Chapter 18

16 4 2
                                    


Deserving

Dapat ba tumahimik si Da kahit isang buwan lang? hindi pa rin talaga naaalis ang hiya ko kay Azher dahil sa sinabi niya na may tae ang isaw. Kaya sinabi ko na lang kay Azher na hindi tae yon, may pampalasang sinama don kaya ganun ang lasa. Naniwala naman siya sa'kin.

"Girl, announcement na about sa mga rankings later ah, sure ako si Misha ulit ang nasa first rank, hindi tulad nang iba dyan pala-absent kaya walang makukuha." Sabi ni gina, kaklase ko na bestie ni Misha.

"Gina, anong pinagsasabi mo? si Selazha yon, tsaka huwag ka ngang mangarap dyan nangongodigo lang naman kayo." Mataray na sabi ni Devine. Kalat na kalat na sa buong campus ang pangongodigo nila, akala ko naman deserve ni Misha na nasa rank 1.

"I don't care. We're not doing that things ʼno? You're so insecure lang talaga, paano si Selazha na bestfriend mo laging nasa taas and you? laging nasa baba ng rankings. Tss, if Selazha really concern about your academic grades hahatakin niya kayo pataas, kaso ang nangyayari lalo niya kayong binababa." Umirap si gina at umupo, hindi ako nakapagpigil si Devine kaya sinagot niya ito.

"We're not doing that things daw oh, lokohin mo lolo mong panot. Excuse me, hindi namin gawain ang magpabuhat sa kaibigan namin, ikaw kasi masyado kang dikit na dikit kay Misha kaya pati ang score at sagot niyo sa quizzes magkadikit rin."

"Tama na, we should wait the announcement na lang." Awat ni mikana, kaibigan ko na ayaw sa gulo.

"Tss, pinagtatanggol mo si Selazha totoo naman ang sinasabi ni gina, lagi siyang absent kaya wala na siya sa rankings, diba Selazha?" Ngisi na saad ni Misha sa'kin. "Isa pa, hindi ka bagay sa rank 1. Hindi bagay ang awards na yon para sa mga tulad mong retired maglalako ng sampaguita." Dagdag pa nito agad naman tumawa ang mga kaibigan niya.

"I actually perfect the defense last week and also the exams, quizzes, activities and task. Kinaya ko ang mga hindi mo kaya, Misha." Sarkatiskong saad ko. "Nilalako ko sampaguita, pero ikaw nilalako mo sagot." Dagdag ko pa, nakita ko kung gaano namula sa galit si Misha agad siyang pinigilan ng mga kaibigan niya.

"Walang lugar ang mga katulad mong ulila, Selazha." Galit na saad nito sa'kin. "Mabuti pa, tumambay ka sa tapat nang simbahan manlimos ka."

"Mas lalo kana, walang lugar ang mga takot malamangan katulad mo Misha. Ikaw dapat ang manlimos, alam mo kung anong lilimusin mo? utak." Sabi ko at umalis, sinundan naman ako nila devine at mikana.

I would always be thankful for who I am, hindi ko ikakahiya na kaya gumaan ang buhay namin noon dahil sa sampaguita. We should be thankful and contented than to request a lot of achievements and money, pero wala naman tayong ginagawa para makuha ang estadong yon, nagiging kuntento lang tayo kapag nandyan na yung successful part nang buhay natin, pero hindi tayo nagiging thankful sa kung paano tayo binago sa tamang paraan ng mga karanasan natin.

"Hindi pumasok si Enzo?" Tanong ko kay Mikana. Tumingin naman siya sa'kin at sinarado ang libro na binabasa. Nandito kami ngayon sa lamesa na kainan ng mga students, dito talaga kami tumatambay dahil presko.

"Pumasok, pero nasa training ng basketball. Lagi namang bangko." Sabi nito. Agad naman akong tumawa.

"Girl, bakit hindi mo pa sagutin si Enzo?" Tanong ni devine sa'kin. Ngumiti naman ako sa kanya at umiling.

"Kaibigan ko si Enzo, ilang taon na tayong magkakaibigan since high school. Hindi ko rin siya gusto, alangan naman ipilit ko." Tumaas balikat na lang siya.

"You should give him a chance, malay mo siya na pala ang icing sa ibabaw ng cupcake mo." Tumawa naman ako sa sinabi ni Mikana. Agad naman kaming napalingon sa tumawag samin at papalapit na si Enzo.

His Poison Desire Where stories live. Discover now