Chapter 1
Lyra's POV
"Sige! Ipagpalit mo kami ng anak mo diyan sa Aldebaran!"
["Hindi mo kasi naiintindihan! Babalik naman ako! Kailangan lang talaga nila 'ko!"]
"Kailangan ka rin ng anak mo! Kailangan ka rin namin!"
["Kaya nga babalik din ako!"]
"Kailan?! Kung kailan namumulubi na kami dito?! Hindi tayo mayaman! Kailangan kong magtrabaho! Wala ring kasama dito sa bahay ang anak mo!"
Umiiyak na napayakap ako sa'king sarili habang nakaupo sa gilid ng pintuan ng bahay namin. Kagagaling ko lang sa school at ito ang nadatnan ko pag-uwi. Kausap ni dad si mom sa phone.
Noong nandito pa si mom sa bahay, madalang lamang silang magtalo, ngayong nasa malayong lugar na si mom, sa telepono na nga lang sila nakakapag-usap, puro pa pagtatalo.
Bahagyang nakaawang ang pinto kaya't rinig na rinig ko ang boses ni mom galing sa telepono.
["Malaki na si Lyr---"]
"Hindi pa! Wala pa sa tamang edad ang anak mo para walang mag-alaga sakaniya pero inuna mo pa 'yan! Tungkulin mo 'to bilang ina!"
["Tungkulin ko rin 'to! Kailangan nila 'ko! Alam mo namang hindi sila makakakilos kung wala ako!"]
Inis na pinahid ko ang aking luha tsaka isinuot ang headphone bago tumakbo palayo sa bahay. Ayoko nang marinig ang sigawan nila sa telepono. Ang sakit-sakit pakinggan dahil hindi naman sila dating ganito. Masakit para sa'kin na habang dumadagdag ang edad ko, mas lumalaki ang espasyo at pader sa pagitan nila. Pakiramdam ko tuloy, ako ang puno't-dulo nang lahat.
Ang totoo, hindi ko alam kung sa'n ako pupunta. Hindi ako gala kaya ang lugar lamang na alam ko ay ang daan papuntang school at ang daan pauwi sa bahay. Bukod do'n ay wala na. Hindi kasi ako mahilig makipag salamuha sa mga tao. Ayoko sa maingay na lugar kaya't lagi akong nakakulong sa kwarto ko.
Napahinto ako sa paglalakad nang may maisip akong ideya. Napahawak ako sa headphones na palagi kong suot tsaka dahan-dahan itong tinanggal.
'Nakakapagod! Araw-araw na lang akong pinag-iinitan ni boss Panot!'
'Oh my gosh. Sabi na eh! Nag ch-cheat siya! Ayaw kasing makinig sa'kin eh!'
'Hala! May assignment pala! Ngayon na pasahan no'n!'
'Mal-late na 'koooo!'
'May pagkain na kaya sa bahay? Ano kayang ulam?'
Napapikit ako sa ingay ng mga utak ng tao na sinabayan pa ng ingay ng mga kotse. Ito ang sikreto ko. Nakakarinig ako ng isipan ng tao. Hindi ko ito kayang kontrolin kaya't tinatakpan ko lagi ang tenga ko gamit and headphones. Sa gano'ng paraan, nako-kontrol ko kung sino lang ang gusto kong pakinggan. Kung kanino ko lamang ituon ang paningin ko, siya lamang ang naririnig ko kapag nakatakip ang tenga ko.
Naisip kong pakinggan ang isip ng mga tao para mawala sa isip ko sila mom and dad at dahil na din sa baka mabanggit nila kung saan sila papunta. Sa paraang 'yon, malalaman ko kung saan sila pupunta at ang daan papunta sa kung saan.
At hindi nga ako nagkamali.
'Ang layo pa ng school dito! Sasakay na ba 'ko?' dinig kong pag papanic ng boses lalaki.
'Ang init. Tatambay muna 'ko sa mall.' boses ng babae.
'Haaaay... Kailangan ko pang bisitahin si lola sa ospital...' boses ng babae.
'At sa park niyo pa talaga napiling mag landian ha?! Lagot kayo sa'kin ngayon!' galit na sigaw ng boses babae sa isipan niya.
"Yun!" mahinang bulong ko ng mabanggit ang salitang park.
Sinuot ko ulit ang headphones bago luminga-linga upang hanapin ang nagsabi no'n. Tumingin ako sa isang magandang babaeng nag lalakad na parang naiinis. Since babae ang nagsabi no'n hindi ko na lamang pinansin ang mga lalaking nakikita ko.
'Bibisitahin ko pa siya eh puro panlalait lang natatanggap ko do'n nung maayos pa siya! Nakakainis!'
Inilipat ko ang tingin sa isang babaeng nakakunot ang noo habang naglalakad.
'Napaka init sa pinas! Nakakasilaw 'yung araw!'
Inilipat ko naman ngayon sa isang babaeng may hawak na cellphone habang mabilis na naglalakad.
'Lagot ka sa'kin. Akala mo hindi ko kayo mahuhuli ha. Ang lalandi niyo!'
"Siya 'yon." bulong ko tsaka sinundan 'yung babaeng panay ang mura sa isip niya.
Base sa mga naririnig ko, nag cheat yata 'yung boyfriend ng kaibigan niya at siya 'yung susugod or mag susumbong do'n sa friend niya. Hindi naman sa usisera 'ko ha? Ito lang talaga ang paraan ko upang tumakas sa reyalidad. Sa reyalidad na kaming dalawa na lang talaga ni dad ang naiwan.
'Ang bait-bait ng kaibigan ko! Purket malaki ang tiwala sa'yo, ginaniyan niyo?!' at muli siyang nag mura. 'Lagot kayo sa'kin. Ibidensiya lang ang kailangan ni Clouie. At makukuha ko na 'yon ngayon.'
Pinakinggan ko naman ang sinasabi nito bago magsalita. "Ahh. So kukuha lang pala siya ng ibidensiya. Akala ko siya 'yung aaway do'n sa lalaki eh." mahinang komento ko habang patuloy na binabasa ang utak niya.
'Lagot kayo sa'kin. Ang lapit-lapit ng park sa bahay ni Clouie, sa park pa talaga? Tignan mo! Ang kapal! Kung hindi pa nakita ni Bea, hindi pa ko makakakuha ng picture!'
"Sino naman kaya si Bea???" takang bulong ko.
Nagulat ako nang bigla itong tumawid habang nakatutok pa rin ang mga mata sa cellphone niya! Nanlaki ang mga mata ko nang makitang may mabilis na kotseng paparating!
"MIIIIIIISS!!!" Malakas na sigaw ko pagkatapos tanggalin ang headphone.
---
YOU ARE READING
Ethereal Thread Of Thoughts
FantasyThis story is about a girl who can read minds, Lyra Elowen. As she got older, she began losing interest in making relationships with people. For her, everyone is a liar; no one is true, and everyone is fake. She began thinking, "What could life be...