Hello. Another Update! :)
DJ's POV
Ako na ata, hindi mali. AKO NGA ang pinakamasayang lalaki dito sa mundo. Matapos kong malaman na naaalala na pala ako ni Kath, nagdiwang bigla yung buong katawan ko! At ang mas maganda pa, mahal pa din ako ng taong mahal ko.
Eto na kami ngayon, tinutuloy yung sinet-up ko na date namin. Yung barkada yung nagayos neto. Hindi nga dapat sila lalabas sa lunga nila pero mukhang hindi napigilan nung mga chismosong yun kaya ayun, pinanood yung scenario namin ni Kath.
"Pano ka nga pala nakapunta dito? Parang sobrang bilis mo eh." Bigla ko na lang naalala. Sabi niya kasi 20 minutes eh parang wala pa atang 10 minutes nandito na.
"Ah nagmotor---"
"MOTOR?! Diba sabi ko naman sayo wag ka na magmomotor?!"
"Sorry naman. Eh nagalala po kasi ako sayo. Malay ko ba na hindi naman pala totoo yung kidnapp chuva ekek mo na yun no!"
"Kahit na. Sa susunod wag ka na magmotor ha?" Nagcross arms naman siya tapos nagpout. Haha, ang cute lang. Pero hindi niya ko madadaan diyan.
"Ehh." Sabi na eh, hindi papayag.
"Sige na, please." Nilipat ko naman yung upuan ko papunta sa tabi niya at niyakap siya pagilid.
"Hmp." Ayaw talaga oh.
"Please, baby koooo." Agad naman siyang napatingin sakin sabay ngiti. Yiie, kinilig!
"Uuy, kinikilig!" Pangaasar ko sa kanya. Ayun namula.
"Oo na, baby ko!" Natahimik naman agad ako nun.
Ganon pala yung feeling? Kapag may endearment na sayo yung taong mahal mo. Nakakakilig tapos para kang nasa panaginip.
Ang bakla, leche.
"Uuy, kinikilig!" Gaya naman niya sa pangaasar ko.
Ang bakla talaga pero kinikilig ako eh, bakit ba?
"Eh ikaw---"
Tenenenenen~
Papa calling...
"Sagutin mo." Nakangiting sabi sakin ni Kath.
"Ha? Eh nagdadate---"
"Sagutin mo na kasi..." Pamimilit niya pa. Ngumiti ako sa kanya ng tipid tapos sinagot na yung tawag.
BINABASA MO ANG
Who are you? (Kathniel)
FanfictionI didn't know what I had until I lost it. Akala ko nahanap ko na si Ms. Perfect ko, pero hindi pa pala. Nasa harap ko na pala, pero hindi ko pa nakita. Pinabayaan ko pa. -DJ Padilla Bakit ba siya na lang lagi mong nakikita? Ako yung laging nandi...