Sa bahay kami ni Mikana tumuloy pansamantala. I want to help them sa mga gastusin, pero hindi nila ako pinapayagan kasi buntis ako. Hindi pa naman masyadong halata ang tiyan ko, ang galing nga kasi tatlo sila pero hindi gaano malaki kahit 3 months and 2 weeks na sila.
I miss him so much, tinatawagan niya ako pero hindi ko sinasagot. Sobrang sakit para sa akin na lumayo kay Azher, mahal na mahal ko siya. Hindi ko nga alam kung magiging maayos paba ang buhay ko at ng mga anak namin kapag wala silang ama, kapag wala si Azher. Iniisip ko rin ang magiging kalagayan ng mga anak ko sa kamay ni Sir Alfredo kapag tinuloy pa namin ni Azher ang lahat.
Mabigat ang paghinga ko na umupo ako sa sofa. Binuksan ko ang TV, pero nagulantang ako sa lumalabas sa balita.
"Azher Brylle Rialego the CEO of Rialego Company are getting married to his long time partner, Leticia Kim Chua, the daughter of Mr. Chua, the CEO of Chua Business Company. Let's all welcome the hottest couple, Azher Brylle Rialego and Leticia Kim Chua." sabi ni Ms. Huson, one of the most famous reporters. Lumabas si Azher at Leticia, nagulat pa ako. Nakauwi na kaya siya sa Pinas?
"Kailan ka pa bumalik sa Pilipinas, Mr. Rialego?" she asked Azher. Bumalik na siya sa Pilipinas? What the fuck.
Nag-init ang pisngi ko maging ang mata ko na makitang hinawakan ni Leticia ang braso ni Azher. Nakita ko sa mukha ni Azher na parang nainis siya sa ginawa nito.
"Yesterday." Ikling saad ni Azher at tipid na ngumiti. Hinawakan ni Leticia ang braso niya at hinaplos-haplos ng bahagya, pasimpleng inalis ʼyon ni Azher.
"How about you, Ms. Leticia Kim Chua? Are you happy now? Sobrang sweet niyo.." magiliw na sabi ni Ms. Huson. Agad tumawa si Leticia at tinignan si Azher.
"Yes, I'm really really happy. After how many years na pagplaplano, natupad na rin." she said. Mapait akong tumawa sa sinabi nito.
"What? It's fucking arrange marriage." Azher said with a sarcastic tone. Agad napasinghap ang mga tao maging si Ms. Huson, nagulat rin si Leticia sa sinabi nito.
Tumayo si Azher at lumapit sa camera. Agad itong nagsalita.
"I want to take this opportunity to say this to my baby, Selazha. Umuwi na ako..umuwi na ako sayo. Huwag mo ako sukuan, just wait for me." malambot na saad nito at tumakbo palabas, hinabol siya ni Leticia at cinut muna nila ang program. Agad tumulo ang mga luha ko.
Tumayo ako at pinatay ang TV. Pupunta si Azher, pupuntahan niya ako..
"Baklaaa!!" sigaw ni Dada sa akin. Pinunasan ko ang luha ko bago siya harapin.
"Isang, kanina lang lumabas ang balita kay Azher pero kalat na kalat na pangalan mo sa iba't ibang website! Tapos isa pa, ang chupapi mo umuwi na sa Pinas." hingal na sabi nito.
"Napanood ko, Da. Anong gagawin ko? Pupuntahan ata ako ni Azher, alam mo naman na binabantaan ako ni Sir Alfredo. Baka pag hinarap ko siya, may bumaril sa akin dyan sa labas." dahan-dahan kong ginulo ang buhok ko.
"Don't worry, hindi naman siguro siya makakapunta dahil hindi niya alam ang bahay ni Mikana. I'm sure na pupunta si Azher sa dati nating bahay." Dada said. Hinawakan niya ang balikat ko para pakalmahin.
Pagkatapos kumalat ng mga balita, maraming nag message sa akin. Maraming mga positive message, pero mas marami ang negative message. May mga balita din sa iba't ibang website tungkol sa akin, kabit at mang-aagaw raw ako. Nakita ko ang isang post sa ig, tungkol sa akin.
WHO IS SELAZHA?
@mldrd_tomas
cguro hampaslupa si girl..
YOU ARE READING
His Poison Desire
RomanceAzher Brylle Rialego was one of the most famous CEO and also a man who have a power and authority to drag everyone by his connection. But he is also a man who have a serious aura, unbelievable looks, and also poisonous desire. But one day, Azher Ria...