Kath's POV
Nandito ako ngayon kasama si Juls, si Yen at si Julia.
Bakit ba? Bonding namin eh.
Nasan nga ba kami?
Nandito kami sa kwarto ko, nanonood ng movie tapos kumakain ng popcorn with coke. Tapos aircon pa.
Hay, sarap talaga ng buhay lalo na pagsummer.
"Kamusta na kayo ni Diego?" Biglang tanong ni Julia kay Juls. Lahat naman kami napatingin kay Juls ng may nakakalokong ngiti.
Eto namang si Juls, ayun. Nagblush.
"Eh-ano ba naman yan, out of the blue!" Reklamo niya kaya natawa naman kami.
"Wushu, sagutin mo na lang!" Sabi ko naman.
"Eh, okay naman kami. Steady na kami, haha! Mahal na mahal pa din naman namin yung isa't isa." Sabi niya na parang sobrang saya na ikinangiti namin ni Julia at Yen.
"Hay, eh kayo ni Neil, ha Yen?" Tanong ko naman kay Yen.
"Bah, subukan niya lang talaga akong iwanan at lokohin...ano...ano nga ba? Uhm. BASTA OKAY LANG KAMI. MASAYA KAMI. TAPOS."
"Pft---HAHAHAHA! AYAN KASIII!" Sabay sabay naming sabi. Haha, pagbabantaan pero hindi din itutuloy.
"Eh ikaw Julia? Kamusta ang lovelife, ha?" Nakangising tanong ni Yen.
"EHHHH." Sabi niya na parang nahihiya kaya nagkatinginan kaming lahat.
"Omg."
"May nanliligaw?"
"May boyfriend ka na?!"
"Teka lang, hinay hinay. Mahina ang kalaban. Haha, hindi. Wala pa akong boyfriend pero manliligaw meron." Nakangiti niyang sabi.
Ihhh! :>
"Weh? Sino?!" Excited na tanong ni Juls.
"EH, papakilala ko na lang next time." Sabi niya.
"Siguraduhin mong gwapo yan."
"Mabait."
"Gentleman."
"Bah, dapat lang no. Psh." Sabi niya. Mukhang mataray pero halatang kinikilig. Tong babaeng to.
BINABASA MO ANG
Who are you? (Kathniel)
FanfictionI didn't know what I had until I lost it. Akala ko nahanap ko na si Ms. Perfect ko, pero hindi pa pala. Nasa harap ko na pala, pero hindi ko pa nakita. Pinabayaan ko pa. -DJ Padilla Bakit ba siya na lang lagi mong nakikita? Ako yung laging nandi...