niyang landiin ako. "But anyway, alam ko namang imposible na gf mo ang babaeng iyan. Sa tapang ba naman sino bang makapal ang mukha na patulan siya?"
Ay nang insulto pa talaga!
Gustuhin ko man siyang batuhin kung ano man ay pinigilan ko. Ayokong magsimula ng gulo rito dahil sa lalaking ito. Halata namang gusto niya akong i provoke— kami. Dahil nga sa kilala na niya ako ay hindi na rin kami makatago, halatang alam niya na rin nasa iisang ahensiya kami which is nakaka delikado para sa aming tatlo na manatili pa rito.
"The time is ticking, I'll let you three get away from here in count of ten," pagbabanta niya. Napakuyom ako sa inis. Hindi ko pa naman dala ang armas ko, katangahan ko na naman.
"Let's go. Let him be," bulong ko na agad namang sinunod ng dalawa. Nanatiling nakangisi si Kiv habang nakatingin sa akin. "I'll let the two get away but not you, Esel. We still have a fight to continue right?"
"Run!" sigaw ni Chico saka hinawakan ang kamay ko habang tumatakbo. Kita ko namang inutusan ni Kiv ang kanyang mga tauhan para sundan kami. I gritted my teeth as we run as fast as we can. Nakalusot kami papunta sa likod ng bar at tumakbo kung nasaan man naka park ang motor nilang dalawa.
Nakarating naman kami at nakapag start na ng engine si Ryu pero bigla nalang nagpa ulan ng bala ang mga tauhan nu Kiv at natamaan nito ang braso ni Chico. Kaagad siyang humugot ng baril at sinimulan silang barilin kaya nagpanic na rin ang ibang mga tao na malapit sa bar.
Hinugot ko sa bulsa ni Chico ang kanyang susi saka pinaandar ang motor habang kina cover niya ako at ganoon din si Ryu. "Sakay na!" Nang mapaandar ko ang motor ay nakita ko si Kiv na naglalakad palapit sa amin saka tinutok ang baril at pumutok. Kaagad kong kinuha ang kamay ni Chico saka tinutok din sa kanya at nagtama ang dalawang bala.
Ngumisi akong nakatingin sa kanya hanggang sa nakasakay na si Chico at umalis na kaming tatlo. Bago pa man ako tuluyang maka alis sa kanyang paningin ay nakita ko pa sa side mirror kung gaano kagalit si Kiv sa pangyayari dahil nakatakas kami.
"Sana hindi ko na siya makita, bw*set siya," bulong ko at binilisan pa ang pag andar sa motor.
Huminto kami sa 7/11 at dito ko sa labas ginamot ang sugat ni Chico. Chineck na rin ni Ryu parehas ang motor kung may something baka naka dikit na parang tracking device or kung ano man. Gladly, wala siyang nakita kahit sobrang liit pa nito.
Nang matapos kong gamutin si Chico ay umupo na ako sa tabi niya at huminga ng maluwag. "Tarantado talaga yon."
"Kilala mo ba ang lalaking iyon?" Napatingin ako kay Ryu na ngayon ay naglalakad palapit sa kanyang kapatid at umupo sa tabi ni Chico.
"Yeah, hindi ko naman akalain na parte pala siya ng Ice Tigers," sagot ko sa kanya at tumingin sa langit. Gabi na rin pero hindi pa naman sobrang late. Naisip namin na magpahinga muna rito.
Nakita ko naman si Ryu na tumayo ulit at pumasok sa 7/11. Nanahimik lang kami parehas ni Chico rito hanggang sa makabalik si Ryu na may dala-dalang drinks at hotdog sandwich. "Here, alam ko namang mga pagod kayo. It's my treat." Tinanggap ko nalang din ang alok niya saka kinain ang hotdog sandwich na bigay niya sa akin.
"You guya came from an international agency, right? Are you guys Filipino?" tanong ko sa kanila at nagsimula nang kumagat ng hotdog.
"Half Filipino and Half Canadian." Napatango tango naman ako sa sagot ni Chico. No wonder may pagka feature ang mukha nila na may ibang lahi talaga.
"Since when kayo naging kabilang sa agency na iyan?"
"Since we were thirteen, right?" si Chico naman ngayon ang sumagot. Mas maaga pala silang nagsimula sa mga ganitong bagay. Eight years palang kasi ako sa agency, nakuha lang ako ni sir Lazaro nang makita niya ang galing ko sa pag taekwondo at nais niya raw ako gawing isa sa mga tauhan niya. It was the best opportunity na kinuha ko dahil doon ay nagkaroon ako ng income kahit papaano at siya na rin ang nagpaaral sa akin sa kolehiyo.
Akmang magsasalita na sana ako nang bigla na lamang may tumunog sa phone ko. Agad kong tinignan yun at nagulantang ako dahil nakita ko ang number ni Cave na nag m-miss call pero agad inend at nag send ng text message.
[Nasaan ka na ba? Nakasarado ang bahay, paano ako papasok? Mag over the bakod!?]
Galit na siya niyan!?
BINABASA MO ANG
Love or Blood
RomanceKaya mo bang pigilan ang iyong damdamin para masunod ang plano mong patayin ang lalaking pumatay sa magulang mo o hahayaang kontrolin ka ng iyong puso? Alin nga ba ang mananaig? Ang utak o ang puso? Kahit alin sa kanila ang ating pipiliin, isa pa r...