Chapter 31

9 1 1
                                    

Halos limang buwan na rin ang pinagbubuntis ko. Hindi madali para sa akin ʼto, pabalik-balik din ako sa hospital dahil hindi maganda ang pagbubuntis ko. Araw-araw akong mahihimatay, nasusuka at umiiyak na walang dahilan lalo akong na-istress. 

“Selazha, uminom ka na ng gamot.” sabi ni Dada. Malaki rin ang kinapayat ng katawan ko, hirap ako sa paghinga at lagi akong puyat dahil sa nahihirapan ako magbuntis. 

“D-Da, si Azher…” I asked him about Azher everyday. My eyes started to tear up. I heard Danzel sigh.

“Selazha, nasa America tayo wala si Azher dito.” sabi nito. Oo, pinaglilihian ko ang wala dito. 

Pagod na pagod na sa akin si Danzel, araw araw niya akong inaalagaan. Si Devine naman laging nag proprovide sa buwanang check up ko, pero hindi sila sa akin nagrereklamo. Nahihiya ako kasi sila ang sumasagot sa lahat. 

“Da, paano na kami? Hindi n-niya talaga kami hinabol… sinundan man lang, wala!” umiiyak na sabi ko.

“Kumalma ka, Isang. Ikaw na nga nagsabi na mas maganda ʼto, just please calm down…” bulong nito. 

Bumuntong hininga ako bago humiga. Binuksan ko ang phone ko, hindi pa ako nakakatagal sa pag-scroll na may nakita akong picture. It was Azher! May balita sa kanya na hindi na sa kanya ang Rialego Company, bakit ganito? 

Pinanood ko ang isang interview niya. Namumutla si Azher don at parang nanghihina habang kinakausap siya ng isang reporter. 

“Ano pong mga isyu ng kompanya ang dahilan kung bakit binawi ni Sir Alfredo Rialego na iyong ama, ang kompanya mula sayo?” tanong nito. Tumikhim si Azher at hindi sinagot ang tanong. 

“Is it because of a girl named Selazha?” tanong ng isa pang reporter. Masama siyang tinignan ni Azher. 

“Shut up, don't involve her name about this fucking issue, labas siya dito. Tss..” Ikling sabi ni Azher. Hindi niya na pinansin pa ang mga sunod-sunod na tanong, naglakad lang siya paalis. 

Pinatay ko na ang phone ko. Hindi ko kayang panoorin pa ang ibang video about sa kanya, puro balita din about sa pangalan ko at samin ni Azher. May mga naglabas pa ng picture namin noon na magkasama, pero lahat ʼyon nakatalikod ako. 

Nagtataka lang ako. Bakit walang nagsasalitang employee ni Azher about sa akin? Hindi nila nilalabas ang mukha ko sa publiko. Si Leticia rin, alam niya kung sino ako pero hindi niya sinasabi sa publiko ang mukha ko. 

I take a deep breath. I decided to deactivate all of my social media accounts, ayokong mainvolve pa dito. I have a lot questions in my mind, bakit hinayaan ni Azher mawala lahat sa kanya? Kaya nga ako nag sacrifice dahil ayokong mawala sa kanya lahat, ayokong mawala lahat ng pangarap niya sa kanya. 

“Selazha.” tawag sa akin ni Da. Agad akong lumingon sa kanya. “Kanina pa kita tinatawag, nagtanong sa akin si Enzo bakit raw nag deactivate ka?” dagdag nito. 

Lumapit ako sa kanya. “Napanood mo na ba mga balita about kay Azher? Puro pangalan ko ang nandon dahil nga sa past namin ni Azher. Ayokong lumaki pa ang issue, baka malaman nila kung sino ako mapahamak pa si Azher at ang mga anak ko..” I said.

“Kumalma ka, sasabihin ko na lang sa mga kaibigan natin bakit ka nag deactivate. Maybe it's better if hindi ka muna mag cellphone, habang may nakikita o napapanood ka about kay Azher, naapektuhan ka agad..” He said. I just nodded. 

Maaga akong nagising dahil may check up ako ngayon. Kailangan ko pa rin mag exercise, lumalaki na talaga ang tiyan ko at nahihirapan na ako gumalaw. Bumaba na ako para maglinis sana, pero nakita ko si Devine na umiiyak kay Danzel. 

“Bakit, Devs? May nangyari ba, ano?” tanong ko. Tumingin siya sa akin, namumugto ang mata nito. 

“Hindi na ako tinatanggap ng iba't ibang university dito sa America, Selazha. May gumawa kasi ng issue about sa akin, nakarating kay Dad lahat.” iyak na sabi nito. Lumapit ako sa kanya at hinaplos ang ulo nito. 

“Nalaman mo ba kung sino ang gumawa?” I asked. I saw the pain in her eyes. 

“Y-Yes… Sir Alfredo, tatay ni Azher.” nagyukom ang kamao ko. 

“What? P-Paano? Nasa ibang bansa na tayo, paano niya nalaman kung saan ka papasok na university?” tanong ko. 

“The successful CEO in America, Mr. Wilson, yung may ari ng law school na balak kong pasukan! Kaibigan niya si Sir Alfredo, siniraan niya ako Selazha!” galit na tono nito. “May nilabas siyang fake documents about sa akin, I don't know what's inside in the document. Putangina..” dagdag niya. 

Kumukulo na dugo sa matandang ʼyon! Hindi paba sapat na nandito kami sa America? Pati ba naman kaibigan ko idadamay niya. 

“Kinuha ni Dad ʼyong monthly allowance ko, hindi niya ibabalik ʼyon hangga't hindi ako makakapasok sa kahit anong law school. Pero tangina! Sinusuka ako ng ibang law school na gusto kong pasukan..” gigil na sabi nito. Hinawakan ko ang kamay nito. 

“Huwag kang mag-alala, subukan ko kausapin si Sir Alfredo.” I said. Umalma agad si Devine at Danzel. 

“No way, Selazha! I can handle this, ako ang aayos ng gusot na ʼto.” sabi ni Devs. Umiling ako at umupo sa tabi niya. 

“It's all of my fault, kung hindi ako sumama sayo dito sa America baka hindi ʼto nangyari..” mahinang sabi ko. 

“Don't blame yourself, Selazha. It's not your fault, okay?” sabi nito, hinintay niya akong tumango kaya wala akong ganang tumango. 

Nagulat si Da na nag ring ang phone niya. “Si Enzo.” sabi nito sa amin, agad niyang sinagot iyon. 

“Enzo, ano?” tanong ni Da. 

“T-Tanggal na ako sa varsity, boi. Inalis scholarship ko.” dinig namin na sabi ni Enzo. Humihikbi din ito. 

“Ano? Bakit? Paano ka tatanggalin e isa ka sa magaling na player ng campus natin?” tanong ko sa kanya. Hindi naman talaga totoo na bangko si Enzo, kasi ang totoo varsity siya ng campus namin. 

“Tangina kasi nung tatay ng ex mo! Bigla ba naman akong tinanggal, hindi naman siya coach. Bigla akong pinaupo, nagalit sa akin kahit wala akong ginagawa. Hanggang sa nauwi na sa pag-alis sa akin sa varsity at sa scholar ko, siya na kasi may ari ng school eh!” singhal nito sa call. Napasapo ako sa ulo ko dahil sa mga nangyayari. 

“Hindi ka niya pwedeng tanggalin agad, kilala ka sa campus natin, panlaban ka nga eh!” sabi ni Devine. 

Narinig ko na bumuntong hininga si Enzo. “Nandito na e, mumurahin na naman ako sa bahay. Hayaan na, gagawa na lang ako ng paraan pang college.” sabi nito at nagpaalam na. 

Paano na si Enzo ngayon? Siya lang inaasahan sa bahay nila, hindi naman na siya humihingi sa mga magulang niya kasi nga may kinikita din siya sa pagiging varsity niya. Sobrang sakit lang kasi nawala lahat, pati scholarship niya. 

Hindi ko alam bakit ginagawa ni Sir Alfredo ʼto sa mga kaibigan ko, pwede naman sa akin lang! Bakit kailangan pati mahahalagang tao sa buhay ko madadamay? 

“May number ako ni Mom Lucy, I can talk to Sir Alfredo about this, pwede ko siyang kausapin para maayos lahat ng ʼto.” sabi ko sa kanila. 

“Selazha, h-huwag na nga..” tutol ni Dada sa akin. 

“Bakit ba? Hihintayin pa ba natin na lahat kunin ni Sir Alfredo dahil mas nakakaangat siya? Paano si Mikana? Baka siya ang isunod non!” galit na sabi ko. “Hindi ko hahayaan na lahat ng pangarap niyo eh mapunta sa wala! Baka pag kinausap ko siya tanggapin na si Devine sa law school na gusto niyang pasukan…” tumingin ako kay Devine. “...tapos si Enzo mabalik sa pagiging varsity niya pati scholar niya. Okay lang kahit anong sabihin sa akin ni Sir Alfredo! B-Basta huwag lang kayong madamay..” 

Hindi sila pwedeng madamay, kasalanan ko ʼtong lahat—bakit kailangan na sila ang nag susuffer? Hindi ko kakayanin na malagay sa sitwasyon na nahihirapan ang mga kaibigan ko, kasi sa ngayon sila lang ang meron ako.

:))

happy friendship day, everyone! mahal ko kayo.

kamusta ang lahat?

His Poison Desire Where stories live. Discover now