DJ's POV
Tatlong araw na ang nakaraan simula ng ma-comma si Kath. Tatlong araw na din nagluluksa ang barkada.
Ang kasama ko ngayon dito ay si Juls. Umuwi muna ang iba para maligo at magpahinga daw saglit. Pero si Juls, ayaw niyang umuwi. Pati ako, ayoko.
Si James naman may inaasikaso daw. Importante daw eh.
Ayun nga, nandito kami ngayon sa loob ng kwarto ni Kath. Pareho kaming nakatingin lang sa kanya. Hinihintay siguro siyang gumising.
"Takte, Bernardo di ka pa ba babangon diyan? Tanghali na oh!" Umiiyak sa sabi ni Juls. Napatingin ako agad sa kanya. Di ko napansin na umiiyak pala siya. Hawak niya yung kanang kamay ni Kath, hawak ko naman yung kaliwa.
Naisipan kong sakyan yung trip niya. "Oo nga! Ikaw, masyado kang tulog mantika eh, tatlong araw ka ng hindi gumigising!" Sabi ko.
May naramdaman na lang akong tumulo sa pisngi ko. Hindi ko napansing umiiyak na din pala ako. Tsk. Agad akong napapahid dito.
"AAAARGH!" Napasabunot na lang si Juls sa buhok niya at tumakbo sa labas.
Ako naman nakatingin pa din kay Kath.
"Kasalanan ko to." Bulong ko sa sarili ko. Napasapo na lang ako sa noo ko habang umiiyak ako.
"Kath naman, gumising ka na please. Gumising ka na..." Bulong ko ulit.
Maya maya, naramdaman ko na lang na may tumapik sa balikat ko.
"Tol." Dinig kong sabi niya. Ang inaasahan kong makita ay si Diego o si Neil. Pero hindi...
Si Ranz.
"Ranz!" Sabi ko. Napatayo ako at napamanly hug sa kanya.
"Kelan ka dumating?" Tanong ko habang nagpupunas ng luha.
"Kanina lang." Sabi naman niya ng mahina habang nakatingin kay Kath.
"Sino kasama mo?" Tanong ko ulit.
"Si Trish." Sabi niya. Napatingin siya sakin at namumula ang mata ni Ranz. Parang malapit na siyang umiyak.
Lumapit siya kay Kath at hinalikan siya sa noo. "To namang si Kath, wala pang tatlong linggong umaalis ako may nangyari ng ganyan sayo. Tsk." Sabi niya ng mahina.
Nakita ko din na nagpunas siya ng luha.
BINABASA MO ANG
Who are you? (Kathniel)
FanfictionI didn't know what I had until I lost it. Akala ko nahanap ko na si Ms. Perfect ko, pero hindi pa pala. Nasa harap ko na pala, pero hindi ko pa nakita. Pinabayaan ko pa. -DJ Padilla Bakit ba siya na lang lagi mong nakikita? Ako yung laging nandi...