Chapter 20

25 5 0
                                    

I believe in you, Selazha.

Pagkatapos na nangyari na natulog ako sa bahay ni Azher ay maaga ako umuwi dahil may pasok ako sa company. Maayos naman na ang kalagayaan ni Azher, hindi siya pumayag na hindi pumasok ngayon dahil marami siyang kailangan tapusin.

"Saan ka natulog kagabi, karat?" Tanong sa'kin ni Da. Hindi niya pwede malaman na kasama ko si Azher kagabi, kung ano-ano ang iisipin nito.

"Kila devine." Pagsisinungaling ko. Mukha namang naniwala ito dahil hindi na siya nagsalita pa ulit.

"Papasok na ako, sabihin mo kay Meg ako na bahala mag grocery pera ko kamo, huwag na siya maglabas ng money!" Sigaw ko at tumakbo dahil baka malate na naman ako.

Nagmamadali akong pumasok sa elevator at hindi ko napansin kung sino ba ang katabi ko ngayon. Katabi ko lang naman si Primo.

"Selazha, congrats to your achievements." I smiled at Primo, wala na ang excitement na nararamdaman ko kapag kasama ko siya. Lahat napunta kay Azher.

"Thank you, primo." Sabi ko at nagbukas ang elevator ay lumabas na agad ako. Tinawag pa niya ako pero hindi ko siya nagawang lingunin.

Habang nagmamadali ako sa paglalakad, nakita ko sa isang sulok si Donna at Leticia inaabutan niya ng pera si Donna, agad naman niya tinanggap yon at tumango kay Leticia na para bang may kasunduan sila. Hindi ko na lang pinansin yon at tumakbo sa opisina.

"Hay! nakakahingal, late naba ako?" Tanong ko kay Azher na nakakunot ang noo.

"Why are you talking with Primo? about saan ang pinag-usapan niyo?" He asked me.

"Paano mo nalaman?" Tanong ko, agad niya naman tinaas ang phone niya na naka monitor ang cctv ng elevator. Tangina!

"Nag congrats lang siya sa'kin about sa achievements ko. Tsaka bakit naka monitor sayo yan? paano pala kung naghalikan kami sa loob ng elevator edi nakita mo." Agad naman sumama ang tingin niya sa'kin.

"Ulitin mo pa yang sinasabi mo, Selazha. Tayo ang maghahalikan sa elevator makikita mo!" Nagulat ako sinabi niya, bigla itong umupo na may kasamang mura at dabog.

Hindi ako pinapansin ni Azher. Hindi ko alam kung nagtatampo ba siya o ano, kanina pa ako daldal nang daldal sa kanya pero okay, fine lang naririnig ko. Naputol ang pageemote ko na biglang may kumatok, pumasok si Donna sa office ni Azher.

"Sir, pinapatawag po kayo ni Mr. Chua." Sabi nito, nakarinig naman ako ng mura mula kay Azher.

"Okay, stay there Selazha." Sabi nito sa'kin tumango naman ako. Agad lumapit sa'kin si Donna at dinaldal ako about sa pwedeng topic sa meetings. Binuksan ko ang bag ko dahil tumatawag si Azher sa'kin.

"Hello, Sir."

[Sumunod ka sa'kin. I need you to list down the important details.] Agad niyang binaba ang tawag.

Nagpaalam ako kay Donna na susunod ako sa meeting. Agad naman siyang sumunod sa'kin dahil pupunta din siya. When we entered the room lahat tumingin samin maging si Azher. Kaya agad kaming nag-excuse. Tumayo ako sa gilid ni Azher para ilist ang mga important details, but i see Leticia rolled her eyes on me, sinasaniban na naman siya ng kademonyitahan.

"In, January the endorsement data we also see that the rates of endorsement becoming low. We need to solve it faster, para hindi maapektuhan ang company." Sabi ni Mr. Chua. "Masyadong nasasayang ang mga gustong mag invest sa company na'tin, dahil hindi tinatanggap." Dagdag pa nito.

"You already know my strategy, Mr. Chua. Hindi agad agad ako tumatanggap ng endorsement in other company. Hindi madali ang mag papasok ng iba't ibang investors because their intentions to my company are not really good." Azher said with calm voice. "If you want to accept those investors, tanggapin mo mag-isa mo." Azher smirked to Mr. Chua.

Tinapos na ni Azher ang meeting, pakiramdam ko pinipilit talaga ni Mr. Chua na tanggapin ni Azher ang mga investors kahit alam niya na hindi maganda dulot nito. Palabas pa lamang kami ni Azher ay sumigaw na si Leticia.

"Omg! My earrings! Dad, nawawala ang earrings ko." Sigaw nito kay Mr. Chua, tatay niya pala si Mr. Chua kaya pala mukha silang patay na kuko. Inutos ni Mr. Chua na buklatin lahat ng bags.

Wala sa iba at ako na lang ang natitira na bubuksan. Agad binuksan ang bag ko at inangat ang earrings ni Leticia. Bakit nasa bag ko yan?

"You! magnanakaw ka." Sigaw ni Leticia sa'kin.

"Hindi ko ninakaw yan, hindi ko alam bakit nasa bag ko yan! Tsaka, huwag moko pagbintangan hindi ako magnanakaw." Depensa ko.

"You hired a thief, Azher!" Sigaw ni Mr. Chua, nakita ko naman ang pag-igting ng panga ni Azher.

"I believe to Selazha, hindi siya magnanakaw." Hinawi ako ni Azher at nilagay ako sa likod niya para protektahan.

"Babe, siya talaga ang kakampihan mo? magnanakaw yan." Sabi ni Leticia, agad siyang lumapit sa'kin at balak hablutin ang buhok ko. Pero agad dinepensahan iyon nang kamay ni Azher.

"You a thief! Magnanakaw na mang-aagaw pa." Sigaw nito, maraming tao ang nakatingin samin.  "All of you! huwag kayong lalapit sa babaeng ʼto, mahahawa kayo sa kalandian at pagiging magnanakaw niya!" Tumulo naman ang luha ko.

"Don't call her thief! Selazha has nothing to steal from you, lahat nasa kanya na!" Azher shouted her, agad naman itong tumakbo at yumakap kay Mr. Chua at umiyak.

"Ipapakulong ko ang babaeng yan, Azher!" Sigaw ni Mr. Chua.

"That will never be happen, Mr. Chua! Ipapakulong ko ang buong pamilya mo." Matigas na saad nito.

"Hindi ko po ninakaw ʼyan!" Basag ko sa kanila. "Hindi po ako magnanakaw, wala po akong inaagaw. Hindi ko po talaga alam bakit niyo ako pinagbibintangan sa kasalanan na hindi ko naman ginawa!" Sigaw ko at tumakbo palabas, nilamok naman ako nang mga tingin sa labas.

Pagkalabas ko ay umupo ako sa batong upuan sa tapat ng company. Iniyak ko lahat dahil ngayon lang ako ipinahiya na ganun at sinasabihan na may inaagaw at magnanakaw.

"I believe in you, Selazha." Pinunasan ko ang luha ko na marinig ko si Azher.

"Hindi ako magnanakaw, Azher. Hindi ko talaga alam bakit nasa bag ko yon, bakit sila nagagalit sa'kin?" Tanong ko dito.

"Don't think about them, Selazha. Naniniwala ako sayo." Sabi nito at pinunasan ang luha. I hugged him.

"Always remember, in a room full of lies about you, para lang masira ang tingin ko sayo. Always remember that, I will always believe you, Selazha." He whispered.

🎀 LovinglyByYours

Azher Brylle Rialego 🔛🔝

His Poison Desire Where stories live. Discover now