Hi LoveHater025. Here's my promise. Enjoy the chapter! :D
DJ's POV
Nandito ako ngayon ulit sa kwarto ni Kath. Mag-isa. Inaasikaso pa kasi ni Kuya Sam, James, Ate Coleen at Juls yung kaso nung lalaking nanakit kay Kath.
Si Ranz naman umuwi na kasi may pasok pa daw sila ni Trish. Si Julia bibili daw ng pagkain. Si Neil naman at Yen nagpahinga muna.
So andito nanaman ako ngayon, mag isan---
"Nak."
Agad akong napatayo ng makita ko si Mama na nakatayo sa pinto hawak yung kamay ni Lelay.
Hindi ko din alam pero bigla naman akong napayakap kay Mama at umiyak ng umiyak.
"Shh, tahan na anak."
"M-ma, di pa gumigising si K-kath." Umiiyak kong sabi.
3 weeks ng nasa comma si Kath. 3 weeks ko ng hindi naririnig yung boses ni Kath. 3 weeks ko ng hindi siya nakakausap. At masakit yun para sakin.
"Alam ko naman yun nak. Kaya kailangan mong magpatatag ha?"
Kumalas na ko sa yakap at pinunasan yung luha ko.
"Kuya, why is Ate Kath not waking up?" Malungkot na tanong ni Lelay.
Nakita kong pilit tinutusok ni Lelay yung pisngi ni Kath parang magising. Napangiti ako ng malungkot.
Lumapit ako kay Lelay at binuhat siya. "Gigising din si Ate ha?" Tumango naman si Lelay pero halatang malungkot siya. Hinalikan ko na lang siya sa noo.
"Ay Tita nandito ka po pala." Bigla namang pumasok si Juls sa kwarto.
"Iha, kamusta na?" Tanong ni Mama.
Ngumiti lang si Juls bilang sagot.
Tumango naman si Mama. Siguro nagets niya yung sinasabi ni Juls.
"Uhm DJ. Pinapatawag ka ni Julia sa baba." Sabi sakin ni Juls.
"Ha? Bakit daw?" Tanong ko naman.
Alam naman kasi ni Julia na ayaw kong iwan si Kath tapos palalabasin niya ko.
Nagkibit balikat naman si Juls.
Napabuntong hininga na lang ako tapos lumabas na.
Juls' POV
BINABASA MO ANG
Who are you? (Kathniel)
FanfictionI didn't know what I had until I lost it. Akala ko nahanap ko na si Ms. Perfect ko, pero hindi pa pala. Nasa harap ko na pala, pero hindi ko pa nakita. Pinabayaan ko pa. -DJ Padilla Bakit ba siya na lang lagi mong nakikita? Ako yung laging nandi...