Isang taon pa ang nakalipas matapos namin ni Primo mag-usap, ginawa ko lahat para maprotektahan ang mga anak ko. Pero sa awa ng Diyos, wala naman kilos sila Sir Alfredo para kunin ang mga anak ko.Napapansin ko ang malaking pagbabago ng katawan ni Emi. Nagrerecover siya pero bumabalik ulit ang sakit niya. Lalo siyang namanas at kahapon lang ay pinakalbo namin siya, pinapalakas ko ang loob ni Emi para hindi siya makaramdam ng lungkot. Pero habang pinapalakas ko si Emi, ako naman ang lalong pinanghihinaan.
“I cook this just for you, baby Emi ko.” sabi ko. Patuloy pa rin siya sa pagtanggi, ayaw niyang kumain.
Hindi ko na siya sa hospital cinonfine dahil ayaw niya. Dito ko na lamang siya sa bahay pinapagaling, araw-araw naman may nagche-check up kay Emi at hindi ako nagkukulang sa pag-aalaga sa kanya.
"Baby, please. Eat this para maging malakas ka.”
Akmang isusubo ko na ang pagkain sa kanya na tabigin niya ang kamay ko. Kumalat sa sahig ang niluto kong sopas para kay Emi, kasabay non ang pagtalbog nang puso ko.
“I told you, Mama. Ayaw ko po!” sigaw nito. “I-I hate you, Mama. You always want me to eat.” umiiyak na sabi nito.
“You hate me that much? Masama bang gusto lang ni Mama na gumaling ang baby Emi niya?” umiling ito. Hindi ko na napigilan ang pag-iyak ko.
Isang haplos ni Emi sa balikat ko lumambot na agad ako.
“Sige na po, I will eat na. I'm sorry po.”
Pagkatapos kumain ni Emi ay pinatulog ko na agad siya. Pagod ako, pero mas pagod ang anak ko. Gutom ako pero alam ko kulang ang kain ng anak ko.
“We don't have enough money para sa next week chemotherapy ni Emi, Isang.” sabi ni Devine sa akin habang kausap ko siya sa phone. I sighed.
“Gawan na lang paraan, hindi naman pwede na hindi mag chemotherapy si Emi.” I said.
“Why would you ask for help kay Azher? Balita ko nabawi niya na ulit ang Rialego Company.” halos mapaso ang labi ko sa iniinom kong kape, ang bilis ata?
“Wala akong plano humingi ng tulong sa kanya. Kakayanin ko ʼto para sa mga anak ko.”
Binaba ko ang tawag at naglinis ng katawan. Ilang days na ako hindi nakakapag-online sa mga social media ko, gusto ko rin tawagan si Dada para sa update sa kaso pero laging busy.
Habang abala ako sa pag-aayos nang gamit ni Emi ay biglang nag-ring ang phone ko. Hindi pamilyar sa akin ang number pero sinagot ko pa rin.
“Hello?” sabi ko. Hinintay kong may sumagot at nakarinig ako ng pagtikhim mula sa kabilang linya.
"Hello po? Bakit kayo napatawag? Wrong number po ata kayo.” sabi ko.
“Prank call ba ʼto? Wala akong plano makipag-biruan sa inyo ha.” sabi ko at padabog na binaba ang tawag. Iba na talaga mga tao ngayon! Lahat na lang ipa-prank call.
Hindi pa ako nakakalingon ay nag-ring ulit ang phone ko. Ano ba yan? Another prank call na naman?! Uso talaga ito sa America!
“Who are you? Stop calling my number. Fuck you!” sigaw ko.
"Selazha.” a familiar voice suddenly speak. Mahina lang ito na para bang nanghihina.
"Who are you? Bakit mo ako kilala?”
“A...zhe to*toot*.....” hindi ko na maintindihan ang sinabi dahil masyadong choppy.
I decided to power off my phone para maiwasan ang mga prank calls. Lagi na lang kasi akong biktima niyan, buti na nga lang hindi ako nagpapadala sa mga prank calls. Dati nga may nag prank call sa akin, pinapabalik ako sa Pilipinas. At ang gusto pagbalik ko sa Pilipinas ay magsama na kami!
Speaking of Pilipinas, binabalak ko na rin bumalik dahil nga sa kaso ni Meg pero kailangan gumaling muna si Emi bago ko sila dalahin sa Pilipinas. Gusto ko rin makita na nila Enzo ang mga anak ko pero kailangan maayos ko muna ang health condition ni Emi.
“Mama.” tawag sa akin ni Earl.
“Yes, baby?”
“Are you free tomorrow po, Mama? We have a family day po.” ngiting sabi ng anak ko. Kinder na si Earl at Evan pero si Emi hindi ko muna siya pinapasok sa school.
“Oo naman anak.” I smiled at him.
"But where's Dad?” nangatal ako sa tinanong sa akin ni Evan. Bigla itong sumali sa usapan at binitawan ang laruan niya.
“A-Ah...busy ang Dad niyo sa work.” pagsisinungaling ko. Ayokong magalit sila kay Azher kapag sinabi ko na may iba na pamilya ang tatay nila.
“You always say that to us, Mama. We know that our Dad is busy with his work po but we want to see him.” Earl said. I took a deep breath bago ko sila niyakap ni Evan.
“Namiss ko talaga kayo. Pero amoy sour candy na kayo, go take a bath na.” sabi ko. Hindi naman nila napansin ang paglihis ko sa usapan namin. Ayokong pag-usapan si Azher, ayoko makita nila ang tatay nila.
Selfish na kung selfish. Wala siyang karapatan sa mga bata, hindi ko siya kasama sa mga panahon na nahihirapan na ako at napapagod ako. Karapatan ko rin maging madamot.
Pagkatapos maligo nila Earl at Evan at pinatulog ko na sila. Sinilip ko naman saglit si Emi na hanggang ngayon ay natutulog. Sobrang sarap makita si Emi na payapa matulog at hindi umiiyak dahil sa sumisikip ang dibdib niya, buti nga stable na ang paghinga niya ngayon.
Nagulat naman ako na biglang mag-ring ang phone ko. Sinagot ko ito na makita na si Enzo ang tumatawag.
“Hello.” bati ko.
“Kumusta na kayo dyan, Selazha? si Emi ayos lang?” tanong nito sa akin.
"Ayos naman kami at maayos na rin si Emi. Ano nabang balita dyan at napatawag ka? Nakabuntis ka?” ngumisi ako at tinawanan siya.
"Oa mo. Hindi ako nakabuntis! May itatanong lang sana ako sayo.” he whispered. “Ano magandang brand ng napkin?”
Halos sumakit ang tyan ko katatawa sa narinig ko kay Enzo. Seriously?
“Gago, ikaw ata hindi ayos dyan Enzo e.” pang-aasar ko sa kanya.
“Wala ka talaga kwenta kausap at tanungan, Isang! Ano nga?” inis na usal nito.
“Para kanino ba?” takang tanong ko sa kanya.
“Kay Mikana.” I heard his sighed. Napailing na lang ako. Oh! I remember nililigawan niya nga pala si Mikana.
"Whisper bilhin mo, with wings.” sabi ko sa kanya.
"W-With wings? Hindi kaya liparin si Mikana?” takang saad nito. Halos magkakabag na ako kakatawa sa mga pinagsasabi niya.
"Basta sabihin mo with wings. Bilisan mo na, mababawasan pogi points m—” pinatay nito ang tawag. Hindi man lang nag thank you sa akin?!
Sa 4 years na nandito kami sa America maraming nagbago kay Enzo. Sinubukan niya akong ligawan noon, pero ayoko talaga dahil mas nag focus ako sa mga anak ko. I'm glad that Enzo understand what my responsibility is, and now sobrang saya ko dahil nahanap ni Enzo kay Mikana ʼyong hindi ko talaga kayang ibigay sa kanya.
1 year na rin nanliligaw si Enzo kay Mikana, masasabi ko lang super bagay sila para sa isa't isa. Hindi pa man sila e sinusuportahan pa rin nila ang isa't isa, lalo na hindi tutol si Enzo sa pag mo-modeling ni Mikana at masaya ako para don.
Dahil sa ilang taon na gusto talaga ni Mikana mag modeling she has no support system, even her family didn't support her dreams. Pero dahil nandyan si Enzo to support her, na-achieve niya ito. Si Enzo rin ang reason bakit pinili ni Mikana mag-stay sa Pilipinas although their family business in Italy needs her, she chose to stay with Enzo.
YOU ARE READING
His Poison Desire
RomanceAzher Brylle Rialego was one of the most famous CEO and also a man who have a power and authority to drag everyone by his connection. But he is also a man who have a serious aura, unbelievable looks, and also poisonous desire. But one day, Azher Ria...