DJ's POV
My ghad.
Ang gaan ni Kath. Sobra.
Parang hangin na lang ata to eh. Joke. Pero seryoso, masyado siyang magaan.
Tsk.
Ano ba ginagawa ko ngayon? Obviously, buhat ko si Kath. Dinadala ko siya ngayon sa kwarto niya sa bahay nila.
Oo, nakauwi na kami. Nung nakatulog na siya, napagdesisyunan naming iuwi ko na si Kath. Para na din makapagpahinga siya.
So ayun nga, buhat ko siya ng bridal style.
Pagpasok namin sa kwarto niya, agad ko siyang hiniga sa kama niya. Inalis ko din yung suot niya sapatos. Inalis ko din yung nakatali niyang buhok. Para nakalugay na lang siya habang natutulog.
Hindi pa din ako sanay sa buhok niyang may kulay at amoy mint.
Sanay ako sa itim niyang buhok na amoy fruits. Pero kahit ano pa yang buhok ni Kath, ehem, mahal ko pa din siya.
Ang gay. -_-
Umupo ako sa tabi ng kama niya. Bali naka indian sit ako sa harap niya. Pero nasa lapag ako. Gets niyo? Haha!
Inalis ko yung mga hibla ng buhok na nakaharang sa magandang mukha niya.
Hay, ang ganda talaga. Ang amo ng mukha.
Pero, ibang iba na kasi itsura niya ngayon eh...
Dati walang kamake up make up. Ngayon grabe na kung maka eyeliner. Pero alam mo yun, hindi siya masagwa. Maganda nga eh. Rock chik yung dating.
So ayun, marahan kong hinaplos yung pisngi niya. Di ko namalayang napapangiti na pala ako magisa. Pero yung malungkot.
Kelan kaya niya ko maaalala ulit? Kelan kaya niya ko makikilala ulit? Kelan kaya ulit yung ngingitian niya ko ulit. Yung totoong ngiti niya. Yung kita gilagid.
Kung naaalala niya na kaya ako...
Mahal niya pa rin kaya ako?
Ang lungkot lang kung iisipin. Ang dami kong sinayang na oras. Para saming dalawa sana. Kung sana lang nalaman kong mahal ko na siya nung una pa lang edi sana hindi na ko nagpaligoyligoy pa.
Pero, huli na ba?
Hay. Hay talaga. As in yung malalim na buntong hininga.
At habang hinahaplos ko yung pisngi ni Kath, bigla niya hinawakan yung kamay ko kaya nagulat ako.
BINABASA MO ANG
Who are you? (Kathniel)
FanfictionI didn't know what I had until I lost it. Akala ko nahanap ko na si Ms. Perfect ko, pero hindi pa pala. Nasa harap ko na pala, pero hindi ko pa nakita. Pinabayaan ko pa. -DJ Padilla Bakit ba siya na lang lagi mong nakikita? Ako yung laging nandi...