Chapter 22

23 6 1
                                    

Hindi ko malimutan si Donna, hindi ako naniniwala na siya lang lahat ang gumawa non. Nandito ako ngayon sa puntod ni Edong, sinamahan ako ni Totit para madalaw namin ang puntod niya.

“Ate, okay na saranggola ni Edong, kaso nga lang nagawa ko lang siya ayusin nung wala na siya..” Sabi ni Totit at tumabi sa akin. 

“Sobrang natutuwa si Edong sa taas kasi inayos mo ʼyan, tsaka kahit wala na siya nandito pa naman siya sa puso natin, diba?” Sabi ko at tumango naman siya. 

I’m so happy for Totit. After what happened to Edong, he is still fighting and cherishing all the memories they have. Edong and Totit are the best definition of true friends. 

“Ate, nakakulong napo ang papa ni Edong.” He said and looked at me. 

“He deserves that, Totit. After what he do to his own son, deserve niya ang makulong habang buhay.” I smiled at him and touched his face. 

“Sayang ʼno, ate? siguro wala tayong dinadalaw ngayon sa sementeryo kung hindi ko muna pinauwi si Edong noong gabi na ʼyon..” Agad tumulo ang luha ni Totit. 

“Shh..hindi mo naman alam, kung nakikita ka ni Edong ngayon magagalit siya sayo kasi you keep blaming yourself..” I told him. 

After an hour umuwi na kami ni Totit. Hinatid ko siya sa kanila, medyo magulo sa looban nila at puro takbuhan ang mga bata. Pagpasok namin ni Totit sa bahay nila, agad bumungad sa akin ang nakahigang anim na bata at isang babae na buntis pa. 

“Tit, sino kasama mo?” Tanong ng babaeng buntis. “Ate, Isang po.” Sabi ni Totit at kumuha ng balde para mag-igib sa poso. 

“Pagkatapos mo mag-igib, Totit..magbenta ka sampaguita para may pera ako,, may sugal ako..” Sabi ng babae at humipak sa sigarilyong hawak niya. Agad itong tumingin sa akin at siniringan ako. 

Hindi ko naisip na ganito pala nararanasan ni Totit kapag uuwi siya galing sa laro. 

“Pasensya kana kay ate ko, ate Isang. Sabi sayo huwag mo napo ako ihatid e..” Nahihiyang sabi nito. 

“Bakit naman?” Tanong ko dito.

“Nahihiya po ako sayo..” 

“Huwag kang mahiya sa akin, walang nakakahiya.” Sabi ko at tinulungan siya mag buhat sa mga balde. “Tutulungan kita mamaya mag benta ng sampaguita, Totit ha.” Presinta ko tumanggi pa siya pero hindi ako pumayag. 

Matapos gawin ni Totit lahat ng gawain ay kinuha niya ang mga sampaguita na nakababad sa tubig. Binilang namin ang bawat piraso non at inayos ang mga bungkos para hindi malaglag. 

Pumunta kami dito sa tapat ng simbahan. Anong oras na wala pa rin nabili sa mga sampaguita, aabutin na kami ng ulan. Halos lahat tinitignan ako kapag nilalakuan sila, ang iba pagkukumparahin  ang itsura namin ni Totit dahil mainis daw ako, pero ang bata ay madumi. Hindi na lang namin pinapansin ni Totit ang mga ʼyon. 

Inabutan na kami ng ulan ni Totit na wala kaming nagbebenta, sumilong kaming dalawa. Nagulat ako na mag ring ang phone, si Azher natawag. 

“Hello, sir.” 

[Where are you?] He said. 

“Kasama ko si Totit.” Sabi ko at hinihintay siyang sumagot. “Naulanan kami at nakasilong kami dito..” 

[Send me the location, I will pick you up.] Tatanggi pa sana ako pero hindi siya pumayag. 

“Agasino St. Nandito kami sa tapat ng talipapa.” Sabi ko at binaba ang tawag. 

“Sino kausap mo, Ate?” Tanong ni Totit sa akin. 

“Boss ko.” Ikling saad ko. 

Ilang minuto pa dumating na si Azher may dala itong black na payong at naka kotse pa. Agad siyang lumapit samin at tumingin sa sampaguitang hawak ko na tumutulo pa ang tubig non. 

“Tss. Basang basa ka.” Sabi nito sa akin at hinawakan ang likod ko. “You don't need to sell sampaguita, if you have a problem with your finances, call me..” Bulong nito sa akin. 

“Kay Totit ʼto. Tinulungan ko siya mag benta..” Sabi ko dito. 

“Ako ang bibili lahat niyan, Selazha.” Sabi nito at dumukot ng cheque. Agad naman akong napanganga. 

“Ano ʼyan?” Tanong ko dito. 

“Cheque.” He said and looked at Totit na ngayon ay sobrang saya dahil may bumili na samin. 

“Kuya, pwede ba cash na lang?” Hirit ni Totit. 

Nakita ko ang pagkamot ni Azher sa batok niya. 

“I don't have cash now, cheque lang ang dala ko.” He said. 

“Sige po, okay lang..” Sabi ni Totit at inabot ang sampaguita sa kanya. 

Kinuha naman ni Azher iyon. 

“Paki-gcash na lang kuya..” Sabi ni Totit at napasapo ako sa sa noo dahil sa mga sinasabi niya ngayon. 

Gumawa ng paraan si Azher maibigay ang cash kay Totit, sobrang tuwang tuwa naman si Totit. Hinatid namin dalawa ni Azher si Totit, nag thank you naman si Totit samin. 

Buntong hininga si Azher ng makababa na kami sa sasakyan at huminto sa tapat ng bahay namin. Humarap ito sa akin sabay nilagay ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng pants niya. 

“Next time, call me if you are going somewhere, okay?” Sabi nito sa akin at pinitik ang noo ko. Agad kong sinapo ang noo ko dahil sa sakit non. 

“Opo, boss!” 

“Tss. Selazha, I'm not kidding. You silly, I told you na kapag aalis ka, sasama ako.” Azher pouted. 

Putangina, ang pogi. 

“Hala, bakit ka gumaganyan? ikaw ha.” I said at tinuro ko pa siya, nagulat ako na bigla niyang isinubsob ang mukha sa leeg ko. 

“Selazha, I'm worried about you. Please, don't take this as a joke. I’m literally being overreacting when you told me na naulanan ka. You silly, take care of yourself..” 

“M-Maayos naman ako.” Utal na saad ko. 

“Yes, I know. But, please take care of yourself.” He said and pulled my waist closer to him. “I'm going to France next week, I want you to take care of yourself..”

Agad akong nakaramdam ng lungkot sa sinabi niya. Pupunta siyang France? 

“Bakit ka aalis?” I asked. 

“My company in France needs me, there's a lot of conflict lately. Gusto ko ayusin lahat.” Sabi nito sa akin at mahinahong tumingin sa akin. 

“I will come back, Selazha.” 

“Ayos lang, kasi kailangan mo ayusin yon.” Sabi ko at nginitian siya. 

“Selazha, I will promise pag balik ko dito, lahat nang gusto kong sabihin sayo. Sasabihin ko..” 

“Huwag mong bibitawan ang pagiging asawa ko pag umalis na ako..” Bulong nito sa akin.

“I will make sure na hindi na nakabase lahat sa kontrata ang lahat, Selazha. Te quiero..”

I don't really understand you, Azher. But, I will always be faithful to you at hindi ko babaguhin ang nararamdaman ko para sayo. 

🎀 LovinglyByYours 

His Poison Desire Where stories live. Discover now