Mr. Whatever

2 1 0
                                    

Hapon na ako nang magising dahil sa sobrang pagod sa pagligpit ng kinalat ni Timmy. Hindi ako napapagod sa trabaho ko e, kundi sa pagkakalat ni Timmy! Napabuntong hininga ako saka tumungo papunta sa ref. Inayos ko pa ang aking salamin dahil nagulo na naman ito, nakakainis kasi bakit pa malabo tong mga mata ko.

Pagtingin ko sa ref ay wala na palang laman ito pati ang mini pantry ko. Need ko na pala mag grocery, sakto pala malapit nang matapos ang buwan kaya ubos na talaga ang stock ko para sa isang buwan. Tinignan ko si Timmy at napag pasyang ilock nalang siya sa kanyang malaking kulungan.

"Diyan ka lang, mag grocery ako saglit lang to." Agad akong tumungo sa aking kwarto at kinuha ang aking bag saka susi ng motor. Pagkalabas ko ay agad ko ring ni lock ang pinto. Sinimulan ko nang paandarin ang motor at nagmaneho na, walang malapit na murang bilihan ng mga pagkain dito kaya napagpasya nalang akong tumungo sa mall. Sakto rin namang may bibilhin ako na mga bagong materials sa bahay.

Pagkarating ko sa mall ay agad kong tinanggal ang helmet. Inayos ko muna ang motor saka helmet bago ako tuluyang pumasok sa loob ng mall. Pagkapasok ko ay napakaraming mga tao ang naglalakad, agad akong tumungo sa supermarket para mag grocery na.

Kinuha ko ang di kalakihang cart at nagsimula nang maglakad. Nag start muna ako sa mga de lata at naghanap na ng pwede kong mabili. Sinasakto ko lang ang pagbili dahil motor lang naman ang dala ko. Habang kumukuha ng de lata ay may naapakan akong paa kaya napalunok ako ng laway saka nagsalita.

"Pasensiya na po!" Agad ko siyang tinignan at kita ko ang masama niyang tingin sa akin. Hindi ko naman talaga sinasadya!

"Pwede ba sa susunod, mag ingat ka naman? Nakaka perwisyo ka." Ubod ng sungit naman to! Nag sorry na nga yung tao e, napaka. Matapos niyang sabihin yun ay agad niya akong tinalikuran. Mukhang masama ng talaga ang loob niya pero kung titignan mo naman ay parang hindi siya nasaktan.

Umalis nalang ako rito matapos kong kuhanin ang mga cornedbeef saka iba pang mga de lata at tumungo naman sa ibang section. Nang matapos na akong mamili ay nagulat nalang ako nang nasa harapan ng pila ko ang lalaking naapakan ko.

Lilipat sana ako ng linya pero masyadong mahaba ang ibang pila kung lilipat ako kay matatagalan ako sa pag-uwi. Kung minamalas ka nga naman. Tinignan ko siya at mukhang busy siya sa kanyang phone.

Agad naman siyang napatingin sa akin dahil mukhang napansin niya ata na kanina pa ako nakatitig sa kanya. "Ikaw na naman? Aapakan mo ba ulit tong paa ko?"

Tinaasan ko siya ng kilay dahil sa sinabi niya. "Nag sorry naman ako kanina, kung ayaw mo akong makita pwede ka naman lumipat ng ibang pila e." Tama, alangan naman ako ang mag adjust sa kanya, siya dapat ang lumipat sa pila!

"Whatever." Agad siyang tumalikod muli at hindi ako pinansin. Napaka attitude naman!

Nang matapos na ako sa counter ay agad na akong umalis at dumiretso papunta sa may bilihan ng mga kung ano ano para sa bahay. Gusto ko na bumili ng bagong kurtina kaya dito sa section na muna ako pumunta at namili ng maganda at elegante tignan.

Habang namimili ako ay may napansin na naman ako na nasa tabi ko. This time, may suot na siyang cap at may tinitignan ding kurtina. Konti nalang ay iisipin ko na stalker ko na ito at may kung anong balak na masama sa akin. "Hoy ikaw, naandito ka na naman."

Agad napatingin sa akin ang lalaki at medyo nanlaki ang kanyang mga mata. "Seryoso? Ayaw mo talaga ako tantanan?" Ay wow, ako pa talaga?

"FYI, Mr. Whatever, baka ikaw nga tong ayaw akong tantanan e! Kanina ka pa sulpot nang sulpot sa harap ko o hindi kaya sa tabi ko! May binabalak ka bang masama, ha? Stalker ka, ano?" Tumawa siya at humarap sa akin.

Ang dalawang babaeng staff na inaasikaso kaming dalawa ay napatingin nalang sila sa isa't isa at lumayo layo konti. Lumapit sa akin ang lalaki saka nagsalita. "Kapal mo namang akusahan ako niyan? Baka nga ikaw tong nang sstalk sa akin?"

Nanatili akong umimik at napairap nalang sa kanyang inasal. "Bahala ka sa buhay mo, ayokong makipag away sa t*ngang katulad mo." At matapos nun ay dali-dali akong umalis paalis palayo sa kanya. Next time nalang ako bumili ng bagong gamit sa bahay, may asungot kasing pa epal! Nakakairita lang!

Nasa parking lot na ako at padabog kong inilagay sa loob ang aking pinamili. Dalawang plastic bag lang naman ito kaya naikasya ko siya sa loob, konti lang din talaga ang laman. Isasaksak ko na sa aking ulo ang aking helmet nang may marinig akong barilan. Agad kong kinuha ang aking armas na punyal at lumingon lingon sa paligid.

Gulat akong napatingin sa lalaki na tumatakbo at nakikipag barilan sa kung sino man ang humahabol sa kanya. Si Mr. Whatever pala to! Nang makita niya ako ay agad siyang tumungo sa akin at nagsalita. "Akin na ang susi, ako ang magmamaneho."

Ako naman ay parang nagtataka na ewan, bakit siya ang magmamaneho? Motor niya ba yan!? "Dalian mo na!"

"Hoy, kung may kaaway ka huwag mo nga akong idamay. Lubayan mo nga ako!" Tinulak ko siya palayo sa motor pero matigas ang katawan niya, masyadong malakas ang lalaking ito hanggang sa bigla nalang may nagpaputok muli ay natamaan siya sa kanyang braso.

Wala akong magawa kundi kunin ang susi at sinabihan siyang umalis at siya ang sumakay sa likod ko dahil ako ang magmamaneho. "Dalian mo na! Pa epal naman to oh, kanina ka pa! Pati buhay ko pinapahamak mo e!"

Dali-dali siyang sumakay habang hawak-hawak ang kanyang braso. "Kumapit ka nang mabuti." Agad ko nang pinaandar ng mabilis ang aking motor bago pa man kami abutan nang apat na lalaki pero nagulat kami nang biglang umangkas ang dalawa sa dalawang motor na kararating lang.

"Fvck, talagang hinabol nila ako papunta rito!" inis niyang saad. Ako naman ay napairap at mas lalong binilisan ang pagtakbo ng motor. Mabuti nalang ay alam ko ang pasikot sikot na daan sa lugar na ito kaya sigurado akong hindi nila ako mahahabol.

"Hoy lalaki, mag paliwanag ka sa akin mamaya pagdating sa bahay. Hindi kita tatantanan," pagbabala ko sa kanya.

Love or BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon