Chapter 30

16 2 0
                                    

Hinihintay ko tawagan ako ni Azher. Pero kahit anong hintay ko, wala pa din. Maybe he really gave up on me, hindi ko naman siya masisisi pagkatapos ko siyang itaboy nung araw na iyon.

"Selazha, are you really sure about this, diba?" Devine asked me. I nodded.

"Yes. I think I have made the best decision ever, girl. I always think about the best for my babies and also...A-Azher." I whispered his name.

Dumating sila Enzo at si Mikana para ihatid kami sa airport. Si Danzel naman ay sasama na din sa America since gusto namin ni Devine na may kasama siyang mag-aalaga sa akin kapag nanganak na ako. I agree about the concept of being private-i realize that keeping everything in private is the best decision I have ever made.

"You look so pale, Isang. Look at your lips, nagbabalat." Mikana said. I smiled at her.

"Pagod lang siguro."

Lumapit ito sa akin at pinahiran ng lip gloss ang labi ko. "It's better now. Matulog ka sa flight, okay? Don't overthink a lot. Always pray." she hugged me tight.

I nodded. "Thank you, mamimiss kita."

"Mamimiss din kita, Selazha. Aalis din naman ako dito sa Pinas, pumayag na ako sa offer ni tita na sa Italy na ako mag-aaral. Since I was planning to help them sa bakery, habang nag-aaral nagtotosta ng tinapay." she chuckled.

I heard Enzo jokily coughing. Papansin na naman ito.

"Selazha, ako ba hindi mo mamimiss?" nag-pout ito.

Siniringan ko siya at lumapit sa kanya. Isang yakap ang binigay ko sa kanya, tinapik ko pa ang balikat niya.

"Ingatan mo sarili mo, Enzo. Sana pagbalik ko sa Pinas, hindi kana bangko." tumawa sila Devine dahil sa sinabi ko, samantalang umiling naman si Enzo.

"Bangko ako sa kwento niyo." sabi nito sa amin.

"Anong sa kwento lang namin? Tanga, pati sa kwento ng iba." pagbasag ni Dada sa kay Enzo

Umirap sa kanya si Enzo, agad kaming natawa sa reaksyon ni Da dahil don. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na mapaluha dahil mamimiss ko talaga ang kengkoy na ʼto.

"Tandaan mo, Selazha. Handa akong maging tatay ng mga anak mo kapag hindi pa kayo pinaglaban ng Azher na ʼyon." seryosong sabi niya. Binatukan ko naman siya.

Ilang minuto pa ay nagpaalam na kami. Aalis na ang eroplanong sasakyan namin, nakatitig ako sa bintana ng eroplano. Umaasa ako na tatakbo si Azher at isisigaw ang pangalan ko para hanapin, katulad ng nasa telserye. Pero sa nakikita ko, mukhang malabo na.

"Mabuhay! Enjoy and relax the flight. Inform us if you need help. Be Comfortable to inform us, Madam." sabi ng babaeng nasa harapan namin. Ngumiti kami sa kanya.

Halos 16 hours at ilang minuto din ang byahe namin papuntang United States and honestly, hindi ako makatulog kakaisip kay Azher. Nakakapagod! nag-stay muna kami sa isang hotel. Umorder kami ng makakain namin, sa kanila pwede ang may oil pero sa akin puro gulay.

May oras din ang pag-inom ng vitamins ko, laging sinisigurado ni Danzel na makainom ako ng gamot.

"Inumin mo na ang gamot mo, hintayin mo ako dito bibilhan kita ng coat. Doblehin natin ang suot mo, nagiginawan kana at hindi ka sanay dito." sabi ni Danzel. Sanay na siya dito kasi nadala siya dito noon ni Oscar, out of the country muna bago bugbog berna.

Humiga ako at huminga ng malalim sa kama. Hinawakan ko ang tiyan ko at dahan-dahang hinimas iyon, masyadong matigas ang tiyan ko ngayon dahil malamig.

"Hello, my babies! I will take a rest para malakas si Mama, okay? Sana okay kayo dyan sa tiyan ni Mama, masyadong masikip kapag fully develop na kayo. Huwag niyo kulitan ah..." ngumiti ako at hinimas pa ang tiyan ko.

Naisip ko si Azher, siguro kinakausap niya rin ang anak niya sa tiyan ni Leticia habang hinihimas at hinahalikan ʼyon. Masakit para sa akin na may iba pa siyang nabuntis bukod sa akin, tapos pinilit niya pang itanggi ʼyon. Siguro mas higit pa talaga sa akin si Leticia, dapat kasi simula pa lang tanggap ko na ʼto!

Nagulat ako na mag vibrate ang phone ko. Natuwa ako dahil si Mikana at Enzo iyon, nag mini blog pa sila para update sa akin. Pinanood ko ang video at ngumiti.

"Hey, wassup my one and only subscriber and also viewer! How's your day? Ingatan mo ang pagbubuntis mo, bumalik na kayo rindido na ako kay Mikana." sabi ni Enzo. Isang pingot ang natanggap niya kay Mikana.

"I can't wait na umalis ng bansa para hindi na makita pagmumukha mo! You annoying me a lot!" inis na usal ni Mikana kay Enzo. Tumawa naman ako at hindi mapigilan mapahagikgik dahil sa kurutan na ginagawa nila.

Pwede silang dalawa ah.

Pagkatapos ng video ay nagsend naman ako sa kanila ng boomerang. Nag take din ako ng pictures, sinend ko iyon sa kanila. Hindi ko na hinintay ang reply nila, dahil inaantok na talaga ako.

Papikit pa lang ako ay sumakit na ang tiyan ko. Hindi ko mapigilan mapasigaw dahilan para pumasok si Devine sa kwarto ko.

"Omg! Dinudugo ka, Selazha! Putangina." napatingin ako sa baba ng hita ko. Halos manlamig ako dahil dumudugo nga iyon, hinawakan ko pa para siguraduhin.

"D-Devine... p-please, take me to the hospital. Ang mga anak ko..."

Hindi mapakali si Devine at inakay ako. Biglang dumating si Dada at nagulat siya sa nakita, hindi na siya nagtanong basta inalalayan niya na lang ako. Pinasok ako ni Devine sa kotse niya at humarurot siya. Hindi ko na mabilang ang dasal ko kay Lord para sa mga anak ko, hindi ko kaya! Hindi ko kakayanin na pati sila mawala.

"Please, help us! Help my friend immediately.." sigaw ni Devine sa Doctor, sakay ako ng isang wheelchair.

Hindi na sila naghintay pa ng ilang minuto dahil tinulungan na agad ako. Hinang-hina ako ng ihiga ako sa kama. Wala na akong ibang maalala dahil unti-unti ng pumipikit ang talukap ng aking mga mata.

I woke up with dizziness. I totally didn't remember anything when I passed out. My eyes started to tear up, I remembered my babies. Agad akong bulikwas sa pagkakahiga, hinahanap ng mga mata ko si Devine at Dada. Kinapa ko ang tiyan ko, natatakot ako na baka wala nang laman ito.

Biglang may pumasok sa kwarto ko. Si Dada. "Thanks, God! You're awake na." sabi nito sa akin. My face suddenly turned into wondered about what happened.

"Kamusta ang mga anak ko? Ilang araw ba ako nakatulog?"

He sighed. "2 days kang tulog, girl." kinabahan ako dahil hindi niya sinagot ang isa kong tanong.

"K-Kamusta ang mga anak ko?" taranta akong nagtanong sa kanya.

Lumungkot ang mukha nito, nakaramdam ako ng takot dahil sa itsura ni Danzel. Hindi ako makahinga ng maayos at hinintay ang sasabihin niya.

"Ayos sila, gaga. The doctor informed me na stress and you feel exhausted ka raw this past few days kaya naapektuhan ang pagbubuntis mo. Sinabi niya pa na ingatan mo sa susunod at hindi gaano mahigpit ang kapit ng mga bata. Be careful, next time. Selazha." he said. I let out a heavy breath after what he said.

"I...pray to God na sana huwag niya kunin ang mga anak ko. Hindi ko kakayanin kung pati sila mawawala pa sa akin." I whispered. Naramdaman ko ang pag yakap sa akin ni Da.

Pumayag ang Doctor na umuwi na kami. Pinayuhan niya ako at binigyan ng mga gamot, pati ang rules ay sinigurado niyang meron ako. Binigyan niya pa ako ng isang booklet about sa advantages and disadvantages ng mga nakasanayang gawin na hindi pwedeng i-adopt kapag buntis na.

Inalalayan ako ni Devine sa kwarto, pinagtimpla pa ako ni Danzel ng gatas. Para akong lumpo ngayon sa trato nila sa akin, pero masaya ako! Imagine, having this kind of friends are rare to find.

"Oh...bell, kalugin mo lang kapag kailangan mo ako ha. Kung iihi ka, tawagin mo ako gamitin mo ʼyan." nginitian ko si Dada.

Umalis na si Dada at hindi gaano sinarado ang pintuan ng kwarto ko para marinig niya ang bell. Binuksan ko saglit ang phone ko, tinignan ko isa isa ang story ng mga friend ko hanggang sa napadpad ako sa story ni yourHusband, picture iyon ng isang eroplano.

Binasa ko ang caption nito.

"I will wait for you, my baby. Sa ʼyo pa rin ako uuwi. Te amo, mi amor."


: ))

His Poison Desire Where stories live. Discover now