Nagising nalang ako na nakahiga sa aking kama. Paano ba ako napunta rito? I mean, hindi ba't nakaupo ako? Hindi kaya nakatulog ako habang inaantay na makatulog ng tuluyan si Cave?
Agad nalang akong bumangon saka nag stretch ng aking katawan. Tinignan ko naman ang buong paligid at nakita ko na naka ayos pa rin sila sa kung paano ayusin ang mga gamit ko. "I see, hindi naman pala makulit mga kamay niya," bulong ko sa aking sarili at binuksan na ang pinto.
Pagkasara ko nito ay bumungad sa harapan ko ang mga pagkain sa mesa na siyang kinagulat ko. "Sakto! Gising ka na pala, Shul. Pinaghandaan na kita ng maka kain. Ano kasi, wala ako rito ng tatlong araw kaya bawi nalang muna ako sa ganito."
Napahawak ako sa aking bewang at tinignan siya. "Sigurado ka? Baka may kailangan ka na naman, kweba."
I heard him scoff. "Wala, just an effort para pasalamatan ka. Halika na rito, kain ka na. Niluto ko lang ang kung anong meron sa ref." Wala akong magawa kundi ang lumapit sa mesa saka ako umupo.
Sabay kaming dalawang kumain at nag k-kwentuhan lang ng mga kung ano-ano. Masayahin at pala kwento si Cave kaya hindi rin ako na b-bored na kausapin siya. Nung una ko siyang kilala akalain mo talaga sobrang sungit e tapos ngayon naman ubod ang kanyang ka daldalan. Parang walang preno ang bibig kaka kwento e.
Nang matapos kaming kumain ay sabay naman naminh hinugasan lahat ng plato at iba pang ginamit sa pagluluto. "Anong oras ka ba aalis?"
"Bakit? Mamimiss mo na ba agad ako?"
"Shunga! Tinatanong ko lang!" Tumawa lang ang tarantado habang pinupunasan ang plato saka tumingin sa akin.
"After this, Shul. Aalis na kaagad ako. Straight three days talaga ako mawawala so if ever man, always lock the door and don't let any stranger na pumasok sa bahay mo."
"Anong tingin mo sa akin? Tanga. Kaya ko to, you don't have to say that. Alam ko na mga gagawin ko." Nanlaki naman ang aking mga mata nang bigla niyang guluhin ang aking buhok saka ngumiti.
"As you should. We're done na, right? I had to go na." Napatingin lang ako sa kanya at inaayos ang kanyang sapatos na suot. Kinuha niya ang kanyang bag at napansin ko rin na yung damit niya lang pala ay dalawang piraso lang. Yung damit niya nung magkita kami at damit na naiwan ng kaibigan ko rito na pinahiram ko sa kanya.
Yung suot niya ay damit pa ito nung magkita kaming dalawa. Agad naman akong napabalik sa realidad nang makita ko siyang nakatingin na pala sa akin saka ngumiti. "See you after three days, Shul. Take care always, magdadala nalang ako nang pasalubong pag-uwi ko. Good bye, lovey."
Tinapunan ko siya ng karton na malapit sa akin at sapul naman ang noo niya. "Lovey ka diyan, lumayas ka na nga!" Hinawakan niya lang ang kanyang noo saka tumawa habang kumakaway ang kamay hanggang sa hindi ko na siya matanaw ng aking mga mata.
Nang humarap ako sa loob ng bahay, ilang saglit palang ang nakalipas nang mawala si Cave ay ang sobrang tahimik na muli. "Siya lang talaga nagpaingay sa sobrang tahimik kong bahay."
Umalis na rin ako ng bahay saka ni lock ito. Baka bukas pa ako makakauwi ng umaga at dahil wala rin naman si Cave ay hindi na ako nagatubili pang dalhin nalang ang susi. Inayos kong muli ang aking salamin at nag ayos lang bilang normal na babae pero binago ang mukha gamit ang make up para hindi makilala ang mukha. Mukha nga akong high schooler ngayon.
Dala-dala ko rin ang mga armas ko just in case. Hindi naman ganoon ka delikado ang misyon ko dahil paghahanap lang naman ng mga impormasyon.
"Next destination natin ay si Detective Rom na ngayon ay nagtitinda ng fishball sa San Martin University. Buti nalang pala kilala ko ang Admin dito," masayang sambit ko sa aking sarili saka sumakay na ng jeep papunta sa school na iyon.
Nakakuha rin pala ako ng School ID kakapadala lang ni sir Lazaro sa akin kaninang umaga. Nilagyan niya rin ako ng sched na panghapon ako hanggang gabi. Nang makarating ako sa loob ng univ ay kaagad akong tumungo sa kung saang room ako at pagkaratin ko ay nakatingin sa akin lahat ng mga estudyante.
"Ah oo nga pala may bago kayong kaklase. Siya si Rija Suarez, i welcome niyo naman siya." Nang inilibot ko ang aking mga mata ay nakita ko rin ang estudyante na hinahanap ko kaya napangiti ako.
Siya si Marie Damoz, anak ng witness na nakakita nang mangyari ang aksidente bago pa man mawala ang bata. Pwede naman na biglaan na kausapin ang magulang niya pero mahirap, mahahalata niya kaagad na naghahanap ako ng information or so. Baka kasi mamaya kasabwat din sa kumuha sa mga bata. I just need to be cautios.
"Marie, katabi mo na yan. Ikaw lang naman ang walang katabi diya." Agad akong tumungo sa kung saan siya at nagpakilala sa kanya.
"Hi, I am Rija. Nice meeting you, Marie!" Inirapan lang ako dahilan para magulat ako lalo na nung tinalikuran niya pa ako! Lakas mo ah!
Natapos na ang klase at sinusulyapan ko lang si Marie nang paalis na siya sa room. Minake sure naman ni sir Lazaro na magiging kaklase ko ulit siya mamaya sa next sub namin after an hour kaya no problem kung aalis kaagad siya.
"Maldita talaga yun, hayaan mo na yun. Na hospitalized kasi tatay nun tapos nanay niya pilay pa. Imbes na maging mabait e, magmamaldita pa. Kaya hindi pinagpapala kasi masama ang ugali." Napatingin naman ako sa babaeng biglang sumandal sa aking upuan.
Na hospitalized? Kung ganun, hindi ko nga makakausap ang tatay niya. Siya kaya? Alam niya kaya kung ano ang meron sa aksidenteng iyon? Napagdesisyunan kong tumayo at sundan nalang si Marie. Hindi ko na pinansin ang mga babae na nasa paligid ko, bahala sila diyan. Hindi naman sila ang kailangan ko.
Habang tumatakbo ako ay muntikan naman akong matumba dahil natapilok bigla ang aking paa. Katangahan! Buti nalang ay naalalayan ako ni Marie na nasa tabi ko lang pala.
"Balak mo ba akong sundan?"
BINABASA MO ANG
Love or Blood
RomanceKaya mo bang pigilan ang iyong damdamin para masunod ang plano mong patayin ang lalaking pumatay sa magulang mo o hahayaang kontrolin ka ng iyong puso? Alin nga ba ang mananaig? Ang utak o ang puso? Kahit alin sa kanila ang ating pipiliin, isa pa r...