Who are you? - 11.

32K 333 53
                                    

This is dediacted to you! I appreciate your comments and votes! 


Sana suportahan mo yung story ko until the end. :*** 

HAPPY 2K READS!! 

---------------------------------------

Juls' POV

Kumpleto na kami ngayon sa sala. Mga nakaupo lang. Ang boys, sa lapag. Ang girls, sa sofa. 

Grabe, sobrang awkward ng atmosphere. Nakakaloka! 

"Juls, di pa ba tayo kakain? Gutom na kooooo!" Pagmamaktol ni Ranz na kunyari naiiyak. Natawa naman kami. 

"Kelan ka ba hindi gutom?" Natatawang sabi ni Diego. Tinignan lang ng masama ni Ranz si Diego. Tumahimik naman siya sa pagtawa. 

"Oo na po. Magluluto na po." Sabi ko naman ng natatawa kay Ranz. 

"Tara girls." Napatingin naman sakin si Julia nun, giving me a look that says 'pati ako?' 

Umiling lang ako. Kitang kita sa mukha ni Julia ang disappointment sa pagiling ko. 

Aba, pagkatapos niya kami sampalin?! 

Pumunta naman na kami sa kusina. Nagkatinginan kami tapos tumawa ng mahina. 

Ranz's POV

Lahat ng lalaki nandito ngayon sa sala. Pwera na nga lang kay Julia. Magkatabi kami ni Diego, medyo malayo din ang space namin sa kanila. 

"Mga pare, sorry ah." Narinig kong sabi ni DJ ng nakayuko. Nagkatinginan kami ni Diego. Mukhang pareho kami ng iniisip. 

"PIGILAN MO KO! BAKA MASAPAK KO TO!" Sigaw namin sa isip namin ni Diego. Pagkatapos ng ginawa niyang pagtatanggol dun sa taong may mali magsosorry siya. Nakakabanas naman to. 

"Pare, magkababata tayo, ngayon lang kitang nakitang ganito. Bakit mo kinampihan si Julia? Alam mo ba kung anong nangyari? Nakita mo ba anong ginawa niya kay Juls, Yen (Nung sinabi ni Diego ang Yen, napatingin samin si Neil) at lalo na kay Kath?!" Madiin na sabi ni Diego. Kita mo naman sa mukha niya na nagagalit siya eh. 

"Bakit? Ano bang ginawa ni Julia?" Nagtatakang tanong niya.

"YAN! Yan na nga ba sinasabi ko eh! Hindi mo alam tapos kung makareact ka kanina...? Sinampal niya si Juls, Yen, at Kath. Kulang na lang matanggal mukha nila sa ginawa ni Julia eh!" Di ko na mapigilang sumigaw. Ka-bwisit kasi eh! 

"Sinampal mo si Kath/Yen?" Gulat na tanong ni Neil at DJ. KITAMS?! 

Who are you? (Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon