Crush
Anong oras na ako bumangon para mag plantsa ng uniform ko, nakakainis kasi papasok na naman. Umasa pa naman ako na suspended.
"Isang, magsuklay ka naman. Ang baho mo tignan, tanga." Utos sakin ng kaibigan ko na si Meg. Inirapan ko siya bilang sagot, wala akong pake.
"Menggay, lahat pinakikielaman mo. Ano naman pake mo kung hindi ako nagsusuklay?" Supladang saad ko sa kanya. Iritado niyang sinabunutan ang buhok ko.
"Gaga ka. Kaya ka single kasi ang baho mo tignan. Tamo, maganda ka pero hindi ka nagsusuklay sayang buhok mo." Gigil much ako sayo, Menggay.
Nagmadali na ako mag - ayos pero hindi ako nagsuklay. Okay naman e, tsaka maayos naman buhok ko kahit hindi ako magsuklay no. Mabaho ba ako tignan? Lumabas na kaming dalawa ni Menggay para pumasok. Kaming dalawa lang magkasama ngayon sa bahay tapos si Dada nasa bakasyon, ʼyung bading na pakarat na yon ang harot nag bakasyon pa kasama ang kanyang boyfie.
"Una na ako sa room, Isang. Bahala kana sa buhay mo." Nagpaalam na siya sakin para pumasok sa room niya. Tinignan ko siya kung totoong umalis na siya. Hihihi, dati akong mabait pero isang araw tinawag ako ng Diyos para sa likod ako ng school kumain.
Napaupo ako sa sahig sa likod ng school namin, nilalasap ko ang hangin, mas cute dito. Ang sarap talaga kumain ng chichirya yung cracklings, inamoy ko ang hininga ko kung maasim dahil sa cracklings.
Hmmm, maasim nga.
"Totit, dito si Ate." Rinig kong saad ni Edong. Andyan na mga tropa ko.
"Akala ko anong oras kayo darating e. Buti na lang dipa nagsisimula class namin, swerte niyo nakita niyo crush niyo." Ngiting saad ko at inalok sila ng cracklings agad naman nila kinuha yon.
"Ate, baka makita ka dito ni Manong guard, hahabulin ka na naman non. Suki kana sa guidance office e." Concern na saad ni Totit.
"Nakakatatlo pa lang naman ako record, kulang pa dalawa." Mayabang na saad ko. Tagusan kasi ang likod ng school namin e, kaya kapag may nadaan na kotse nakikita ang batang nasa likod ng school.
"Ako crush ni ate, inggit ka lang." Sigaw ni Edong.
"Bakit ako maiinggit? Hindi ka magugustuhan ni Ate dahil baliktaran yang salawal mo, dalawang araw mo yan bago palitan. Patuli ka muna." Mapangasar na saad ni Totit. Tumawa ako ng malakas dahil don.
"Anong baliktaran, Totit? Sabi nga ng mama mo tumatae ka sa plastik sabay tapon sa bubong. Ano? Nag shoot pa nga yon sa kawali ni Aling Godyang kaya galit na galit sayo." Halos sumakit ang tyan ko sa mukha ni Totit na makitang nahiya siya.
"Hoy, tumigil na kayo parehas ko kayong crush." Saad ko agad naman na nabuhayan ang dalawa. Pero bakit ganon? Pakiramdam ko may nakatingin sakin, patay baka maging apat na record ko edi isa na lang natitira, sige hindi ako magpapakita sa pang - isa. Hihi.
"Sumabay na kayo sakin sa pag - uwi." Saad ko pa. Hindi na muna ako papasok ngayon, tatawid kami sa bakod kung saan sila nadaan. Nakakatamad e.
"Tara na, Ate Isang." Saad ng dalawa. Agad akong sumunod sa kanila, napatingin ako sa gawi ng nakaparadang kotse. May tao ba don? Bakit parang may nakatingin? Hays. Bahala na si Batman, isang record lang naman madadagdag e hindi na lang ako papahuli dahil may isa pang natitira, hihi.
Habang naglalakad kami pauwi tinginan naman ng tao ang sumasalubong sa akin. Pupunta na lang kami ngayon kay ate Diday para bumili ng tinapay.
“Totit, tara kila ate Diday.” ani ko. Umiling naman siya.
“Banned na tayo sa bakery ni ate Diday, ate. Ang ingay ingay kasi nito ni Edong e!” inis na sabi nito. Tumingin naman sa kanya si edong ng masama.
Hinawakan ko ang kamay nila at mabilis na tumakbo. “Bibili naman tayo e!” sigaw ko at mabilis na tumakbo. Halos madapa ang dalawa sa bilis ko.
Hingal na hingal kami na makapasok sa bakery ni ate Diday. Hindi pa man kami nakakatawag ng tao na mag-salita na si Roel.
“Kamusta, Isang? Aba! Cutting na naman?” asar nito sa akin. Inirapan ko siya.
“Ano namang pake mo? Si ate Diday?” tanong ko. Narinig ko naman ang pag buntong hininga niya.
“Sinugod kagabi sa hospital. Highblood raw.” sabi nito sa akin. “Ano bang bibilihin mo, Isang?” tanong nito sa akin.
“Pandesal, dagdagan mo ah.”
Tumango siya bilang sagot. Ilang minuto kaming naghintay kasi ininit pa ang pandesal. Tumingin ako sa labas ng bakery at napansin ko ang kotse na kamukhang kamukha sa nakita ko kanina. Sinusundan niya ba kami?
Hindi ko na lang inisip pa ʼyon. Nagpalipas kami ng oras nila Totit sa bakery at kumain para hindi halatang nag cutting na naman ako.
"Mauuna na kami, ate Isang. Hindi pa kasi ubos ang sampaguita na ibebenta namin ni Edong, eh. Salamat sa meryenda po!” sabi ni Totit sa akin.
"Mag-ingat kayo ni Edong ha.” ngumiti sila sa akin. Simula na makilala ko ang dalawang batang ʼto pakiramdam ko parte na sila ng buhay ko. Si Edong papa na lang ang mayroon siya, si Totit naman may mga kapatid siya. Nakakalungkot lang na nakikita ko ang sarili ko sa kanila, ayoko kasing matulad sila sa naranasan ko noon.
Habang naglalakad ako pauwi sa amin nakita ko si Dada at Oscar. Nagtatalo sila. Gusto ko sana lumapit pero hindi ko nagawa dahil umalis na bigla si Oscar. Ano kayang pinag-aawayan nila?
Lagi silang nag-aaway, halos araw-araw. Huwag sana umabot na masaktan nila ang isa't isa pisikal. Hindi pa man ako nakakapasok sa bahay ay lumabas si Dada.
“Aalis ka?” tanong ko sa kanya. Tumango siya sa akin.
“Yes. Sa condo muna ako ni Oscar. May pag-uusapan lang kami.” sabi nito sa akin. “Alis na ako, Selazha. Ikaw na bahala, tulungan mo si Meg sa mga gawain sa bahay. Nasa labasan si Oscar hinihintay ako.” tumango na ako bilang sagot.
Napansin ko ang pasa ni Dada sa braso niya, balak ko sana siyang habulin pero masyado siyang mabilis maglakad. Saan galing ʼyon? Si Oscar kaya may gawa non?
Huwag sanang umabot sa pisikalan ang lahat. Hindi ko alam kung anong magagawa ko kay Oscar kapag sinaktan niya si Dada.
🎀 LovinglyByYours
YOU ARE READING
His Poison Desire
RomanceAzher Brylle Rialego was one of the most famous CEO and also a man who have a power and authority to drag everyone by his connection. But he is also a man who have a serious aura, unbelievable looks, and also poisonous desire. But one day, Azher Ria...