Chapter 9

24 6 0
                                    


Wife

Ang taas pa rin talaga ng lagnat ni Boss, hindi ko na alam ang gagawin ko dahil nagpapauwi siya sa bahay niya at may mga meeting pa siya. Icacancel yon? Sayang yon.

I know my Boss Azher. Magaling siya kumilatis, hindi agad-agad siya tumatanggap ng mga investors dahil hindi niya naman alam ang intensyon non.

Siguro advantages na rin ng Rialego Company na may CEO sila na magaling sa ganito.

"Sumama ka. I need you to take care of me. This is your job." Utos nito sakin. Secretary pinasok ko hindi nurse mo.

"Diba po ngayon ang meeting niyo with foreign investors? Aalisan niyo po sila?" Tanong ko dito.

"Cancel that." Ikli na saad nito. Sayang naman kung icacancel, malaking kompanya yon galing sa ibang bansa. Agad kong crinoss out ang meeting scheds niya.

Malaki ang Rialego Company. Siguro kada buwan million ang kinikita ng company ni Azher, baka nga hindi pa buwan ʼyon, siguro mga linggo lang.

Sinuot niya ang t-shirt na gray na nakatago sa secret room. Kitang kita ang mga muscles niya kasi silk ito. Kinuha niya ang braso ko binigyan ko siya ng pakarat kaba look.

"Tss. Nahihilo ako, I need your arms to hold on." Agad na dahilan nito, tumango na lang ako.

Azher have a poisonous aura, kapag nakita mo siya sa daan para kang nalalason sa dating niya. Alam niyo ʼyong crush ng bayan? Parang ganon ang look ni Azher. Maraming nagkakandarapa sa kanya, sa totoo nga kaya niyang hilahin lahat ng mga babaeng makakasalamuha niya.

Pero ngayon puro siya dahilan, hindi niya na lang aminin na crush niya ako. Hindi maitatanggi na sobrang gwapo ni Boss, pero syempre hindi naman niya maitatakbo sa akin ang bataan.

Paglabas namin puro bulungan at tinginan ang sumalubong sa amin. Napapatingin sila sa paghawak ni Azher sa braso ko.

"Type ba siya ni Boss? Maganda siya oo, pero hindi sila bagay." Bulong ng isa.

"At sinong bagay? Kayo? Huwag ka nga assumera dyan, ni hindi ka umabot sa ganda ni Selazha." Bulong ni Donna, nginitian ko siya at binigyan ng look na galing mo talaga look, nginitian niya naman ako pabalik.

Si Donna siya yung babaeng nagpatanungan ko nung una ko pa lamang dito. Naging close naman agad kami dahil sa friendly siya at friendly din ako.

Sumakay kaming dalawa sa sasakyan. Agad niyang pinatakbo yon ng mabilis. Halos gumulo ang buhok ko dahil sa sobrang bilis non.

"Baba." Saad nito. Edi bababa na.

Sa labas ng bahay pa lang kami sobrang ganda na. Paano pa kaya sa loob? Agad na bumukas ang gate kahit walang tao, shet. Automatic ang gate!

Ang ganda! Ganito pala talaga ang mayayaman 'no? Gagaganda ng bahay. Agad umupo si Boss sa sofa, humawak ito sa sintido niya.

"Boss, dyan ka lang paglulutuan kita. May sabaw po mas maganda, magpahinga ka po." Tinignan niya ako, why? May dumi ba mukha ko?

"Are you sure? You won't get tired if you cook for me?" Tanong nito.

"Hindi naman, sanay na. Okay ba sayo yung sinigang?" Tanong ko dito, kumunot ang noo nito.

"Sinigang? What's that?" Umiling-iling pa ako. Hindi niya alam yon? Halos lahat alam yon.

"Basta masarap, Boss." Sagot ko. Hindi ko na hinintay na sumagot siya, agad akong nagpunta sa kusina muntikan pa ako maligaw dahil sa sobrang laki ng bahay. Pagpunta ko sa kusina ay hinanda ko na ang ingredients na kailangan ko, ang cute lang kumpleto lahat dito. Kaso nga lang walang kangkong, sayang.

Tapos na ako magluto at naghahanda na ako para ibigay kay Azher. Mas maraming talong at labanos dahil walang kangkong. Pagpunta ko sa sala ay nakahiga pa din ito, hindi pa nakahubad ang sapatos niya nako madudumihan ang sofa. Nilapag ko ang pagkain sa mesa at hinubad ang sapatos niya, infairness araw araw nasa opisina si Boss hindi mabaho paa.

"Boss, gising. Kain napo, pagkatapos nito makakatulog na kayo uuwi na din po ako." Inalalayan ko siya tumayo.

"No. Hindi pwede, gabi na Selazha, delikado sa labas. Matulog ka dito." Saad nito. Gusto ko pa sana magsalita kaso halata sa kanya na hindi talaga siya papayag.

"Ano, Boss?" Bakas ang liwanag sa mata ko ng tikman niya ang luto ko, tumawa pa ako dahil nangasim siya.

"Good. This is my first time to try this siginang." Tawang tawa ako dahil sa sinabi niya. Naputol lang ang tawa ko dahil tumunog ang phone niya.

"Hello? What? Oh. Fuck, Where's Mom? Papunta na? She wants to meet my wife? The fuck. She's not my wife yet." Sunod sunod na saad nito. Wife?

"Hilig mo sa minor e Hahahahaha!" Rinig ko sa tawag sa kabila. I think it's Drake, pamilyar ang pang-aasar at tawa niya.

"Fuck you, Drake." Gigil na binababa ni Azher ang tawag.

"Fix yourself, Selazha. Can you please pretend to be my wife?" Pakiusap nito sakin. "I know what happen to your friend, Danzel Hernandez. I can help you to pay those finances and bills. As soon as possible, pwede siyang lumabas just help me." Nagtataka man ako bakit niya kilala si Dada ay tinanggap ko ang offer niya, oo tinanggap ko para kay Dada.

"Sige, tutulungan kita. Basta ipangako mo na ikaw ang bahala, Boss." Saad ko.

"Don't call me Boss infront of my Mom." Saad nito.

"Umisip ka nang itatawag sakin. She needs to see what actually marriage couples are sweet to each other." Dagdag pa nito.

"Uhm. Baby ko?" Saad ko.

"No."

"Asawa ko?"

"No."

"Mhie and Dhie." Kumunot agad ang noo niya.

"No, cringe."

"Sinta ko?"

"What the fuck those cringe endearment!" Gigil na siya.

"Hubby?" Nginitian ko siya. Nakita ko ang pamumula ng tenga niya, galit paba siya?

"P-Pwede na." Sagot nito.

"Okie dokie, Hubby." Lalo siyang namula dahil don.

Kinikilig siguro si Azher, kapag ayan hindi nakatulog hindi ko kasalanan.

🎀LovinglyByYours
(^_-) hindi ayos ang english, sorry huhu.

His Poison Desire Where stories live. Discover now