Nasa harap kami ng isang bar. Rinig na rinig sa labas palang ang mga tugtugan na siyang dahilan ng pagngiwi ko. "Seryoso?"
"Why? Hindi ka pa nakapunta sa bar?"
"Hindi naman sa ganoon. Tara na nga." Akmang maglalakad na ako paloob pero bigla nalang hinila ni Chico ang aking damit.
"Teka, magsusuot ng maskara. May rules ang bar na yan, dahil mostly nang nandiyan ay mga members ng syndicates, to protect their identities, ayan na ang inilatag nilang batas." Agad namang may kinuha si Chico sa kanyang motor at sinuot na niya ang kanyang maskara. Nakatakip lang naman dito ang kanyang mata pero ang ibabang part ay hindi.
"Here, we bought you one. Black kinda butterfly mask?" sambit ni Ryu at binigay sa akin. Paano ko susuotin to e malabo mata ko? Kung wala ang salamin ko wala akong makita.
"Pinaayos na namin yan kay Allan, tama ba? Kaya may lense na yang maskara na yan." Oh? I see. Mabuti naman at aware sila doon. Agad kong tinanggal ang aking salamin saka binigay kay Ryu para maitago niya sa kanyang motor.
Dahil nga wala na akong salamin ay medyo nahirapan ako na mailagay ito sa aking mukha. Napansin naman iyon ni Chico kaya kinuha niya ang maskara sa aking kamay at inayos ito sa aking mukha upang matali ng maayos. Malapit na masubsob ang aking mukha sa kanyang dibdib kaya medyo umatras ako ng kaunti.
Matangkad kasi si Chico kesa sa akin na halos hanggang dibdib lang niya ako. Naaamoy ko pa kung gaano pa siya kabango, as in, amoy modelo na ewan. "Here, tapos na." Agad naman niyang inangat ang kanyang kamay. "Humawak ka sa braso ko para naman hindi tayo magkahiwa-hiwalay."
Tinignan ko ang kanyang braso at hindi ginawa ang sinabi niya kaya kinuha nalang niya ang aking kamay sabay hila papasok. "Tama nga talaga si sir Lazaro tungkol sayo." Tinaas ko ang aking kilay sa kanyang sinabi. Pinagsasabi ng gunggong na ito?
Nang makapasok kami sa bar ay tumambad sa akin ang amoy ng alak, ewan, halo halo ang amoy na halos masuka ka sa sobrang baho pero kung tignan mo parang wala lang sa mga taong naandito. May mga babae pang nagsusuka sa gilid na inalalayan ng kanilang mga kaibigan. Napailing nalang ako.
"So, anong misyon niyo rito?"
"Ang maghanap ng kasapi sa Ice Tigers," saad ni Chico habang hawak hawak pa rin ang aking kamay. Pinilit kong tanggalin ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya at nagtagumpay naman ako.
"Paano?"
"There, kagaya ng lalaking kasama ang iba pa niyang mga kauri. Kita mo ba ang tattoo na meron sila sa kanilang mga braso? Pansin mo na lahat sila mga naka sleeveless para ipakita rito na kabilang sila sa isang malaking organization."
Tinititigan ko lang ang lalaki na parang kasing edaran ko lang. Kita ko ang pag ngiti niya. Malalaki ang kanyang braso, kitang kita kung gaano kalaki ang kanyang biceps. Hinahaplos haplos pa ng babaeng nasa likuran niya ang kanyang katawan pati ang kanyang mukha pero wala siyang paki alam. Patuloy lang ang pag inom niya.
Yung babae naman ay gustong gusto na mahalikan siya pero umiiwas ang lalaki sa kanya. Habang patuloy akong nakatitig sa kanya ay napansin niya akong kanina pa pala ako nakatingin sa kanya. Nagtama tuloy ang aming mga mata at hindi ko maiwasang magkaroon ng parang familiar na feeling nang makita ko siya.
"Oh sh*t." Napamura ako nang maalala kung sino ang lalaking iyan! Bakit ba naandito yan!? Kung minamalas ka nga naman talaga! Agad akong lumingon sa aking likuran pero pagtingin ko ay wala na pala sila Chico and Ryu sa tabi ko. "P-patay, malaki pa naman tong bar na to. Paano ko sila mahahanap!?" bulong ko sa aking sarili at naglalakad na palayo sa kung nasaan ako nakatayo kanina.
Patuloy ako sa paghahanap sa kanila ni Chico and Ryu pero kahit anino nila wala. Malas! Dapat pala hinayaan ko nalang si Chico na hawakan kamay ko edi sana hindi kami naghiwalay! Pero bakit ba hindi sila nagsabi na aalis pala sila!?
Nagsimula na ang tugtugan kaya mas lalong dumadami na ang mga tao sa gitna. Patay talaga ako nito! Bigla namang may humugot sa aking kamay dahilan para manlaki ang aking mga mata. Agad na napunta ang kanyang isang kamay sa aking bewang ay mas inilapit pa ako sa kanya. Hawak-hawak niya ang isa kong kamay na naka angat. Kita ko ang pagngisi niya habang nakatitig kami sa isa't isa.
"Esel, hanggang dito ba naman pupuntahan mo ako?" I gritted my teeth at nais na makawala sa kanya pero hindi ko magawa. Kapit na kapit ang kanyang pagkakahawak sa akin kaya bumulong ako.
"Bitawan mo ako." Tumawa lang siya at mas lalo pang inilapit ang aking katawan sa kanya at maging ang kanyang mukha sa aking mukha na halos madampi na ng kanyang labi ang aking labi.
"Make me, Esel. If magawa mo akong bitawan ka then I'll let you." Ngising ngisi ang g*go. Agad kong itinaas ang aking paa para sana sipain ang gitnang bahagi niya pero agad niyang napigilan ang aking paa gamit din ang kanyang paa.
"Sa oras na makawala talaga ako sayo, yayakapin talaga kita sa leeg." .
"Mas matuwa pa ako kung ganoon." Seryoso ba siya!? Talagang— "Don't act recklessly, Esel. Teritoryo namin ito, marami akong mga tauhan dito at mag isa ka lang. Kaya ka naming patayin dito nang isang iglap."
Tama nga naman siya. May tama talaga siya! "Anong purpose mo bakit mo ako sinundan? Mukhang wala ka naman atang balak na patayin ako rito." Ngumiti siya saka inilapit ang kanyang labi sa aking tenga para bumulong.
"Nothing, I just wanna dance you." At bigla niya nalang hinalikan ang aking leeg dahilan para tumindig ang balahibo ko. "Don't worry, wala akong ibang balak sayo. Let us treat each other right now like we're completely stranger. Just having fun, Esel."
"Having fun? Sa taong kalaban ko? Don't make me laugh."
"Why? Wala naman tayong dapat pag awayan ngayon, hindi ba? Just dance with me, Esel. Forget that we are enemies. You always caught my attention. My heart would always skip a beat whenever I saw your eyes staring at me. Lumapit muli ang kanyang labi sa aking labi na siyang kinagulat ko. "It makes me want to kiss you."
BINABASA MO ANG
Love or Blood
Roman d'amourKaya mo bang pigilan ang iyong damdamin para masunod ang plano mong patayin ang lalaking pumatay sa magulang mo o hahayaang kontrolin ka ng iyong puso? Alin nga ba ang mananaig? Ang utak o ang puso? Kahit alin sa kanila ang ating pipiliin, isa pa r...