Who are you? - 1.

45.9K 544 66
                                    

Kath's POV

"Let's go DJ!!" Sigaw ko. Lahat kami dito natetense sa nangyayari. 

Ang galing ni DJ grabe!

Mas magaling si Niel!

Hindi, si Diego!

Hoy! Kayong tatlo, taken na sila no! Tsaka para masaya, silang lahat! 

Nagtataka na siguro kayo kung anong meron. Meron kasing Basketball game sila DJ. At this moment, lamang ang kalaban ng 2 points. Last 15 seconds na. 

Bakit may Basketball game? Simple, Intramurals namin. After so many months na babad kami sa school work, syempre, may whole week break. At Intrams yun. Ang cool nga eh, March na ngayon. Konting konti na lang, SENIORS NA KAMI! 

Balik tayo. 

Last 10 seconds at nakay DJ yung bola. 

Dribble...Dribble...Dribble

Last 3 seconds

"Padilla for 3, he shoots..." Sabi ng announcer. *Dugdug* *Dugdug*

"HE SCORES! Team BU (Barreto University) wins the game!" Pagpapatuloy ng announcer. 

"Whooooo!!!" And the crowd goes wild. Isa na ko dun.

"YES! PANALO!" Bumaba na ko sa bench at tumakbo papalapit sa bestfriend ko. 

"Grabe! PADILLA FOR THE WIN!" Sabi ko kay DJ. Sabay apir ko kay DJ.

"Huh! Ako pa! Eh the best ata tong bestfriend mo no!" Pagmamayabang niya. Whoo! Ang hangin.

"Weh? Parang biglang humangin dito ah!" Pang aasar ko naman. Sumimangot siya.

"Pano yun? Eh covered court to." O_O Oo nga, ako na napahiya.

"Haha! Pahiya ka no!" Pangaasar naman niya. Sabay akbay niya sakin. 

Naglakad na kami palabas ng court. 

"Ang baho mo Bes!" Asar ko sakanya. Pero hindi naman talaga. Hindi nga nagpapabango yan eh, sadyang mabango na kasi.  

"Talaga? Parang hindi naman." Sabay alis niya ng akbay niya sakin at inamoy ang sarili niya. Natawa na lang ako. Kinuha ko ulit yung kamay niya at ini-akbay sakin.

"Eto naman, joke lang. Mabango ka kaya." Bawi ko naman. Haha, lakas ng trip ko. Tumawa naman siya. 

Who are you? (Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon