Chapter 12

19 6 0
                                    


Edong

Papasok na muna ako sa school, totoo na papasok na ako para maayos ko na ang mga kailangan kong habulin. Tinupad naman ni Azher yung promise niya sakin na siya ang bahala sa mga bills sa ospital, at totoo nga bayad na ito kaya nagugulat si Meg kasi bayad na pero hindi ko sinasabi na galing kay Azher yon, sinasabi ko na lang baka galing yon sa concern citizen na nagbibigay tulong kay Dada kasi nag post kami na humihingi kami ng tulong, pero alam ko nagtataka pa din siya.

"Ms, Dimaguiba sa wakas pumasok kana." Bungad ni Ms. Peralta sakin ang adviser ko.

"Umm...Yes po. Sunod sunod lang po talaga ang mga emergency, hindi po ako nakapasok." Bumuntong hininga naman ako at nilapag ang gamit ko sa upuan.

"No need to worry, may nagpapaalam naman sayo kapag wala ka dito." Saad niya. May nagpapaalam pa lang e, ba't ang oa ni Mr. Torres na no excuse daw ako, pero sino?

"Po...? Sino naman po?" Nginitian niya ako at kinindatan.

"Secret, huwag daw sabihin sayo." Aalis na sana ito ng bigla pa siyang may pahabol. "Mukhang type kapa nga." Tuluyan na siyang umalis, iniwan niya ako na nagtataka pa din.

Pagkatapos ng apat na subject ay breaktime na namin, lumabas ako at maingat na pumunta sa likod ng school. Sana nandito sila Edong at Totit. Agad akong nagpalinga-linga ay ayan nga, Si Totit pero si Edong wala? Imposible naman yon.

"Pst...Totit hoy!" Tawag ko dito. Lumingon pa ito kung saan saan hanggang sa nahagip ng mata niya ako. Agad siyang nabuhayan at maingat na inakyat ang bakod.

"Long time no see, Totit. Namiss kita." Niyakap ko siya ng makalapit siya sakin. Tuwang tuwa si Totit habang yakap ko siya.

"Nga pala, si Edong?" Naalis yung tuwa ni Totit at bumitaw sa pagkakayakap sakin. Tumulo sunod-sunod ang luha ni Totit, nagtataka ako.

"B-Bakit ka umiiyak? Si edong?" Lalo pa siyang umiyak, halos hindi na makahinga ito.

"Ano ba?! Asan ba siya? Huwag mo ako iyakan, ano ba? Pati ako naiiyak. Ano bang nangyari?! Bakit ikaw lang mag-isa dito?" Sunod-sunod na tanong ko sa kanya.

"A-Ate, wala napo si edong...." Bulong nito sapat na para marinig ko.

"Anong sinasabi mo? Lumipat na sila?"

"P-Patay napo si edong." Tumawa ako ng mapakla sa sinabi niya. B..Biro lang sana.

"Hoy, totit ha! Gago ka talaga magbiro.." Mahina siyang umiling, bumagsak ang mga luha ko na kanina pa nagbabadya.

"W-Wala napo si edong...B-Binugbog po siya ng Papa niya hanggang mamatay." Hindi..Hindi pwede, hindi pwede mawala si edong.

"Nakadroga po ang Papa niya akala niya demonyo si edong, akala niya kaaway pinaguumpog niya sa pader si edong at pinaghahampas. Umiiyak si edong, ate. Gusto ko siya tulungan, kinakalampag ko yung pinto nila pero nakalock. Ate si edong, sabi ni edong sakin tulungan ko siya tinatawag niya ang pangalan ko. Sana hindi ko na muna siya pinauwi, ate...E-Edong.." Iyak siya ng iyak habang nagsasalita, napaluhod ako sakit na nararamdaman ko ngayon.

"A-Ate, sabi ko tutulungan ko siya hanggang kaya ko. Kaibigan niya ako eh, tropa kami kaya dapat pag may masakit sa kanya nasa tabi niya ako.. Pero habang binubogbog siya, hinahampas ng kahoy ng tatay niya wala akong magawa. Sabi ko sa sarili ko ate, si edong siya na lang natitira sakin..Siya na lang ang kaibigan ko pati ikaw, akala ko ate kaya kong maging laging nasa tabi ni edong pero hindi ko nagawa..Akala ko sapat na yung lagi kaming magkalaro, akala ko lang pala." Niyakap ko si Totit, hindi tama na sisihin niya sarili niya.

"Tinawag ako ni edong eh! Bakit kasi bata pa ako? Hindi ko man lang nabuhat si edong habang duguan pasugod sa ospital..." Hinawakan ko ang mukha niya at pinunasan ang mga luha niya.

"Hindi mo kasalanan, Totit. Hindi mo dapat sisihin lahat yon sa sarili mo, hindi mo alam na mawawala si edong. Kung makikita ka man ni edong hindi siya matutuwa kasi sinisisi mo sarili mo, hindi dapat.." Parang kapatid ko na si edong, sobrang sakit sobrang bigat.

"Si edong akala ko dati duwag siya, ate. Kasi po kahit sa ipis todo tili na siya, pero ate kinaya niyang lumaban, hindi po dapat maranasan ni edong yon, diba po? Lalo pa sa kamay ng papa niya." Hingal na saad nito. "Si edong, siya ang pinaka matapang na kaibigan ko, siya lang po ang bestfriend ko. Akala ko po dati sanay napo ako mawalan kasi wala na din naman po akong mama at papa, lolo at lola na nga lang ang meron ako pero nung nakita kong wala na si edong, ang bestfriend ko hindi pa po pala ako sanay.." Dagdag niya pa. Sa murang edad ni Totit, hindi niya dapat nararanasan to.

"A-Anong sabi ng Papa niya? Narealize niya bang anak niya yon?" Saad ko. Umiling ito.

"H-Hindi po, ate. Nung nakita niya ngang wala nang buhay si edong, imbis na itayo niya at maisip na anak niya yon at isugod sa ospital yung anak niya, pinagsisipa niya pa sinabi pa niyang napatay niya yung kaaway niya." Lalo akong nasaktan sa narinig, bakit niya yon nagawa sa sarili niyang anak?

Matapos namin mag-usap ni Totit ay pinauwi ko na siya para ipagpahinga ang isip niya, trauma ang nakuha niya. Dadalawin ko si edong sa sementeryo kapag may free time ako, hindi pwedeng hindi ko siya pupuntahan. Nagpunta ako pagkatapos non sa rooftop ng school, doon ko binuhos ang lahat ng sakit na nararamdaman ko na hindi ko nalabas kanina dahil ayokong maging mahina sa mata ni Totit.

Nagulat ako na mag vibrate ang phone ko. Binasa ko kung kanino galing, si Primo. Ha? Si primo???

Primo :

Want some ice cream? I saw you kanina, umiiyak sa rooftop.

Me :

Bakit mo alam ang number ko? At bakit chismoso ka?

Naghintay ako sa reply niya at mabilis naman agad itong nag reply.

Primo :

Daming tanong. Ano gusto mo flavor ng ice cream? Kita tayo mamaya sa malapit na 7eleven dyan sa school.

Agad akong nagtipa ng reply.

Me: Cookies and cream.

Masaya ako na nag text sakin si Primo, pero yung curiousity ko bakit nasa school siya kanina at bakit alam niya number ko. Agad naman itong nag reply.

Primo :

Okay, cookies and cream noted. 6pm paglabas mo, kita tayo. Don't cry, Selazha.

Agad akong napangiti sa nabasa, masaya ako dahil gusto niya pagaanin ang loob ko sana huwag mixed signals ito, kotang kota na ako!

🎀 LovinglyByYours

His Poison Desire Where stories live. Discover now