I took a deep breath before calling Mrs. Rialego, I hope she picked up her phone. Inaasahan ko na matutulungan niya ako. Para sa mga kaibigan ko ang ginagawa ko. Kinagat ko ang pang ibabang labi ko na mag simula ito mag ring. Answer the phone, Ma'am Lucy.Hindi niya sinagot. I attempt to call her again, baka busy lang siya. Kinakabahan ako na tinatawagan siya ulit. Finally! Sinagot niya.
“Umm, Mrs Rialego?” I said.
“Speaking. Who's this?” sabi nito sa kabilang linya. Tumikhim ako.
“S-Selazha po, Ma'am.”
I heard Ma'am Lucy sighed. I hope she wasn't mad at me after what happened.
“Bakit ka tumawag, Selazha? What do you want from me and my son?” pabulong na sabi nito.
“I'm sorry, Ma'am Lucy. Gusto ko lang makausap si Mr. Alfredo.”
Tumawa ito sa kabilang linya. “No! Hindi pwede. Sinira mo ang anak ko, lahat ng pinaghirapan ko para kay Azher nasayang because of you! After all, you deserve what happened to you, maybe that is your karma.” sabi niya. “Hindi mo pwedeng makausap ang asawa ko!”
Nagulat ako dahil sa narinig. Hindi ko inaasahan na sa kanya manggagaling ʼyon. Kilala ko si Ma'am Lucy, hindi siya tutol sa amin ni Azher at lalong gustong gusto niya ako noon. Anong nangyari ngayon? Bakit parang sinusuka niya ako?
“Please, Ma'am Lucy. Para sa mga kaibigan ko na lang, tinanggalan niya po kasi ng scholarship si Enzo at siniraan si Devine sa law school na papasukan niya. Gusto ko siyang paki-usapan, tinupad ko naman ang gusto niya. Lumayo ako kay Azher.” I said.
Lalo pa siyang tumawa ng mapait dahil sa mga sinabi ko. “Ako ang nag-utos kay Alfredo na tanggalan ang Enzo na ʼyon ng scholarship. Hindi ko naman alam na pati ang kaibigan mong si Devine, isinama pa. Ibang klase talaga ang asawa ko, may pagkukusa.” sarkatisko siyang tumawa.
“B-Bakit niyo po ginawa ʼyon? Akala ko ba gusto mo ako at natutuwa ka sa akin?” tanong ko. Hindi ko mapigilan mapaluha dahil sa mga sinabi ni Ma'am Lucy sa akin ngayon. Bakit siya pa?
“Benta pala talaga acting ko. Tama ang asawa ko, you are nothing. Hindi ko hahayaan na isang katulad mo ang sisira sa mga plano ko para kay Azher. Isa pa, buntis ka raw? Huwag mo sana iharap sa amin ang mga bastardo na ʼyan. Hindi namin tatanggapin.” sabi niya pa. “Ikakasal na si Leticia at Azher, balak ko sana imbitahan ka—Oh! Hindi kaya malaglagan ka dahil sa makikita mo? Ikaw bahala ka if you want to see the romantic wedding. Take care, Selazha.” binaba niya na ang tawag.
Nanlambot ang tuhod ko bago ako napasalampak sa kama. Ikakasal talaga siya? Hindi niya ako pinaglaban. Hindi niya man lang ako sinubukan ipaglaban. Ano pa bang inaasahan ko? wala dapat akong asahan kay Azher.
Agad pumasok si Danzel sa kwarto, tumabi ito sa akin. “Huwag kang mabibigla sa ipapabasa ko sayong statement ni Azher about sa issue…tatagan mo ang loob mo.” tumango ako. Binigay niya sa akin ang phone niya.
“I just said that only on my interview because I was not ready at all… but I realize how much I love Leticia, hindi ko siya kayang lokohin o anuman. Secretary ko lang si Selazha, wala kaming relasyon. Sinabi ko lang ang pangalan niya para makatakas sa pressure, hindi pa kasi talaga ako ready that time. But now! I'm ready to love Leticia…infinity and beyond.”
Tumingin si Azher kay Leticia, hinawakan niya ang kamay nito na para bang sinasabi niya na kanyang-kanya si Leticia. Para bang sinasabi niyang gagawin niya lahat para sa babae, tinignan niya si Leticia gaya ng tingin niya sa akin noon…
“I love you infinity and beyond, my Leticia.”
Parang tumigil ang mundo ko. Sa akin niya unang sinabi yan e! A-Ako dapat yan. Hindi ko na mapigilan mapa hagulgol kay Danzel. Bakit ang sakit? Ako naman ang tumaboy sa kanya, pero bakit ang sakit?
“Tatagan mo, Selazha. Para sa mga anak mo, pwedeng wala na sayo si Azher at iwanan ka niya at hindi ka ipaglaban. Pero nandyan naman ang mga anak mo, nandyan sila…nandito kami para sayo.”
I cried again and again. Hindi natapos ang araw na hindi ako umiyak—na hindi ako kinapos ng hininga sa pag-iyak. Akala ko ba pananagutan niya ako? Kahit maubos ang lahat sa kanya, basta meron siyang ako okay lang! I was so stupid, nagpabuntis tapos itatanggi! Secretary lang pala. Akala ko ba mahal niya ako higit pa sa isang sekretarya?
Ayos lang kahit anong sabihin sa akin ni Ma'am Lucy, Sir Alfredo at ni Leticia. Pero kung si Azher na, bakit parang pinipiga ako?
Halos ilang araw din akong hindi nakapag salita. Hindi ako kumakain, hindi ako masaya. Naapektuhan ang pagbubuntis ko, sobrang payat ko na.
“Kumain kana, Isang. Para mabusog sila baby at ikaw. Luto ko ʼyan.” inaalo ako ni Danzel. Umiling ako.
“Busog ako.” Ikling sabi ko. I heard him sighed.
“Hindi ka pa kumakain, maawa ka naman sa mga anak mo.” sabi ni Danzel. Umayos ako ng pagkakahiga at sumubo ng pagkain, bakit ba ako ganito? Bakit ko dinadamay ang mga anak ko?
Tumabi sa akin si Danzel. “I know how much you've hurt, Selazha. Pero hindi pwedeng kawawain mo ang sarili mo. May mga taong nagmamahal sayo, kaming mga kaibigan mo…madadagdagan pa ng tatlo.” tumingin siya sa tiyan ko. “Mahalin mo naman ang sarili mo, Isang! Ikaw na lang ang hindi tatalikod sa anak mo kaya samahan mo sila. Huwag mo naman hayaan na pati ikaw tatalikuran mo sila. Don't ruin yourself, Isang.”
Ako ba talaga ang sumira sa sarili ko? Hindi ko alam kung anong kasalanan ang ginawa ko dito para maranasan lahat ʼto…minahal ko lang naman siya! kasi akala ko tama. Akala ko kapag nagmahal ako…masaya. ʼYong tipong pagkagising ko magaan na lahat kasi meron akong Azher, meron akong siya…
Kasi sabi niya mahal niya ako.
Akala ko hahabulin ako e! Tanga tanga talaga ako. Akala ko kasi hindi niya gagawin kahit itulak at itaboy ko pa siya kasi mahal niya ako. Kasi gusto niya ako, na…totoo lahat. Anong laban ko kay Leticia? Binuntis lang naman ako tapos tinalikuran na. Si Leticia, ano? Binuntis at papakasalan pa.
I laugh bitterly when I remember Azher said, secretary lang. Secretary lang ako. Masyado akong naging kampante. What's wrong with me? Una pa lang dapat alam ko na, dito mapupunta lahat. Tangina kasi ni Azher, s-siya lang ang unang lalaking minamahal ko.
Siya din pala ang unang tatalikod sa akin.
“Hindi natin sila bati, ha? H-Hindi natin sila bati.” hinimas ko ang tiyan ko kasabay ng pag-agos ng luha ko. “I’m really really sorry, mga anak. Naging duwag si mama, natakot ako. Nakalimutan ko na ako na lang ang kakampi niyo, na kahit hindi na sa akin uuwi si Azher, ang papa niyo…may pipiliin pa rin uwian ako, at kayo ʼyon.”
“....itakwil man kayo ng lahat, kahit ni Azher pa. Lagi niyong tatandaan nandito si mama, yayakapin niya kayo. K-Kahit si mama…w-wala rin kayakap tuwing lugmok siya. Tandaan niyong laging bukas ang bisig ko, yayakapin at yayakapin ko kayo kahit ayawan pa kayo ng buong mundo. Handang maging mundo ni mama para lang sa inyo.”
I always wondering how it feels to walk on the aisle with Azher before…p-pero ngayon, sa iba natupad ang iniisip ko. Hindi pala ako ang babaeng kasama niyang tutupad sa kasabihang—sa hinaba-haba man ng prusisyon sa simbahan pa rin ang tuloy.
And now; I was walking on the dead aisle—with no hope, no love, no butterflies in my stomach. I was the girl who kept thinking the best for myself—but at the end of the day mag-isa na ulit ako.
Kasi sa iba natutupad ang mga iniisip ko na akala ko para na sa akin.
:)))
expect grammatical errors. ngayon na lang ulit nakapag update, busy e.
YOU ARE READING
His Poison Desire
RomanceAzher Brylle Rialego was one of the most famous CEO and also a man who have a power and authority to drag everyone by his connection. But he is also a man who have a serious aura, unbelievable looks, and also poisonous desire. But one day, Azher Ria...