Chapter 27

19 3 1
                                    

Para sa kanila

Pagkatapos ng mga sinabi sa akin ni Sir Alfredo, binawasan ko ang paglabas-labas ko. Si Da naman alam niya lahat, galit na galit si Da kaya todo ang bantay niya sa akin. Inaamin ko may sama ako nang loob kay Azher, ang sakit kasi. Buntis ako sa mga anak namin, ay may nabuntis pa siyang iba bukod sa akin.

"Pinagluto kita, Isang." sabi ni Da sa akin at inabot ang sopas. Umuulan ngayon, malakas ang bagyo.

"Salamat, Da." bulong na sabi ko.

I know hindi ako deserve ni Azher. Para akong nanunungkit ng bituin na walang hawak na panungkit habang inaabot ko si Azher. Ano pa bang sasakit sa mga sinabi sa akin ni Sir Alfredo? Yes, I'm nothing compared to Leticia. I sighed.

"Stop overthinking, Selazha. Makakasama ʼyan sa mga baby mo." Dada said. I smiled at him.

Nagulat kami ni Da na may pumasok sa loob ng bahay, si Enzo kasama sila Devine at Mikana. Alam naba nila?

"Selazha, walang ama anak mo? willing ako." bungad agad ni Enzo, isang batok ang tanggap niya mula kay Devine.

"May ama sila, si Azher." I said. Narinig ko ang pag buntonghininga ni Da.

I know he is mad at Azher. Hindi ko siya masisisi, para kaming inabandona at hindi pinagtanggol ni Azher. Pero umaasa pa rin ako, babalikan niya ako kami ng mga anak niya.

"Ninang ako ah." sabi ni Mikana sa akin. Tumango ako sa kanya bilang pag sagot.

"Bumabagyo na lahat-lahat, nag susugod bahay pa kayo.." sabi ni Da sa kanila. I heard Enzo laugh.

"Naamoy ni Devine ang sopas." biro na saad nito. Sinampal naman siya ni Devine.

"Sakit.." he whispered.

They decided to stay and sleepover. Honestly, when I am with them, I feel so safe. I felt so much relief, pakiramdam ko magaan na lahat ng mabigat na dala ko.

"You okay?" I heard a deep breath. He slowly walked towards me, it was Enzo.

"Oo naman.."

"Hindi ka okay, Selazha. Inumin mo ʼto, huwag ka mag-alala pwede yan sa buntis. Inalam ko talaga ang pwede sayo." sabi niya sa akin at inabot ang isang baso na may lamang kape.

"I know it's hard, Selazha. But don't be too hard on yourself, look.." he sighed. "..I know it's been hard and heavy lately. Pero uso ang pahinga, Selazha. Be strong, nandito kami-" pinutol ko ang sasabihin niya.

"I f-feel so useless, Enzo..mabilis lang ata ako palitan." iyak na sabi ko.

Narinig ko ang pagtawa niya. "Mabilis palitan, bakit since high school ikaw pa rin?" sabi nito.

Kumurap-kurap ako sa sinabi niya. Talagang naisingit niya pa iyon ah.

"Selazha, hindi ka useless, okay? You're worth it." sabi niya sa akin at ngumiti.

Napatigil ang pag-uusap namin ni Enzo na may tumawag sa akin. Unknown number na naman, hindi pamilyar sa akin ang number. Sinagot ko ito.

"Hello.." sabi ko.

"B-Baby..." putol putol ang linya niya. Choppy siya.

"Sorry po, putol putol choppy po kayo.." I said. Narinig ko ang pag buntong hininga nito sa kabila.

"P-Please, huwag mo naman ako sukuan.." It's Azher. His voice suddenly cracked. Umiiyak siya.

"B-Baby, I'm nothing without you." he whispered. Nangilid ang luha ko dahil sa sinabi niya. Hindi ako nagsalita, pinapakinggan ko siya.

"Selazha, baby listen. Ikakasal ako..Iʼm begging you, please. Huwag mo ako sukuan..please. Promise, I'm gonna be better for you, hindi ko hahayaan ikasal ako kay Leticia.." umiyak na sabi nito.

"J-Just, please don't leave me.." he said. "Iʼm sorry.." i thought mag-sosorry siya sa pag buntis niya kay Leticia pero nagulat ako na iba sabihin niya. "...hindi kita natawagan, nawala ang phone ko. Hindi ko hahayaan ikasal ako, I will promise.."

"Binuntis mo si Leticia.." sabi ko.

"What baby? hindi ko gagawin ʼyan.." hindi ko na maintindihan ang sinabi niya na maputol ang tawag.

Dahan-dahan kong binaba ang tawag. Bumuhos ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan, bakit hindi siya nagpaliwanag na nabuntis niya si Leticia?

Hindi niya man lang sa akin binanggit na nakabuntis siya. Gusto kong magalit sa kanya, pero may side sa akin na gusto ko siyang kausapin at maintindihan. Gusto kita maintindihan, Azher..

"Si Azher nakausap mo?" Enzo. I nodded, he smiled bitterly.

Inalalayan ako ni Enzo sa higaan at kinumutan. Umalis na rin agad siya matapos ako kumutan.

Nagising ako dahil sa ingay mula sa baba. Bakit ba ang ingay ingay? Bumaba ako para tignan, hinahakot ang mga gamit namin at nagmamakaawa sila Dada na huwag.

"Huwag naman kuya, bayad naman kami sa renta ah." pakiusap ni Da. Hindi siya pinansin at patuloy pa rin sa pagkuha ng mga gamit.

"Stop that, trespassing kayo." sabi ni Mikana. Tumawa lang ang lalaking pinipigilan niya.

Pagkababa ko inalalayan pa ako ni Enzo. Kinukuha nila ang picture frame ni Meg. Pinigilan ko ang lalaki, pero hinawi niya na malakas ang braso ko kaya natumba ako sa sofa.

"Tangina nito ah!" sigaw ni Enzo. Aamba na sana si Enzo ng suntok, pero hindi natuloy dahil pumasok si Sir Alfredo. Gulat akong napatingin sa kanya.

"Get out of this house." his baritone voice covered the entire house. "Leave, Selazha. Binalaan na kita, you should listen to me.." he said.

"B-Bakit mo kami pinapaalis? bayad kami sa renta." sabi ko. "..isa pa, hindi ikaw ang may-ari nito."

"Hindi mo pa rin ako kilala, Selazha? This is mine now. And, I want you and your friends to leave. My property, my decision. Leave." diin na usal nito sa amin.

Bumuntong hininga ako. Kinuha ko ang mga gamit ko na importante at sinabihan sila Da na aalis kami, hindi na siya nagsalita pa at tinulungan ako. Buti na lang dinala ni Mikana ang kotse niya, may masasakyan kami.

Alam ko ang ginagawa ni Sir Alfredo. Tinatakot niya ako, kami. Sobrang sakit lang, mga apo niya ang nasa sinapupunan ko ngayon! Higit pa siya sa isang hayop.

"Binabalaan kita, Selazha. Umalis ka sa bansa na ʼto! Isama mo ang mga bastardo mong anak. Intendes?" usal nito sa akin at tinuktok ng malakas ang baston cane niya. Binalot ng takot ang puso ko.

Sumakay na kami sa kotse, pinilit namin ipinagkasya ang mga gamit sa sasakyan ni Mikana. Hawak-hawak ko ang picture frame ni Meg. Bumuhos ang luha ko sa sasakyan, hindi ko naisip na pwedeng ganito ang mangyayari.

Tumingin ako sa labas. Nakita ko si Sir Alfredo nakangisi at kumaway sa akin habang hawak ang baston niya.

Mahal ko si Azher, pero hindi ko kakayanin na pati ang mga anak namin mawala din sa akin. Hirap na hirap ako, hindi ko alam paano ko haharapin lahat ng mga pagsubok.

Hindi ako nagsisisi na minahal ko si Azher. Pero habang buhay kong pagsisisihan na mawala ang mga anak ko dahil sa gusto ko lang maging malayang mahalin si Azher.

Para sa anak natin, Azher. Para sa kanila..

🎀 LovinglyByYours

tagal ko bago nakapag update, huhu

His Poison Desire Where stories live. Discover now