Chapter 21

22 5 2
                                    


Te Quiero..

Ika nga nila, everything happens for a reason. Sigurado ako may nag plano na mapunta ʼyung earrings ni Leticia sa bag ko, and highest to the level ang pagiging sure ko na siya din ang may gawa non at may rason bakit ako dinidiin ni Leticia.

"Grabe naman ʼyang si bruha, sinigawan ka talaga niya?" Inis na sabi ni Da habang kumakain ng mangga.

"Oo, literal na sinigawan ako at pinahiya ako."

"Pumila kayo lahat makakataga sa Leticia na ʼyan." Sabi ni Enzo, nandito silang lahat dahil nabalitaan nila ang nangyari sa'kin except lang kay Meg na may exam.

Kinausap ako ni Azher na titignan niya ang buong cctv sa company at sa office niya, baka raw may naglagay non sa bag ko. Hindi ko pwedeng pag-isipan si Donna dahil kaibigan ko siya, hindi naman ibig sabihin na siya huli ko nakasama siya na naglagay non.

"Kung ako sayo, sinipa ko na yang bruha na si Leticia!" Inis na sabi ni Da, agad kaming napatingin sa paa niya na nakabalot sa benda.

"Sure ka?" Tanong ni Enzo kaya tumawa kaming lahat. Sinamaan naman siya nito ng tingin.

Napatigil kami sa pag tawa na may tumawag sa phone ko. Si Azher, baka may nakita na siya sa cctv. Agad naman akong sumenyas na tumahimik sila.

"Hello?"

[Selazha, come here and go to my office may ipapakita ako sayo..] He said.

"Okay..papunta na ako." Sabi ko dito.

[Take care and te quiero, Selazha.] Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Ah, siguro kailangan niya ng takure.

"Ha? kailangan mo nang takure?"

[Goddammit!] Sigaw nito at binaba ang tawag. Ako na nga concern sa kanya sa takure, ako pa binabaan.

Agad akong naligo at nag-ayos para pumunta sa company. Nag presinta pa si Enzo na ihahatid ako, pero hindi na ako pumayag dahil nagmamadali ako.

"Ayaw mo talaga magpahatid? pet peeve mo ba ako?" Sabi nito sa'kin at ngumuso.

"Punyétang mukha ʼyan." Sabi ni Devine, agad naman lumingon si Enzo sa kanya at siniringan siya.

"Okay, basta kapag kailangan mo na magsusundo sayo tawagan mo ako, nakasave ang number ko sayo...tandaan mo, huwag kang uuwi na wala kang kasama." Sabi nito sa'kin at tumango naman ako. Nagpaalam ako na aalis na ako at next time mag bonding na kami na mas matagal pa.

Sa sobrang pagmamadali ko na makapunta sa office ni Azher ay nadapa pa ako sa entrace, buti na lang tinayo ni guard. Aba, good samaritan!

"Why did you do this to Selazha?! She has nothing to do bad things for you!" Rinig ko agad ang sigaw ni Azher sa labas ng opisina niya, agad naman akong pumasok.

I see Donna and Azher, nakatayo si Donna sa tapat niya at naka tungo si Azher naman ay nakatayo at dinuduro-duro si Donna. Agad akong tumakbo kay Donna para yakapin siya.

"Anong ginagawa mo? bakit mo sinisigawan si Donna?" Inis na sabi ko kay Azher nakita ko ang paglambot ng mata nito.

"Selazha, siya ang naglagay ng earrings sa bag mo." He said and sit on his swivel chair.

"Totoo ba ʼyon, Donna?" Tanong ko kay Donna at inangat ang mukha niya at nakipagtitigan sa mata nito.

"Yes...kasi inggit na inggit ako sayo.." Sabi nito at umiyak. "Lahat nakukuha mo, lahat may gusto sayo. Sakin ba meron? gusto ko si Sir Primo.."

"...pero sayo siya may gusto! alam mo sana hindi na lang kita tinulungan makapasok dito, sana sinabi ko na wala nang bakante sa pagiging secretary!" Bulyaw nito sa'kin.

"Alam mo ba na maraming kumakalat sayo na chismis sa buong company..ako ang nagpakalat non!" Agad tumulo ang luha ko, paano nagagawa sa'kin ni Donna lahat ng mga sinasabi niya?

"Tangina ka, Selazha! simula umpisa ayoko na sayo, nagpapanggap ako na close tayo pero kating-kati ako sayo kapag katabi kita. Oo, malandi ka..totoo ang sinabi ni Leticia, akala mo ba hindi namin alam?may relasyon kayo ni Boss." Sabi nito sa'kin at tumingin kay Azher na ngayon ay nakayukom ang kamay sa galit.

"Don't cursing her infront of me!" Sigaw ni Azher. Agad ko naman siya tinignan na hayaan lang ako. Naiintindihan naman agad ni Azher yon at lumabas siya sa opisina, dinabog niya pa ang pinto.

"L-Lahat yon hindi totoo?" Tanong ko dito, agad siyang ngumisi.

"Oo! tanga tanga lang makikipag-kaibigan sa tulad mo no! hindi ako isa sa mga tanga na ʼyon. Alam mo bakit ko nilagay ang earrings ha?" Sabi nito sa'kin.

"...kasi gusto ko umalis ka dito. Gusto ko maging masama ang tingin sayo ng mga tao dito, lalo na si Primo!" Tinignan niya ako ng masama. "Pero tangina, hindi! lalo kang naging anghel at santo sa buong company! pinagtatanggol kapa nang iba. Well, I don't blame them naman kapag naakit sila sayo.." Dagdag pa nito isang malutong na sapak ang natanggap niya sa'kin.

"Donna, simula una tinignan kita bilang kaibigan ko..tinuring kita bilang kapatid ko, akala ko ganun ka din eh.." Sabi ko at napaupo sa sofa. "Kung sinasabi mo walang may gusto sayo, ako gustong gusto kita kasi ang tapang tapang mo..n-na sana may tapang din ako tulad mo.." Pabulong na saad ko.

"Ano gusto mo? mag thank you ako sa kabaitan mo, Selazha?" Sabi nito sa'kin.

"H-Hindi..kasi akala ko okay tayo, akala ko totoo ka. You always make me feel better, Donna..lahat ginagawa mo maging okay lang ako, maging maayos lang ako pero hindi pala totoo." Pinunasan ko naman ang luha na nasa pisnge ko.

"Tingin moba lahat gusto ka, Selazha? sukang suka ako sayo.."

"..gusto ko lang naman na mahalin ako, Selazha. Gusto ko lang naman pansinin ako ni Primo, pero hindi ko maintindihan bakit ba gustong gusto ka non!" Dagdag pa nito.

"Tingin mo magugustuhan kapa ni Primo ngayon, Donna?" I asked her. "..lahat nang sayo kamahal-mahal, Donna. Hindi mo lang ba naisip na sa tuwing naiinggit ka sa'kin may humiling din na iba na sana si Donna na lang sila, simple at matapang..na sana siya din!"

"Hindi mo kailangan mambaba nang iba para tumaas ka lang, hindi mo dapat hinihingi yung atensyon na alam mong dapat hindi ka nahihirapan kunin.."

"Donna, worth it ka eh. Kung galit ka sa'kin huwag mong idamay ang trabaho ko at ang pagkatao ko.." Sabi ko. Agad tumagas ang luha ni Donna.

"Hindi mo kasi naiintindihan ang sitwasyon ko, Selazha. Madaling sabihin sayo na worth it ako at hindi ko kailangan mambaba ng iba pero ang totoo hindi mo naman talaga alam lahat.." Sabi nito at ginulo ang buhok.

"Alam ko man o hindi, wala ka sa posisyon para ibaba ako Donna." Sabi ko at iniwan siya sa opisina. Naghihintay si Azher sa gilid nang pintuan at nakasandal sa pader. Agad siyang lumapit sa'kin at dinaluhan ako ng yakap.

"Selazha, you don't have to be a people pleaser if they don't want you; leave the table and say nothing. Don't stress yourself too much about those people who don't want you, that's the reality; not everyone can like you. Pwede ka nilang husgahan, hindi magustuhan at hindi gustong maging kaibigan..but, you know what more important things for being not liked by everyone? There's someone keeping admiring you for who you are..."

"...and that's me. I will keep admiring you even from a far o kahit malapit ka man." Hinigpitan nito ang pagyakap sa'kin at bumulong.

"Te Quiero..my Selazha."

🎀 LovinglyByYours

kayo napo bahala mag search sa word na yon.

expect grammatical error here po! (^_-)🎀

His Poison Desire Where stories live. Discover now