Hey there sofiaestrada04. Uh. This is dedicated to you kasi natuwa ako dun sa comment mo sa previous chapter.
Sana, tulad ko, makapag-inspire ka din ng ibang tao para gumawa o magsulat ng stories. Yun lang. Just wanted you to know na, suportado kita! :D
--------------------------------------------------------------------------
DJ's POV
Hannggang ngayon, nandito pa din kami sa ospital. Inaantay si Ranz. Nasa emergency room kasi siya. At eto kaming magkakabarkada, mga naka upo sa sahig. Mga nakapang tulog. Mga tulala.
3am na ngayon. Pero wala kaming pakielam. Mga gising na gising kami.
Si Juls, nakasandal lang sa balikat ni Diego habang umiiyak. Ganun din si Yen at Neil. Si Julia naman, nandito lang siya sa tabi ko. Pinipigilan niyang umiyak.
"Nasan si Ranz?" Natigilan kaming lahat sa nagsalita.
"Kath?" Sabay sabay naming sabi.
Bakit siya nandito? Anong ginagawa niyo dito? Sino nagpapunta sa kanya dito?
Tulad namin, nakapangtulog lang si Kath. Pajama tapos sando tsaka tsinelas. Cellphone lang dala niya.
"ASAN SI RANZ?!" Nagulat kaming lahat si biglaan niyang pagsigaw.
"N-nasa loob ng e-emergency room." Nauutal na sagot ni Diego.
"So, kung di pa sasabihin ni Juls, di ko malalaman?" Agad naman kaming napalingon kay Juls.
"She has the right to know. Sating lahat, siya ang pinakamalapit kay Ranz." Sabi ni Juls.
Umagree naman kami sa sinabi niya.
Napatayo na kaming lahat at lumapit kay Kath.
"Anong sakit ni Ranz?" Kinakabahan niya tanong.
"Kath, merong stomach cancer si Ranz. And, I think he has less than 3 days para mabuhay." Paliwanag ni Juls.
Lahat kami hindi makapagsalita. Bukod sa sobrang lungkot, iniintay namin yung reaksyon ni Kath.
BINABASA MO ANG
Who are you? (Kathniel)
FanfictionI didn't know what I had until I lost it. Akala ko nahanap ko na si Ms. Perfect ko, pero hindi pa pala. Nasa harap ko na pala, pero hindi ko pa nakita. Pinabayaan ko pa. -DJ Padilla Bakit ba siya na lang lagi mong nakikita? Ako yung laging nandi...