Si BossingMaaga akong gumising para humanap ng trabaho, hindi kasi pwedeng tengga lang sa bahay at nakikisama talaga ang panahon dahil walang pasok biglang suspended daw e. Buti naman!
Bigla akong napatingin sa panyo na nakasampay sa labas. Hindi ko malimutan ang lalaking ʼyon! Bigla niyang hinablot ang cellphone ko at kinuha ang number ko. Hindi naman ako pumayag e!
Si Meg ay nasa ospital, ako lang muna umuwi sa bahay para may magbabantay. Namiss ko sila, kapag kaming tatlong sobrang ingay. Sana gumaling na si Dada. Desidido kami magsampa ng kaso kay Oscar, ang problema nagtatago siya ngayon.
Marami na din palang nabiktima si Oscar mga gay din, hindi lang si Dada ang kauna-unahan niyang nabugbog totoo raw kasi homophobic ito napipilitan lang sa isang gay para sa pera. Inaamin ko, hindi kuripot si Dada pagdating sa pera kahit samin hindi siya ganon, napansin din namin ni Meg ang pag-spoil spoil niya kay Oscar na hindi talaga kami okay.
"Kamusta si Da? Okay naba siya?" Tanong ko sa tumawag na si Meg. Bumuntong hininga ito.
"No, hindi pa okay. Hindi pa nagigising, kakabigay lang sakin ng bagong bills, ang laki na talaga need bayaran. Bakit ganon? Kakasugod lang naman ni Da kahapon ah, bakit ang taas agad?" Saad nito sa phone.
"Private ang ospital na yan, Meg. Hindi naman papayagan sa public ang ganon kalala na kondisyon ni Dada, alam mo naman sasabihin nila kulang sila sa gamit." Bumuntong hininga ulit siya at nagpaalam sakin na magbabanyo. Agad kong pinatay ang tawag, nagmamadali akong maligo para sa trabaho ko.
Wala akong pamasahe ngayon, kaya maglalakad ako. Keri pa naman, syempre hindi magigiba si Dimaguiba. Baka si Isang ʼto!
"Kuya, pwede ba magtanong." Lumapit ako kay Kuya.
"Ano iyon, Iha?" Sagot nito. "May alam po ba kayong naghahanap ng tao? Sa trabaho po. Need lang po." Tanong ko dito.
"Nakikita moba yang building na yan." Tinuro niya sakin ang building, grabe ang taas. Parang nasa 15th floor ang taas.
"Ayan, Rialego Company yan. Balita ko, naghahanap sila ng Secretary. Nagtratrabaho dyan ang anak ko, nabanggit niya sakin." Ngumiti ito pagkatapos.
"Weh kuya? Di nga?" Tumawa pa ito.
"Papasukin po kaya ako sa suot ko?" Agad siyang napatingin sakin, naka white - long skirt ako at blue na t-shirt buhaghag din ang buhok at may dalang kulay brown na bag.
"Okay ka naman tignan, Iha. Maayos naman, papasukin ka dyan." Ngumiti ako dito. "Pero mukhang hindi ka lang nagsusuklay." Napabusangot ako sa dugtong niya.
"Sige, kuya. Kapag ako nagkatrabaho ililibre kita ng suklay." Natawa ako ng bigla niyang hinawakan ang ulo niya na wala ng buhok. Agad akong umalis don para puntahan ang sinasabi niya.
Rialego Company
Agad akong pumasok sa loob, pero gulat ako na harangin ako ng guard.
"Saan po ang punta niyo, Mam? Parang biglang pasok ah." Sarkatisko niyang saad.
"Bakit kuya? Pwede ba mag apply sa labas?" Malokong sagot ko dito. Iniripan niya ako, kapal naman ng tinga nito para irapan ako.
"Ano ho ba ang pakay?" Tanong nito.
"Mag apply ako para sa Secretary. Pwede paba?" Tanong ko.
"Oo. Pwede naman, Ilang taon kana ba?" Sorry, Lord. Kailangan ko mag sinungaling sa age para kay Dada!
"18 na ako, legal age na wala pang asawa at lalo walang anak." Saad ko, tumawa ito bago ako papasukin.
Takbo ako habang hinahabol ang pagsara ng elevator, YES! nakahabol pa. Hingal na hingal ako habang nakapikit sa elevator, pero sa pagmulat ko ng mata may isang lalaki.
Very handsome, very yummy. Gago, Selazha kaharap mo na ang prince charming mo! Swerswe! Nabalik ako sa wisyo na marinig ang pagtikom niya.
"Stop staring at me." Hoy! What to the Fuck! Nakakapanghina ang boses.
"Di uy, ba't kita titigan? Feeling ka." Tapang na saad ko.
"Tss. You staring at me and I'm not being so delusional to assume that you are really staring to me. Because it's true, you definitely examine my whole body." Ansabee?????!!
"Hoy, hindi kita titigan. Ano akala mo type kita? Yuck." Saad ko. Kunot noo siyang tumingin sakin. Ba't ang tagal ng elevator?! 9th floor na, please. Hanggang 12th floor pa.
"Do you know me?" Walang emosyon na saad nito. Lumapit siya sakin, papalapit ng papalapit. Napanood ko na ito e icocorner sabay hahalikan.
"Who you?" Supladang saad ko dito, ang tagal please lang papakain na ako sa lupa.
"Primo Vien Rialego." Tipid na sagot nito at lumayo ulit. Rialego?? Ibig sabihin si Bossing pala ito.
"Bossing?" Ngiwing saad ko. "Si Bossing pala to e." Sipsip to the max! Aapir sana ako kaso biglang bumukas yung elevator agad na lumabas si Bossing.
Ang tanga mo, Isang. First day palang si Bossing agad inaway mo, pero okay lang ang pogi e.
Primo pala ah, from now on nasa crush list na kita hihi (^_-)
Hindi pa man ako nakakapunta sa pag-aapply-an ko. Halos malusaw na ako tingin ng mga tao. May mali ba sa akin? Dugyot ba ako tignan?
Hindi ko na lang pinansin ang mga tinginan nila sa akin. Marami akong pinagtanungan kung saan pwede mag apply for secretary pero hindi nila ako pinapansin. Siguro dugyot na dugyot talaga ako!
Tumatakbo ako ng mabilis. Hanggang sa hindi ko napansin ang lalaking nakatalikod, nabangga ko tuloy ang likod niya! Tigas!
"Ikaw na naman?" sabi ko at hinilot ang noo ko. Tinaasan ako ng kilay ni Primo.
"Miss, this is not a playground. Hindi ka pwedeng tumakbo-takbo dito." sabi nito sa akin. Tinaasan ko rin siya ng kilay.
"Nagmamadali ako, bossing. Hindi ko makita saan pwede mag apply for secretary. Ikaw ba alam mo?" tanong ko sa kanya. He smiled at me.
Tumikhim ito. "Of course." he said. Agad nagningning ang mata ko dahil sa wakas may makakapagturo na sa akin.
"Saan po?"
"Hindi ko sasabihin." he chuckled. Lalo akong nainis dahil sa pang-aasar niyang ito. Pero kahit ganoon, crush ko pa rin siya!
"Nakakainis naman e!" pagmamaktol ko sa kanya. Lalo siyang tumawa ng malakas.
Iniwan ko na lang siya doon habang tumatawa. Narinig ko pa ang pagtawag niya sa akin pero hindi ko na siya nilingon. Sobrang nakakaasar e!
Pero inaamin ko ang sexy niya tumatawa. Kung si Primo lang naman ang mang-aasar sa akin araw-araw, why not?
🎀 LovinglyByYours
YOU ARE READING
His Poison Desire
RomanceAzher Brylle Rialego was one of the most famous CEO and also a man who have a power and authority to drag everyone by his connection. But he is also a man who have a serious aura, unbelievable looks, and also poisonous desire. But one day, Azher Ria...