Him Again

0 0 0
                                    

"H-ha? O-oo! Gusto kasi kitang maka close, bawal ba?" Tinignan niya lang ako mula ulo hanggang paa. Bumuntong hininga naman siya saka inalalayan akong tumayo ng maayos. Tinulungan niya rin akonv ayusin ang hawak kong mga gamumig.

"Halika na, kumain na tayo sa cafeteria. Nananghalian ka na ba?" Tumango naman ako bilang tugon at nagsimula na kaming maglakad papunta sa cafeteria na sinasabi niya. Napatingin ako sa paligid at sinundan din siya ng tingin.

Nakita ko siyang biglang lumiko at napatingin sa pera niyang bente tapos tumingin sa mga biscuit kung alin ba doon ang bibilhin niyang pagkain na kakasya sa kanyang pera.

"Ayan lang pera mo for lunch?" Agad niyang tinago ang kanyang pera.

"Oo, bakit?" Agad ko nalang kinuha ang kanyany kamay saka pumunta kami sa kung saan makakabili kami ng kanin at ulam. "Hindi kasya ang pera ko diyan."

"Ako ang bahala, bayaran ko lahat."

"Ayoko umutang."

"Hindi ito utang, libre ito. Pumili ka na Marie, kahit damihan mo pa ako ang bahala sayo." Nag aalinlangan pa siya kung kukuha ba siya or hindi. "Dali na, magagalit pa yan si ate. Inaantay ka."

Nang tignan niya ang tinderang naghihintay sa kanya ay wala siyang magawa kundi ang bumili at binayaran ko na rin lahat. Sabay kaming umupo sa upuan na may maliit na mesa. Good for 2 person lang.

"Pasensiya ka na, nagtitipid kasi ako. Ako nalang manlilibre sayo sa susunod." Ngumiti lang ako sa kanya.

"No worries, walang kapalit yan. Enjoy your food, Marie." Nahihiya siyang tumango sa akin at nagsimula nang kumain. Mataray lang naman pala siya sa umpisa pero kung titigan mo siya ay para lang siyang nasasaktan na bata. Totoo kaya na nahospitalized ang tatay niya?

Mahaba-haba ata ang titiisin ko para lang maka close ko siya at malaman ang mga gusto kong malaman.

Nang matapos na ang klase ay agad na kaming umuwi. Nagpaalam na sa akin si Marie at kumaway naman sa kanya bago pa tuluyang maka alis sa kanya.

"Okay, next stop naman ay si Detective Rom," sambit ko sa aking sarili. Dahil gabi na, panigurado nandoon siya sa may bandang highway na nagtitinda.

Hinanap ko ang stall niya hanggang sa masilayan ko ang mukha niya. Kaagad akong pumunta doon at namili ng kung ano man ang bibilhin ko. "Kikiam nga po saka fishball."

"Ayan lang ineng?" Tumingin ako sa kanya.

"May sardinas po kayo?" Agad naman siyang napatingin sa akin. Sure naman akong na gets niya iyan dahil ayan ang keyword nila ni Magus. Sa pagkakatanda ko.

"Wala kami nun, iha. Kita mo namang kikiam at fishball lang meron kami tapoa maghahanap ka ng sardinas? Doon ka sa dagot, manghuli ka doon." Medyo kumirot ang ugat sa ulo ko nang marinig ang sinabi niya. Sadya ba nito na isigaw ang sinasabi niya para malaman ng mga tao rito sa paligid?

"Nagtatanong lang kuya, sama ng ugali niyo. Malay mo may sardinas po pala kayong dala diyan sa bag niyo pang ulam."

"May kwek kwek dito ne, pwede kong ipang ulam to." Ang sungit! Halatang ayaw niya ako bigyan na magkaroon ng time para kausapin siya. Sabi na e, mahihirapan talaga ako rito.

Umaga na at umuwi na kaagad ako ng bahay. Hindi ko ala. kung makakapasok pa ako mamayang hapon pero susubukan ko. Buong gabi ko kasing sinundan si Detective Rom pero halata talagang aware siya na sinusundan ko siya. Wala naman akong paki alam dahil alam naman niya kung ano ang kailangan ko sa kanya. Ano naman kaya ang dahilan kung bakit nagtitinda nalang siya ngayon? Hindi kaya parte rin iyon sa misyon niya? Kaso hindi e, may pamilya siya nung masundan ko siya pauwi at talagang dilat ang aking mga matang pinagmamasdan sila hanggang sa saraduhin niya ang bintanan nila gamit ang kurtina. Napakasama talaga ng ugali!

Pumunta nalang ako sa kusina at uminom ng tubig. Tinatamad ako kumain kaya tubig lang ako. Kaya lang din naman ako napapakain because of Cave. Ngayon na wala siya rito, syempre, hindi talaga ako kakain sa tamang oras.

Bigla namang tumunog ang aking phone kaya chineck ko ito. Announcement pala ito na wala raw pasok ngayon, edi makakapag hinga nga ako ng maayos.

After ng announcement naman ay tumawag din si sir Lazaro na agad ko namang tinanggap. "Sir, ano po iyon?"

"Are you busy? Sheila need back up right now and ikaw lang ang malapit sa location niya. Paki tulungan nalang habang wala pa ang iba pang backup." Sheila? Ha, yung babaeng maarte at mayabang akala mo magaling.

"Noted, sir."

Matapos ang tawag na iyon ay kaagad akong tumayo at nagpalit ng damit. Naaalis ko na rin naman ang make up na gamit ko kaya presko na ang aking mukha. Kumuha ako ng mask at sinuot ito. Maganda ang sikat ng araw, ayokong makita ng mga tarantadong mga tao na kaaway ni Sheila.

Nang matapos akong magbihis na umabot lang naman ng tatlong minuto ay chineck ko ang location na sinend sa akin ni sir. Malapit lang pala, konting takbo lang pwede na. Pa late kaya ako ng five minutes? Tutal mas okay pang mawala ang Sheila na yun na puro lait at pang iinsulto ginagawad sa akin. Pasalamat talaga siya utos ni sir Lazaro to kasi kung hindi, hahayaan ko talaga siyang ma deds.

Patuloy lang ako sa pagtakbo at dahil marami akong alam na shortcuts ay nakarating na kaagad ako aa location ni Sheila. Kita ko na duguan na ang kanyang magkabilang braso pagkatapos ng away sa lalaking may dalang kutsilyo habang nakatingin sa kanya. May suot din itong maskara at pakiramdam ko ay pamilyar sa akin ang lalaking ito.

Nanghina na si Sheila hanggang sa napaluhod na siya at humihingal. Aatakihin niya sana si Sheila pero nagawa ko itong depensahan nang nagtapon ako sa kanya ng throwing weapon.

Kaagad siyang tumalon palayo kay Sheila at tumingin aa akin. Ganoon din ang babae sa akin. "Oh, you again. We've met again, huh?"

Kung ganoon, siya pala yan. Paano niya naman kaya ako naalala? Malala ba stock ng memory nito. "Ikaw pala yan." Dahan dahan akong naglakad palapit sa kanya saka nagsalita muli. "Ikaw na naman."

Love or BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon